"Vivi!" Napalingon agad siya sa tawag ni Buds. Kasama na din nito yung babae ni Ito kanina na lumapit na rin sa kanila. "Kami na dito, Esguerra. Umalis na kayo," Nakita niyang naglapitan din na ang mga malalaking mama na sa tingin niya mga bouncers. Nagkakagulo na nga. "Itong, go!" sabi din nung babae sa kanilan na mukhang concern na concern pa talaga. "Magkita nalang tayo sa bahay." Aba! Sa bahay pa talaga?! Bago pa man siya makapag-react, hawak na ni Ito ang kamay niya. Nahablot na siya papalayo sa mga kaibigan. Malakas yung paghila kaya wala siyang nagawa kundi sumama. Masyadong ding mabilis ang pangyayari. "Ito! Ito ano ba?!" sambit niya. Nakalabas na sila nang bar pero hila-hila parin siya nito. Hindi tumitigil. Ang bilis pa nila. Medyo masakit na sa paa ang paglalakad nila d

