Napabuga ng hangin si Vivi nang makarating na sa bahay. Napakabilis nang pangyayari at di niya parin naproproseso ang lahat. Galit dapat siya kay Ito. Naiinis dapat siya. Kaso nag-disappear lang yon nang isang iglap nung nahalikan siya nito. Isa na siyang certified marupokpok talaga. Binuksan na niya nang mabilis ang gate. Mabuti at may extrang susing nakabaon sa mga paso ng halaman na ginagamit nilang magkakapatid for emergency. Mega kalkal pa tuloy siya, kakahiya lang. Sumunod sa kanya papasok ng bahay si Ito. Wala pa itong imik simula kanina. Kahit doon sa sasakyan tutok na tutok lang sa daan. Ang bilis din kasing magpatakbo, pakiramdam niya nakikipagkarera na. Buti at nakarating pa sila nang matiwasay. Napasimangot siya pagbukas ng mga ilaw ng bahay. Walang tao, nakalimutan na tala

