"Ano ba tayo?" Napakagat ng labi si Vivi sa tanong ni Ito. Inaasahan na niya yon pero ang hirap sagutin. At hindi rin niya nakasagot dahil biglang paglapit ni Miggy sa kanila. "Si Dyisus ka po ba?" Kumurap-kurap pa ang pamangkin habang nakatingin kay Ito. Bigla siyang natawa. Kung sabagay, mukha na namang santo yung katabi niya. medyo nakalugay na kasi yung buhok na mahaba tapos may balbas pa. "Oo, beh. Birthday niya sa pasko. Mamimigay siya ng gifts." Sabi niya. "Pero si Santa po yung namimigay ng gifts. Hindi naman po siya fat, Tata. Big lang." May pinagmanahan talaga tong batang to. Natawa naman si Ito at ginulo ang buhok ng pamangkin. "Hindi, binibiro ka lang ng tita mo. What's your name little man?" "My name is Miguel Andre Lim Nepomuceno. I am five years old. My mothers name

