Xander VII: Tone down

2503 Words
Nang mga sumunod na araw ay hindi naglalabas ng kwarto nito si Keira.  "Reflecting on what you did to Lt Amigable?" Tinalikuran ni Kiera ang pinsan at nanatiling nakahiga sa kama at tumitig sa kawalan. She's just not in the mood to argue or to talk about anything else. Hindi niya gustong magpadalos-dalos dahil lang sa pagkainis sa kasalukuyang sitwasyon.  Napanood niya sa tv ang isang anak ng isang businessman na nakidnap kagabi. And for the first time mula nang magkahiwalay silang mag-ama sa Osaka ay nakausap niya ito. Para lang sabihan siyang huwag na munang ituloy ang pagpunta ng Laguna. Ang sabi nito ay hintayin nalang ang magiging pagdating nito at sabay nilang dadalawin ang puntod ng ina. And she sense worriness in his voice. Aminado siya sa pagiging pasaway pero hindi naman niya bibigyan ng ikakaatake sa puso ang ama She's bored to death now pero hindi niya gustong pag-usapan ang kahit na anong magpapaalala sa kanya ng kalagayan. Daig pa niya ang bilanggo dahil sa tuwing tatanaw sa labas ng bintana ay nakikita ang nagkalat na security guard sa bakuran ng malaking bahay na kinaroroonan.  At least someone to talk to can do. Pero wala siyang mahagilap kausapin. Ang dalawang kaibigan niya ay parehong hindi nagpaparamdam sa kanya. At hindi niya gustong mangulit. They must be doing something important.  "Talk to me Keira!" Naupo si Christine sa isang side ng kama.  Niyakap niya ang malaking unan kung saan nakadagan din ang isang hita. Shorts and a tank top without wearing  bra. Dinadalhan naman siya ng pagkain ng katulong kaya hindi kailangang lumabas. Nakalitaw ang manipis na brasong kasing-kinis ng A-four size paper.  "Masyado namang late nagsumbong ang hampaslupang lalaki na yun." "Keira!"  Tinatamad siyang bumangon sa kama.  Nagpatuloy ito. "I don't know what is happening to you? Hindi mo dapat sinasabi yan sa ibang tao. Ano bang nangyayari sayo?" "Hindi ko alam kung anong sinabi niya sayo para magwala ka ng ganito. Ako dapat ang nagsusumbong sayo not the other way around." Matabang niyangh wika. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang ginawa ng bodyguard noong nakaraang araw. Pilit nga niyang iniiwasan magkita sila nito dahil umaahon ang sobrang galit sa tuwing nakikita ito. At talagang hindi lang siya galit. Gigil na gigil siya rito. Feeling niya ay umaalingawngaw parin sa utak ang pagtawag nito ng B-I-T-C-H  sa kanya.  "For a record hindi siya ang nagsumbong sa akin." Nalungkot ang reaksyon ng mukha nito. "I am not worried about him. I am worried about you. Baka makasanayan mo ang magmata ng ibang tao" "Oh, don't give me that disappointing look Christine. Hindi mangyayari yun kaya hindi mo kaialngang mag-alala." "Hindi nga ba? Kung kay Lt Amigable nga ay nagagawa mong magsalita ng ganuon paano pa kaya ang mga talagang bodyguards lang ang makaharap mo?"  "Do they have difference?" Tikwas ang kilay niya. "Pareho lang silang binabayaran ni daddy" "Oh no!" Natapik nito ang sariling noo. Halatang kunsumido na ito. Napabuntong-hininga si Kiera. "Sa tuwing nagkakasagutan kaming dalawa ay ako ang laging pinapagalitan ninyo. Did you even asked me why we came into that point? Yun ay dahil bastos siya sa akin." "Bakit hindi mo nalang intindihin ang sitwasyon. He's a soldier who tied to a responsibility that's not supposed to be for him." "Ako pa ba ang iintindi?"  "Pagsasabihan ko siya okay. Hindi kailangang umabot sa kung saan ang sigalot niyo. You're supposed to trust him because he knew how to protect you. And you should respect him dahil hindi lamg titulado yung tao pero mas matanda pa sayo. Saka hindi sapat ang perang ibinabayad ng daddy mo sa kanya dahil handa siyang isapanganib ang sarili niyang buhay ma-protektahan ka lang niya!" Nag-iwas siya ng mukha. Nagtaas na ng bosses ang pinsan na hindi nito madalas gawin. At hindi niya nais makipag-argue.  "You are not this kind of person Keira." Bumaba ang tinito pagkuwa'y. Pero hindi maalis ang pagkakadikit ng kilay. "Nagkasalubong lang ang galit ninyong dalawa dahil pareho kayong nalagay sa ganitong sitwasyon. Please couz!" Pinadaanan ng kamay ang buhok. "What's with the sudden talk, Christine? Ano bang gusto mong puntuhin. Do you want me to say sorry to him? I'm sorry, but that will never happen."  "Dahil ayokong umalis siya ngayon."  "W-What happened?" Nag-alala siya sa sa nakitang takot sa mga mata nito.  Umiling ito. "It's nothing! I'm just scared, cuz! Ang huling nakidnap na babae ay pinasok sa bahay nila. At halos katulad ng security guards na nagbabantay sayo ang bilang ng nagbabantay dito." Nilapitan niya ito at ginagap ang palad. Naiinitindihan niya ang takot nito. Ito ang responsable sa kanya.  "Hindi kaba natatakot?" Tanong nito.  "I do! Of course, I am. Pero tight ang security sa village. At may tiwala ako sa mga taong kinuha ni daddy. Hindi kabawasan ang sundalong yun sa security ko."  "You don't understand. Hindi lang siya basta sundalo." "What do you mean?"  Mula sa pagkakahawak ay ito naman ang gumagap sa kamay niya. "Maki said he belonged in this special group. Kaya siya indifferent sayo dahil hindi naman talaga niya trabaho ang imaging bodyguard. Pinakiusapan lang ng daddy mo ang isang general na handler niya. Hindi basta-basta ang misyong hinawakan ni Lt. Amigable, Keira. Isipin mo nalang ang naramdaman niya ng pabantayan ka sa kanya. At nagkakamali ka sa sinasbi mo dahil malaki ang tiwala ng daddy mo sa kanya. For whatever reason, I'm not quite sure."  ...at para sa kaalaman mo ay kinasusuklaman ko ang bantayan ka.  Parang pumait ang panlasa niya sa sinabi nitong iyun. "Is he that good?"  "I don't know him personally but with how your father trusts him! Maybe yes."  "And he's planning to resign?" "Narinig kong nagre-request siya ng papalit sa kanya. Kinumpirma iyun ni Maki nang tawagan niya ako. Ang sabi niya ay kausapin ko daw si Lt. Amigable at alamin kung ano ang rason niya. Believe me; he doesn't want to tell me at first pero pinilit ko siya." Humalukipkip siya. "Kung nahihirapan siya sa simpleng trabahong pagbabantay sa akin di umalis siya. My dad can hire a hundred of thousands of soldier. Anong akala niya sa sarili niya." Muling bumalik ang pagkainis rito. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang lalaking masyadong bilib sa sarili. A woman like her is not so hard to impress, but she can get easily turn off.  "You don't understand. Why are you being so hard now? Ganun ba kalaki ang galit mo sa kanya? If I know nagawa ka lang niyang sagutin dahil sa tigas lang din ng ulo mo. And don't you dare deny it." Pinandilatan siya nito.  "But he doesn't have to insult and curse me back! Hindi nakakagandang-lalaki yun." "It's not as if he needed to impress you." May pigil na ngiti sa labi nito at pilit nagpaka-pormal. "Ang bilin lang sa kanya ay panatilihin kang ligtas. And what you did to him was wrong. Alam mo bang yan ang dahilan nkaya gusto niyang bitawan ang pagbabantay sayo. Hindi niya daw maipapangankong hindi ka niya makakanti kapag naubusan siya ng pacensya. Admit it, hindi lahat ng lalaki ay aamin ng ganuon." Pinanlakihan niya ito ng mata. "He already did!"  "Hurt you physically?"  "N-Not physically." She pouted. "He had insulted me to any possible way."  "So did you. At huwag kang magdi-deny dahil narinig ng mismong dalawang tenga ko. Please Keira. Para sa ikapapanatag ng loob ko, pati na ng Daddy mo. Hindi mo naman habang-buhay mo siyang makasama. We just need him to protect you for the meantime. Lalo na sa nangyayari ngayon. Can you promise not to fight with him."  