Warning: SPG na slight. --Vivi ano na? Butas na ba talaga? Natawa nalang siya sa tanong ni Pilar. Tumipa siya sa phone at sinagot na ito. --Saang parte ba kasi? -Ang wild ng lokaloka! Ini-imagine niya ang halakhak ng gaga. Sobrang kulit kasi nila Byron at Pilar na everytime na nagkikita sila iyon na nalang ang topic. Talagang curious. Pero siyempre hindi siya kiss-and-tell. Hindi niya sasabihin muna, bahala silang mag-assume. Binaba na niya ang phone saka bumalik sa ginagawa. Mamaya na uli ang chika. Need niya ng anda. May bagong raket na binigay sa kanya si Tita Angelu. Bigtime na naman. Mukhang natuwa doon portfolio na pinakita niya last time na bumista siya sa office. Nakatulong na din siguro yung ginawa nila doon sa kasal ni Miss Carrie. Ilang beses kasing na-feature yun sa mga

