"Ito, iwan na kita dito." Sambit ni Rosaria sa kanya. "Ako nalang mag-uuwi sa apartment ng sasakyan mo. Mag-grab ka nalang." "Oo na." May emergency doon sa clinic at kailangan na nitong bumalik agad. Sana lang di ibangga ang kotse niya. Bagong-bago pa yon at walang gasgas. "Drink your meds, ok Vivi? Saka bumalik ka sa clinic for check up." Sabi naman nito kay Vivi. Kinuha pa yung paper bag na pabaon na ulam. Kapal talaga ng mukha. Si Osang na talaga ang nahihiya sa kasibaan. Wala na ngang ambag, nagbalot pa. "At wag muna ngayon. But when the time comes, use lube ok? And use a safe word. Practice makes perfect." "Osang...." Masasabunutan na niya talaga. Kanina pa niya pinapapasenysahan. Napakalaking pambara. Nakakainis na. "O-Ok...salamat ha." Sagot naman ni Vivi. Kitang-kita niya an

