"Hija?" Napakurap si Vivi sa tanong ng babae sa harap niya. Nagising nalang siya na andito na sa tabi. Natatandaan niya ito yung babaeng sumalubong sa kanila nung dinala siya ni Ito sa clinic na yon. Si Ito, natanaw niya doon sa isang upuan na malapit lang sa kama. Nakatingin din sa kanya. Mukhang puyat na ewan. Ang itim na nung eyebags. Buti gwapo parin kahit lalong mukhang goons. "I'm Dr. Rosalina Esguerra, ako yung nag-check up sayo kagabi," sambit nung babae nang nakangiti. "Pamangkin ko si Carlito." Tita pala ni Ito. May edad na pero halata na maganda ito nung kabataan pa. Maamo ang mukha. Kamukha ni Miss Carrie. Siguro nasa genes nila yon, maganda talaga yung lahi. "Hija, anong nararamdaman mo ngayon?" Tanong naman ni Tita...este ni Dr. Esguerra. "Po?" Wala pa siya sa huwisyo