Hindi siya nakasagot. Hindi parin ma-gets kung bakit sobrang bilib ng lahat dito. He can leave for all he wants. And make the people around you worry?  "Keira?" Marahang untag nito.  "Fine. But he should respect me too."  "Don't worry, pagsasabihan ko siya. Hindi mo dapat binibigyan ng stress ang sarili mo sa mga ganitong klaseng bagay. I know that you are bored and annoyed with the setup. Pero hindi naman ito magtatagal. Babalik ka din naman ng Japan. So why are you wasting your time fighting with someone na hindi mo naman makakasama ng matagal. Nagkakaroon kana tuloy ng wrinkles." Napaahon siya sa kama at lumapit sa salamin saka sinipat ang mukha. Narinig niya ang pagtawa ng pinsan. Naiinis siyang humarap rito.   "So it's a deal now?" Dinala niya ang kamay sa dibdib. "As if I can do anything." NAgliwanag ang mukha nito. "All right. You are a good girl Keira. Just like what antie Raleen always says." Tumayo ito at lumabas ng kwarto. Naiwan siya muling mag-isa. May point naman ang pinsan. And she saves her father from getting worried. She's bored. Kinuha niya ang cellphone sa kalapit na lamesa at nag-scroll ng paulit-ulit.  Saktong nakatanggap ng text message mula kay Thess. Halos maglulundag siya sa tuwa ng ayain siya nitong lumabas. Simple coffee.  Well, it's better than nothing. Kahit na may masamang pag-iisip siya rito noong nakaraan ay hindi na iyun masyadong binigyangpansin. Wala siyang magawa sa buhay niya at kahit sabihing may something sa pagiging magkaibigan nila ay gusto parin niyang makasama ang mga kaibigan. Kung sana ay malapit lang din ang dalawa pang naging kaibigan sa university. But both the remaining are currently in a different part of the world right now.  Dali-dali siyang nagbihis kaya nagulat pa si Christine nang maabutan niya ito sa living room kausap ang bodyguard na naging topic nila. Iniwasan niyang salubungin ang mata nito.  "Saan ang punta mo? Akala ko ba ay wala kang lakad?"  Itinuon ang mata sa pinsan. "I'm meeting Thess. Bigla siyang nag-ayang magkape sa labas. You are heading out too, right?" "But-" Litong pinaglipat nito ang mata sa kanya at sa lalaking kausap nito. "Is there a problem?"  "Lt. Amigable is heading somewhere important."  Tumaas ang kilay niya. "Pero sakop ng timings na ibinigay ninyo ang oras na to!" Nag-umpisa na naman siyang maging tigre.  "Keira-" "It's okay. Idadaan ko nalang siya kung saan siya pupunta." Bumaling ang seryoso nitong mukha sa kanya. "But you have to be with a few bodyguards. May hindi lang ako inaasahang lakad." Hindi siya sumagot at nagpatiunang lumabas ng bahay. Sumunod ang pinsan sa kanya. "Saan kayo magkikita ng Thess na ito? Please stay where you will be surrounded by many people."  Nilingon ito. "Christine, relax. Nothing will happen."  "You can't be this relaxed cousin! It's your safety that we are talking here!" "Okay. okay." Itinaas niya ang dalawang kamay bilang pagsuko. "I'll see you tonight."  Sandaling natigilan ito. "I-I have a skype meeting with a supplier."  "Tsk. I can't really reach you anymore. Ang buong akala ko ay maililibot mo na ako sa mga tourist destinations dito sa Pilipinas. Pero mukhang imposible ang bagay na yun hindi lang dahil sa sitwasyon ko. You're too busy to even have dinner with me." Nilapitan siya nito at niyakap. "Ikaw naman. This is for my future. Kapag nag-work out ito ay hindi ko na po-problemahin ang darating na bukas." "That's why I am telling you to come with me to Japan. You can work in my father's company and you will have a good position."  "At pagtawanan ng mga staff dahil ni hindi ako marunong mag-nihonggo?" Nagusot ang mukha nito. Ilang beses ng nakatanggap ng offer ang dalaga kay Kei Fujita mismo. Pero sa tingin ng babae ay kulang ito sa knowledge at along hindi maalam sa lengwahe. Number one qualification pa naman iyun kapag nasa Japan ka. "Atleast dito ay wala akong amo. Sa umpisa lang to Keira. Kapag nakaluwag-luwag ako ay mag-a-upgrade ako ng site ko at kukuha ng mga staff. And I will not ask any help from you. Tama ng binigyan niyo ako ng puhunan. Galit ang daddy mo sa mga taong tamad at umaasa nalang sa darating na grasya. At ayokong magbago ang opinyon niya tungkol sa akin." "Yeah, he really admires you for being a hardworking person." Gumanti siya ng yakap rito. "I will always be here for you, cousin. Both financially and emotionally."  Nagkatawanan silang dalawa. Hindi sinasadyang napalingon si Kiera sa direksyon ng sundalong bodyguard na nakapako ang mata sa kanilang dalawa. Hindi niya alam kung bakit napalunok siya sa klase ng tinging-ipinukol nito sa kanya. Na parang may mali sa klase ng ngiting nakita nitong nakapaskil sa labi niya.  Ito ang unang nagbawi at tuluyang binuksan ang pinto ng sasakyan. Pagktapos ay nilapitan ang isa pang sasakyan na marahil ay ang sasama sa kanya pansamantala.  "Maaga kang umuwi at mag-iingat ka." Bilin ni Christine.  "I will. Don't worry that much, and do not overwork yourself. You'll be old and gray before you know it and missed all the fun of life."  Christine rolled her eyes. Keira laughed and boarded the car.  Nang pumasok ang bodyguard ay pina-pormal niya ang mukha. Sinabi niya ang lugar na pupuntahan pagkatapos ay nanahimik at nanatiling nakatingin sa labas ng bintana.  Pagdating sa lugar na pagkikitaan kay Thess ay tangang lalabas na nang sasakyan si Kiera nang biglang magsalita si Xander.  "Babalik ako agad dito. May kikitain lang ako sandali. Lima ang magbabantay sayo at huwag mong gawin ang ginawa mo noong nakaraan. Talasan mo ang pakiramdam mo at lagi kang pumunta sa mataong lugar."  Gusto niya itong tarayan. Hindi nito kailangang ulitin ang sinabi ni Christine. But she promised her cousin. Besides, hindi naman pabalang ang pagkakasabi nito. Isang tango ang pinakawalan at tuluyang lumabas ng sasakyan.  Gustong umikot nang mata nang makita ang limang lalaking siyang susunod sa kanya. At kung naiinis siya sa pagsunod ng masungit na sundalo ay lalo naman ngayon. Agaw pansin pa ang pare-parehong suot ng mga ito pati na ang sunglasses ng bawat isa. Ang ilang nakakasalubong ay hindi napigilang napapatingin sa kanya. "What the! What happened?" Mulagat si Thess pagkakita nito sa mga sumusunod sa kanya.  "I know. But I can't do anything." "Aayain pa sana kitang takasan ang bodyguard mo at magpapasama sayo."  "Saan?"  "Somewhere." Sagot nito na isa-isang tinignan ang lalaking nagkalat sa di-kalayuan. "Tell me honestly, how many of them?"  "Five. But let's not bothered ourselves with them. Where is this place that you have to go to? I was told to stay in a place where I will be surrounded by people. It's not a joke Thess. I saw this news last night, and it's really happening."  Umilap ang mata ng babae. "It will not happen to you. The chance of you getting kidnap is like zero percent. You were not originally from here. I mean, you don't live here. Kahit ang business ng daddy mo ay wala dito sa Pilipinas." "But his company supplies some of the companies here. I'd rather take precautions. Masyado silang paranoid. Though I agree with you,  for now, let's enjoy the day. Don't mind my bodyguards; believe me, I'm trying to do the same. Let's go and have some coffee before we head to that place where you have to go." Si Thess ay tinignan ang nagkalat na limang lalaki sa paligid ng kinaroroonan bago sumunod kay Kiera sa loob ng coffeeshop.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD