Xander VI: Cross swords

3017 Words
Iba ang pakiramdam Xander nang makabalik ang isang kaibigan ni Kiera mula sa banyo at wala ang dalaga. Pero magkagayun ay pinanatili ang pagiging kalmado. Dali-daling hiningi ang bill sa waiter nang mapansing tumayo na sa kinauupuan ang dalawa.  Napilitang humarang sa daan nang makitang dumaan ang waiter na hiningan ng bill sa kalapit na mesa. Napahinto ang mga ito sa tangkang paglabas at base sa reaksyon ng mga mukha ay alam na ang pakay niya. "Where is she?" He asked in a controlled anger. "Excuse me? Who are you?" Pagmamaang-maangan ng isa. "We don't know what you mean, mister?"  Ang walang reaksyong mukha ni Xander ay naging mabalasik. Wala itong oras sa kaartehanan ng mga kaharap. One is obviously pretending to be a socialite gayung halatang plakado ang kilos. "Hindi ninyo gugustuhing maimbitahan sa kung saan kaya magsabi na kayo. Nasaan si Ms Fujita?"  "Hey Mister, hindi namin kasalanan kung hindi ka mapagmasid sa paligid mo."  "T-Thess." Suway dito ng kasama.  Pero hindi nakinig ang babae. "Hindi mo kami kayang takutin. Umalis si Kiera ayon sa kagustuhan niya. Now, kung nakaalis siya ng hindi mo napapansin ay hindi na namin kasalanan yun."  Tumiim ang bagang niya.  Birds with the same feathers flock together. Mukhang kaugali ng binabantayan ang mga kaibigan nito. Nilampasan siya ng dalawa at tuluyang lumabas ng restaurant. Hindi siya agad nakasunod dahil hinihintay pa ang waiter. Pilit hinabaan ang pasensya. Totoong nagpabaya siya. Hinabol ng tingin ang dalawang babae at tiniyak na mikikita ang direksyong tinahak ng mga ito. Pagkabayad ay agad siyang sumunod. Damn! Damn it! Sunod-sunod na pagmumura sa isip.  He missed them out! Umahon ang sobrang galit ni Alexander. Mukhang mauubos ang pasensya sa assignment na ito. Napilitang suyurin ang bawat stall na madadaanan. Nahiling na sana ay hindi umalis ng lugar ang binabantayan. Pipilipitin niya talaga ang leeg nito kapag nahanap.  Sa kabilang banda naman ay labis ang katuwan ni Keira habang naglalakad. Hindi naman niya talaga balak lumayo kaya hindi parin niya bibigyan ng alalahanin ang ama. She just wanted to be free for a while.  Hindi niya tinawagan ang mga kaibigan. Susubukan niya kung iko-contact ba siya ng mga ito. She realized how it's hard for her to find real friends because of her status. Inakalang kayang bilhin ng pera ang lahat ng bagay sa mundo, pati na ang pagkakaibigan. Pero mukhang matagal na niyang niloloko ang sarili. Ngayon lang nare-realized ang efforts na mapanatili ang dalawa sa buhay niya.  They should call her. Iyun naman ang napag-usapan nila bago siya umalis ng restaurant. Pumasok siya sa isang stall at pilit nilibang ang sarili sa mga panindang ibat-ibang klaseng mga mamahaling brand ng bags.  She'd been to various stores of luxurious brands like Louis Vuitton, Channel, and so on in Europe at kung saan man siya mapadpad na bansa. At alam niyang hindi dini-display ng ganuon lang ang mga mamahaling high-end brand na yun. Assistants are wearing gloves to avoid leaving prints on the product.  Kadalasan pa nga ay limited ang pinapapasok na mamimili hindi tulad dito na pwedeng pumasok ang kahit sino.  With just one caress, she knew how long the product will last. Isang bagay na hindi sigurado kung natural sa kanya o sadyang dahil nasanay siyang mamili mula pagkabata kaya isang salat lang ay alam na niya ang totoo sa hindi. Kung sana ay naa-apply niya rin iyun sa tao.  Ilang sandali pa'y nakatanggap siya ng tawag mula kay Thess. "Where are you guys?"  "Sorry, Kiera. Minzu had a sudden emergency. We were actually on the way to you, but she received a call from home." Home? Pero wala ng bahay ang mga ito sa Pilipinas dahil nga migrated na ang buong pamilya nito. Oh come on Kiera! Stop thingking bad about them. It could be a cousin or so. Hindi mo kailangang pag-isipan ang kaibigan mo ng ganyan. Pangangaral sa sarili. "And you? You don't have any plans right? "  "I have to leave too. Anyway, we lost your bodyguard. You can do whatever you want for the rest of the day. He's still searching; if I were you, I'd leave this place right now."  "O-Oh, I thought you'd be free the whole day." Itinago niya ang disappointment sa tinig.  "Sorry, I have to hang up now. I'll call you again next time." Nasa tinig nito ang pagmamadali.  "S-Sure. Take care." Pilit niyang pinasigla ang tinig at tuluyang naputol ang tawag. Tuluyan siyang nawalan ng gana.  Lumabas siya ng naturang stall at naupo sa may kalapit na bench. Pinanood ang maraming mga taong nagdadaan sa harapan. Some are families; majorities are lovers and friends.  Hindi niya gustong maging melodramatic pero out of nowhere ay bigla siyang napatitig sa kawalan. Kalayaan lang bang mamasyal ang gusto niya? Bigla niyang natanong ang sarili. Maybe she's just looking for attention? When she arrived in the Philippines, inakalang makakasama na niya ng mahaba ang pinsang si Cristine. Pero katulad din ng ibang mga taong nakapaligid sa kanya ay busy rin ito sa sarili nitong buhay. May maliit itong online business na nangangailangan ng atensyon nito.  Labis na ikinatuwa nang malamang nasa Pilipinas din ang mga kaibigan. But it seemed like that thinking is just her perception now. Mukhang siya lang ang nag-iisip na kaibigan parin niya ang mga ito. Looking back, after graduation ay nahirapan na siyang mag-keep in touch sa dalawa. And all along, iniisip na dahil nasa Japan na siya at hindi naman magta-trabaho sa London kaya hindi na ito masyadong active sa pagsagot ng mga messages. But it seemed like she already served her purpose to both of them.  Bigla siyang nakaramdam ng lungkot dahil doon. Pinalis niya ang ganoong kaisipan. Kailangan niyang tanggapin na hindi lahat ng tao ay katulad niya. She doesn't have to cram looking for work. Hindi niya rin problema ang pera. Kailangan niyang tanggaping ang mga piniling kaibigan ay may mga buhay ding dapat harapin. "You need to find something that will make you busy." Tinanguan niya ang sarili. Erase! Erase! Hindi niya kailangang pag-isipan ng masama ang dalawang kaibigan. Dapat pa nga ay iniintindi niya ang mga ito. Sorry Thess, soryy Minzu.  Pinilit niyang pataasin ang spirit. Mahaba pa ang araw. Parang gusto niyang sundin ang suhestyon ni Thess. Pagpihit ay nagulat pa siya nang makita ang galit na mukha ng bodyguard ilang hakbang mula sa kinatatayuan. But how? Ang layo na ng narating, paano siya natagpuan nito? Napaatras siya nang makitang humakbang ito palapit sa kanya. Awtomatikong pumihit ang katawan at kumaripasng takbo. Hindi niya gusto ang galit na nakarihistro sa mukha ng lalaki. He was obviously catching his breath. Tumakbo ba ito kakahanap sa kanya?  Naramdaman niya ang pagsunod nito sa likuran. She felt her pulse rate. "Kiera!'  Narinig niya ang malakas at buong-buong tinig na tumawag sa pangalan. Sa unang pagkakataon ay narinig na binigkas nito ang first name niya. At parang gusto niyang huminto at sabihan ulitin nito ang pagbanggit sa pangalan. One thing she noticed about him is his voice. Very manly and commanding! But she can't stop now! Kung hindi dahil sa pagsuot-suot sa matataong lugar ay baka nahabol na siya ng lalaki. Sa haba ba naman ng mga legs nito. Ang dalawang hakbang niya ay kaya nitong kunin sa isa. Umakyat siya sa isang mahabang escalator na puno ng tao. "Excuse me. Sorry. Sumimasen. Arigatou. Sumimasen." Panay hingi ng paumanhin sa pagsiksik upang makaakyat agad. Nasulayapan kasi sa sulok ng mata ang pagsunod ng binata. At dahil malaking tao ay hindi nito nagaya ang ginawa niya.  Nang mapansin iton na-stuck sa isang grupo ng mga kabataan na nagkakatuwaan sa gitna ng escalator na patuloy na umaakyat ay sumakay siya sa katabing pababa nun. Kumislap ang galit sa mata nito nang mapansin ang ginawa niya. Nang magkatapat sila ay kinantyawan ito. Kulang nalang ay dakmain siya sa kinatatayuan. "Catch me if you can!" Inilabas niya ang dila at nagbelat. Naramdaman niya ang pagtaas ng adrenaline rush! "Hintayin mo ako sa baba!" Mariing uto nito.  "Gomenasai!" Muli itong pinandilatan at natakpan ang bibig nang mapatingin ang ibang mga kasama nito sa direksyon niya. Sinubukan nitong bumaba sa sinasakyan nitong escalator pero dahil puno iyun at patuloy sa pag-andar ay napilitan nalang itong hintayin makaakyat ang sinasakyan at bumaba ring muli.   Nang marating ni Kiera ang ibaba ay nilingon ang binata sa pinakataas. She gave him a wide smile at nagtatalon sa tuwang ikinaway ang dalawang kamay. Napahagikgik pa siya bago ito talikuran. Narinig ang isang beses na pagtawag nito sa pangalan niya pero hindi ito pinansin. Such thing gave her fun.  Sa bahay nalang niya haharapin ang lahat ng galit nito. As if may magagawa naman ito sa kanya. Pagagalitan lang naman siya at pandidilatan. What is the worse thing he can do to her gayung tulad ng sinabi ay isa lang itong pipitsuging sundalo. Gusto niyang mamasyal. Sa makalawa pa siya pupunta ng Laguna kaya susulitin niya ang magliwaliw ngayon. Who knows kung kailan darating ang ama kasama marahil ang lalaking ipapa-engage sa kanya.  Taliwas sa nakagawiang pagsa-shopping sa tuwing mapapadpad ng mall ay naglibot lang siya sa paligid. And it satisfied her knowing na nakaganti siya rito. Hindi niya napansin ang oras dahil nakarating siya sa isang area kung saan puno ng maraming stalls na nagbebenta ng street foods. Gusto niyang bumili at sumubok pero wala siyang dalang cash kaya na nakuntento nalang siyang magmasid sa paligid.  Labis niyang ikinatutuwa ang hilig ng mga Pilipinong kumain. Nakuha kasi niya ang appetite ng mga Japanese na maraming varieties ang kinakain pero puro small portions lang.  Isang malaking stall na nagbebenta ng juice ang natagpuang tumatanggap ng debit card kaya doon siya bumili. Naupo siya sa isang sulok habang sumisipsip ng inumin at pinanood ang mga tao sa paligid. And it calmed her surprisingly. Sandaling nakalimutan ang sitwasyong kinasusuungan. Pagkaubos ng iniinom ay nilisan niya ang lugar. Hindi siya tiyak sa patutunguhan nang mula kung saan ay biglang may sumunggab sa pulso. Napadta siya ng mapagsino iyun.  "L-Let me go!" Sinubukang bawiin ang kamay pero tila bakal ang kamay ng bodyguard niyang madilim ang anyo.  Hinila siya nito. Mas gusto niyang sabihing kinakaladkad siya nito.  "Excuse me! You are hurting me! Oi!" Sigaw niya at pilit nagpakabigat para huminto ito. Nasasaktan na ang kamay at natatakot siyang baka bigla nalang matanggal ang braso mula sa katawan sa paraan ng paghila nito. Ang mga taong nadadaanan nila ay napapatingin na rin sa kanila. "Kapag hindi mo ako binitawan ay sisigaw ako rito!" Hindi siya pinansin nito. "Oi!" Sigaw niyang muli.  Galit itong humarap sa kanya. "Huwag mong ubusin ang pasensya ko. Sinabi ko na sayong pumapatol ako sa babae." "The hell I care! I said let go of my hand!" Hinampas niya ito sa balikat ng ubod ng lakas. Pero ang ending ay siya rin lang ang nasaktan. Muli itong naglakad at hindi alintana ang patuloy niyang pagdakdak. "Isusumbong kita sa daddy ko! I will make sure that you will lose your job!" "Lose my job? Because of you. No way!" "Do you think I'm joking? Nasasaktan ako, ano ba!" Isang kasalubong ang napatingin sa kanila. Isang ideya ang pumasok sa isip. "H-Help? He is trying to abduct me! He is a bad person!"  Nagsilingunan ang mga tao sa paligid at tinapunan ng masakit na tingin ang lalaki.  Si Xander ay hindi napigilan ang makapagmura. "Inuubos mo talaga ang pasensya ko ano!"  Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy sa pagsigaw. "Help me please..." Napigil ang sasabihin nang takpan nito ang bibib niya. Nag-umpisa silang palibutan ng mga tao. Trying to condemn her bodyguard. Lalo siyang umarteng takot na takot.  Maya-maya'y dalawang security ang lumapit sa kanila at kinompronta ang lalaki. Ang isa ay humawak pa sa nakasukbit na baril sa tagiliran. "Pare bitiwan mo  muna siya at nasasaktan ang babae."  Si Xander ay halos marinig ang pagtatagis ng sariling ngipin. Tuluyan ng naubos ang pasensya  nito. Inis na inilabas ang wallet at ipinakita ang ID.  "Help me-" "Shut up!" Singhal ng binata bago humarap sa dalawang guard. "Lieutenant Alexander Amigable of Philippine Air Army. I am currently on a mission. At binabantayan ko ang babaeng ito. Hindi ninyo kailangang mangialam!"  Nagkatinginan ang kaharap. Ang isa ay kinuha ang mga ID at tinignan. "You can check my other credentials." Ipinakita pa ni Xander ang iba't dalang cards gamit lang ang isang kamay dahil ang isa pa ay mahigpit paring nakahawak kay Kiera.   And just like that, they believed him. Sa bandang huli ay si Kiera din ang nagbaba ngmukha sa tinging ipinukol ng dalawang gwardiya pati na ng ibang mga usyuserong noong una ay nakikisimpatya sa kanya.  "Tama na ang paglalaro! Masyado mong sinagad ang pasensya ko!"  Walang sabi-sabi ay bigla nalang siyang pinangko at isinukbit sa balikat nito na parang sako. "O-Oi! Let go of me. Tasukete kudasai!" Nagpatuloy siya sa pagsisigaw kaya naman lahat ng mga taong nadadaanan nila ay napapatingin sa kanila. Ang iba ay nangingiti at nagtatawanan. Some are curious?  Ilang beses siyang napaubo dahil nalulunok ang sariling laway sa ginagawang pagsigaw. Hindi niya tiyak kung dahil ba sa pagkakabitbit nito sa kanya ng patiwarik o dahil sa itsura kaya nakaramdam ng sobrang pag-iinit ng tenga. Napagdesisyonan niyang huminto nalang sa pagwawala dahil nauubusan lang siya ng boses pero ni walang tumutulong. Ang ilan pa nga ay kinukunan pa sila ng video.  So much she gets from her home country. Mapapahamak na siya at lahat ay pinagkakatuwaan pa ang kasalukuyang kalagayan.  Dahil matangkad at matikas ay akala mo isang  hari ito na nagdadaan sa gitna kung saan awtomatikong nahahawi ang mga tao. Natakpan nalang ng dalawang palad ang mukha. Ni hindi nito iniinda ang bigat niya.  Pagdating sa sasakyan ay pabalibag siyang pinaupo sa passenger seat. Umunat ito at namewang kasabay ng marahas na pagbuga ng hangin pataas.  Si Keira ay muling hinipo ang pwetan na nasaktan. Tumama pa ang kamay kung saan kaya napaigik. Tinignan ito ng masakit.  "Hindi ikaw ang dapat magpakita ng ganyang ugali sa akin. Dapat sayo ay itinati ng patiwarik!"  "Bakeru!"  "Manahimik ka!"  Nanlalaki ang matang napatitig rito. Nasa parking sila kaya kulob pero hindi dahil doon ang dahilan ng pagdagundong ng boses nito. Tumalilis ito at pumunta sa likod ng sasakyan. Pagbalik ay may dala na itong panali. "W-What are you going to do with that?"  "Subukan mong tumakas at hindi ako mangingiming itali ka." "Y-You can't be serious!" Napakurap siya.  He raised his eyebrow. "You think so? Pagkatapos mo akong paikot-ikutin kanina?" Halos mag-isang linya ang kilay nito.  Nasundan ito ng mata nang pumaikot sa driver's seat at sumakay. Inilagay nito sa tabi ang lubid at nagmaniobra. Kita niya ang pagkibutan ng ugat sa muscles nito habang nagmamaneho. Pero hindi dahil doon kaya siya natigilan. Hindi niya lang kasi maalis ang mata sa side angle nito. Kita niya ang adam's apple pati na ang leeg sa kinauupuan. Ganuon din ang matangos nitong ilong.  And then the magic spell broke when he speaks up. "Ipagpatuloy mo lang ang pananahimik mo at nang makalimutan ko ang ginawa mo. Hindi mo sinabing taguan at habulan ang hilig mo!"  Umayos siya ng upo at dumiretso ng tingin. "Do not talk to me!"  Naningkit ang mata ni Xander. "Wala ka sa posisyon para sabihin sa akin yan." "Jerk!"  "b***h!" He replied.  Marahas na lumingon si Kiera dito. "I can't believe this!"  Sandaling inalis ni Xander ang mata sa harapan at binalingan ang katabi. "Ano sa tingin mo, ikaw lang ang may karapatang mang-insulto?" Pagak itong tumawa. "Ibinabalik ko lang kung paano ka sa akin."  "I am still your employer. Pera ng daddy ko ang nagpapasahod sayo! Shame on you!" Gigil na gigil na saad ng dalaga sa nandidilat na mata.  "You just said the word. Daddy mo ang nagbabayad sa serbisyo ko. Inuulit ko, serbisyo ko lang ang bayad dito. At para sa kaalam mo ay kinasusuklaman ko ang bantayan ka. Insulto siya kung tutuusin sa akin. At pinatunayan mo lang yun ngayon. Ito ang pinaka nakaka-insultong trabahong nahawakan ko."  Pinigilan ni Kiera ang sariling huwag dumapo ang kamay rito. Hindi pa siya nakasakit ng tao physically sa tanang buhay. Baka ito ang maging una. Who knows kung talagang pumapatol nga ito sa babae. "Is this how you treat a woman? You ain't no gentleman at all!" He laughed mockingly. "Ang salitang yan ay para lang sa babaeng marunong umaktong babae! At hindi ka ganun sa akin! Alam mo kung ano ka? Isang batang kulang sa pansin!" "W-What?" Hindi pa siya nakatanggap ng ganuong klaseng insulto sa buong buhay at hindi matanggap iyun.  Pero naunahan siya nitong magsalita. "Kung gusto mong tratuhin ka bilang babae ay umakto ka ng naayun sa hinihingi mo. Para kang nagri-request ng cake pero presyong pandesal ang ibinibigay mo."  Marahas siyang huminga. "This is it! Hindi ko na mapapalampas ito. I will call my father right now before we end up killing each other for throwing insults." Kinuha niya ang cellphone at sa nanginginig na kamay ay hinanap ang numero ng ama. Sandaling nakalimutan ang babala ng pinsang si Maki noong huling tumawag siya.  "Go for it! Iba-back up pa kita. Palalayain mo lang ako sa responsibilidad na hindi ko naman kailangan. Tutal ay dumating na ang mga guards na magbabantay sa bahay ninyo. Siguro naman ay magtatanda kana kung sampu ang magbabantay sayo. Mas magandang habulan ang mangyayari kung sakali." Ngumisi ito.  Hindi naituloy ni Kiera ang tangkang gagawin dahil sa narinig. May posibilidad ang sinabi nito. Iyun naman talaga ang orihinal na plano ng ama. "I hate you!" Aniya sa kawalan ng masasabi.  "Likewise!"  "Can't you just shut up!" Singhal rito. "You are making me more upset! Hindi ba pwedeng huwag kana lang sumagot kapag nagdadaldal ako! You cannot even please a woman! Oh right, I ain't no woman to you! Jerk!"  Sasagot pa sana si Xander nang makita ang pagkislap ng luha sa mata ng katabi. Humalukipkip at kulang nalang ay tumalikod. Napansin ang pagtaas-baba ng dibdib nito. Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ng binata. Woman! Gagawa ng kasalanan at kapag na-corner ay gagamitin ang luha bilang sandata upang mapatahimik ang lalaki. Old tactic, pero this time ay effective iyun. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD