Inabutan ng pinsan nito si Kiera sa kwarto. "What happened to you Kiera? Hindi ako makapaniwalang sasabihin mo yun sa isang tao. Hindi ka pinalaki ni tita Raleen para maging mapang-mata."
Patamad siyang bumangon sa kinahihigaan. Her cousin is was right! Kapag narinig ng Mommy niya ang mga pinagsasabi niya kanina ay malamang ay babangon ito sa kinahihimlayan nito at mahaba-habang sermon ang aabutin.
"Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganito." Patuloy ni Christine. "Hindi ka ganito. Ano ang nangyayari sayo?"
"Because you are depriving me of my own freedom!"
"Hindi yan ang gusto kong tukuyin? Masyado kang nagiging affected dahil sa bodyguard mo. Is it just the thought of having a bodyguard? O hindi mo lang talaga gusto si Lieutenant Amigable?"
"And why would I be affected by him! Duh!" Nakahalukipkip niyang saad at parang reynang umayos ng upo at umirap.
Samantala isa-isa namang dinampot ni Christine ang mga nagkalat na kumot at hinila ang nakalaylay sa labas ng bintana. "My God! Are you planning to get yourself killed? Kaya pala galit na galit sayo yung tao eh. Gawain lang ito ng isang fifteen years old na dalaga."
"Kinakampihan mo ba siya?"
Napabuntong-hininga ito. "Galit ka ngayon kaya mo yan nasasabi. At ayokong makipag-argumento sayo sa ganyang kasalukuyang estado ng utak mo. Palalampasin ko itong ginawa mo ngayon at hindi ko sasabihin sa daddy mo. Pero sa isang kundisyon. Huwag mo na itong uulitin. And please. Pwede ba makinig ka nalang sa bodyguard mo. Pareho tayo mapapahamak sa ginagawa mo eh." Napakamot ito.
"I need to go somewhere else. Hinihintay na ako ni Thess."
"Hintayin mo nalang ang oras na pwede kang lumabas. Kapag ipinilit mo ang gusto mo ay mapipilitan akong sabihin sa daddy mo ang nangyari. At hindi lang isang bodyguard ang susunod sayo kundi lahat ng mga guards na kinuha para bantayan ang bahay ay siguradong bubuntot din sayo."
"W-What?"
Itinaas nito ang kamay. "Please, you cannot argue with me."
Napipilan siya. Hanggang sa makalabas ang pinsan ay hindi siya nakapagsalita. More bodyguards to guard the house? No way!
Pero nagpupuyos man ang kalooban ay pinili nalang manahimik sa loob ng kwarto. Almost an hour and a half ay muling pumasok si Christine. "You can go out now."
Tumayo siya at nilampasan ito. Magmamatigas sana siya at magmumokmok pero hindi niya gustong manatili sa bahay. Buong buhay niya ay naging malaya siya. Kaya naman labis na naggingitngit ang kalooban ngayon. Naroon pa ang pakiramdam na tila siya pinagkakaisahan ng lahat. So she needed head out! Mabuti nalang at pumayag si Thess na iusog ang oras na dapat ay magkikita sila.
Paglabas ay naabutan ng nakahanda ang sasakayan. Ilang mga hindi kilalang kalalakihan pa ang nakita sa sulok ng mga mata. Lalo tuloy nadagdagan ang pagkainis. Hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya ng pinto ng bodyguard.
"Parehong lugar parin ba ang pupuntahan?"
Isang tipid na tango ang ginawa niya at tumanaw sa labas ng bintana. Inaasahan niyang magtatanong itong muli pero tahimik itong nagmaneho.
Si Xander ay hindi pinansin ang pagmamaldita ng binabantayan. Wala itong oras para sa ganuong acts nito. Akala ng binata ay sina Angela at France na ang pinaka-spoiled brat na makikilala. Pero ibang level ang binabantayan. At kung magpapaapekto rito ay baka pumuti ang lahat ng buhok.
"Alam mo ba kung saan pupunta?"
"Kung ang ipinakita mo kanina ay doon tayo patungo ngayon." Tipid na sagot.
Hindi sumagot si Kiera. Kinailangan pang itagao ang labis na pagkamangha. Paano naalala ng bodyguard ang ipinakita rito. Pasimple siyang sumulyap rito at nang magtama ang mata nila sa rerview mirror ay agad siyang nagbabawi sa pamamagitan ng pag-irap.
Nanatili silang walamg imikan habang nasa daan. At hanggang sa makalabas siya ng sasakyan ay sumusunod parin ito sa kanya. Galit siyang humarap rito.
"Can you just wait for me at the parking?"
"Humarap ka at maglakad ka ng diretso. Sino bang nagsabing pansinin mo ako."
Ngali-ngali niya ito lapitan at sipain ang pagitan ng mga binti tulad ng isa sa mga natutunan niyang self-defense sa sobrang pagkaburaot. "Nakakainis kasi na bubuntot-buntot ka sa akin."
"Sino bang nagsabi sayo na bigyan mo ng alalahanin ang sarili mo sa pagsunod ko. Look around you. Napakaraming tao, bakit ka nagpapakabagabag sa presensya ko."
Umusok ang ilong sa pagkainis. At lalo siyang naiirita dahil tila hindi ito apektado sa mga tantrums niya. He looked unaffected while she's already furious like hell. She wondered for a while kung marunong ba itong ngumiti o kung anong itsura kapag ngumiti. May palagay siyang mahihiya si Jean Claude Van Damme noong kabataan nito sa seryosong reaksyon nito.
Attractive pero bastos at hindi marunong ngumiti. Totally unacceptable. And it annoys the hell out of her. Pinamaldita niya ang itsura. "Tingin mo affected ako? Ayoko lang na may nanonood ng mga kilos ko."
"Hindi ko pinapanood ang kilos mo kaya hindi mo kailangang mag-alala. Ang binabantayan ko ay ang paligid mo."
Napipi siya. Umingos rito at nagmadaling maglakad. Ngunit kahit halos tumakbo na siya ay nakakaagapay parin ito sa kanya at ni hindi hinihingal.
Hangos siya nang marating ang restaurant kung saan sila magkikita ni Thess. Isang magandang ideya ang pumasok sa isipan. Hmmm, tignan natin kung makapasok ka. I will not even pay for your drink.
Pero sa pagtataka niya ay ni hindi man lang ito nagdalawang-isip na pumasok sa loob.
"Keira!"
Nawala ang atensyon niya sa bodyguard at nilingon ang tumawag. Nagliwanag nag mukha nang makita kung sino ang kasama ni Thess. Agad niyang nilapitan ang dalawang kaibigan.
"Minzu! Why did you not contact me after graduation? Missing you a lot!" Niyakap niya ang kaibigan na natatawa nalang.
"Jeez, Kiera! It's not as if messaging you will be enough! At ano itong chika ni Thess? Oh, are we going to stay here?"
Ang ilang naroon ay napapatingin sa kanila dahil sa natural British accent na tono ng pananalita.
"Let's just stay here for a while. Is this free?" Dinampot niya ang baso ng tubig at inisang lagok.
"Hey! Saan kaba galing at parang uhaw na uhaw ka."
Pinatirik niya. "Oh please don't remind me. Sinubukan kong makalayo sa nakakainis kong bodyguard pero hindi ako nakatakas."
"Bodyguard?" Minzu asked wonderingly.
"Hindi ba nai-chika ni Thess ang bagong pakulo ni daddy sa akin?" At kwenento ang tungkol sa timings na pwede lang siyang lumabas at ang problema sa bodyguard.
"You mean he's here?" Tumanaw si Minzu sa labas ng restaurant.
"Wala siya sa labas Minzu! On your left, three tables from us. That man on his grey shirt."
Lumingon ang kaibigan sa sinabi. At wala siyang pakialam kung mapansin man ng nakakainis niyang bodyguard na pinag-uusapan nila ito.
"Oh my gosh! Bodyguard siya?" Pinamulahan ang kaibigan.
"Are you sure?" Si Thess.
"Well, he's originally a soldier. Ano ba kasing nangyayari sa Pilipinas at ginawa ng trabaho ng mga tao ang magkidnap for ransom." She sat on the free chair.
Sandaling naputol ang pag-uusap nila nang dumating ang waiter. They placed their individual orders. Fine dining ang kinaroroonan kaya puro nakapustura ang mga naroon. Kaya naman kapansin-pansin ang suot ng lalaki sa kinaroroonan nito.
"Stop looking at him, Minzu."
"He's quite good- looking in all fairness."
She rolled her eyes.
"Come on Kiera! Naiinis ka lang sa sitwasyon mo kaya sa kanya mo yun naibubunton."
She raised both her hand. "Can we divert our topic into an interesting one? Ayokong pag-usapan ang lalaking yun at naiinis ako." Inayos niya ang reaksyon ng mukha. "Anyway, ano naman ang nai-chika sayo ni Thess? Good thing you are here. Our other friend is pretending to be busy." She glared at Thess na tila nahulog sa malalim na pag-iisip. "Thess, are you okay?" Sinundan niya ang tinitignan nito.
Nawala ang atensyon niya sa kaibigan nang makitang prenteng nag-oorder ang bodyguard niya. Literal na tumaas ang kilay. Kahit na may kausap ito ay napansin nitong nakatangin siya rito. Sandaling nagtama ang mata nila. Hmp! Nag-iwas siya ng mata.
Nag-catch up silang magkakaibigan. At tila naroon ang pagka-ilang na nararamdaman sa tuwing magkakasama silang tatlo. She felt like being left behind whenever its the three of them. Mas magkasundo kasi ang dalawa. Minsan ay napapansin niya na siya ang sobrang nagi-exert ng effort sa pagkakaibigan nilang tatlo. Hindi kasi ganun ang pakiramdam kapag isa lang sa mga ito ang kasama o kaya naman ay noong lima pa sila sa university.
Base sa pag-uusap ng dalawa ay alam ng mga ito ang nangyayari sa buhay ng isat-isa after graduation. Pero wala siyang lakas ng loob para komprontahin ang mga ito. They are her only friends.
Karamihan ay naiilang sa kanya. Way back to the university, mas naiilang siya dahil sa pagiging Asian. Thess and Minzu are also Asians, pero dahil mas malakas ang dugong Japanese niya ay mas maraming racism ang natatanggap niya. Lalo na kapag kumakain siya minsan ng sushi at dinadala iyun sa eskwelahan.
Noong una pa nga ay may kasama siyang assistant at taga-sundo na lalong kumukuha sa pansin ng lahat sa prestihiyosong unibersidad na pinasukan. Hindi naman talaga maiiwasan ang pagiging racist ng mga Western people. Lumaki at nag-aral siya sa Japan sa buong buhay niya. Kahit sabihing international school ang pinasukan, ibang surroundings ang kinalakihan. At sobrang nanibago siya sa London. Kaya super thankful siyang naging kaibigan niya ang dalawa sa kabila ng pagkakaiba ng social status niya sa mga ito.
Minzu almost gave up during their first year due to financial reasons. Ganun din si Thess na umasa sa lang sa pagiging scholar nito. Aminado ang dalawa na malaki ang naitulong niya para makatapos ang mga ito. Or at least financially. And she's happy about it. Minsan lang talaga kapag ang dalawang ito lang ang kasama, pakiramdam niya ay napag-iiwanan siya.
"Should we visit another country before you guys start having a job." Singit niya sa pag-uusap ng dalawa. Sabay na lumingon ang mga ito sa kanya.
"You are getting engage, right?"
"Hindi pa naman nai-set ni daddy yun, Minz. You guys will come to Japan on my engagement party, right?"
Muling nagkatinginan ang dalawa.
"We might start our work that time."
"I will provide for plane ticket and all." Inunahan na niya ang dalawa. Tulad ng mga kadalasang lakad nila na siya lagi ang sumasagot para lang may makasama.
"Kailan ba?"
Nabuhayan siya ng loob. "Soon, I will update you. Hinihintay ko lang na matapos ang business trip ni daddy."
"Okay. Ikaw Minzu?"Tanong ni Thess.
"We'll see. I don't want to commit myself unless we know the exact date."
Hindi na siya nagpilit. "I will keep you guys updated then."
"Okay."
Hindi niya pinansin ang medyo matabang na pagsagot ng dalawa. They are both keeping her company. Basta masaya siyang kasama sila.
Samantala, ang hindi alam ni Kiera, ay sa kanila nakatutok ang mata ni Xander lalo na sa dalawang babaeng kasama. Hindi napigilang magsalubong ang kilay sa napansin. Kiera said she's meeting her friends. Pero sa nakikita ng binata ay tila out of place ang dalagang Fujita.
And he is not at ease with them. Really Alexander! Masyado mong pinapairal ang pagiging sundalo. Kantyaw sa sarili.
Pinagala ang mata sa paligid. Hindi naman siguro mangangahas ang kung sinumang mga kidnapers ang gumala sa naturang lugar. Bukod sa maraming tao sa paligid ay nagkalat din ang security guards.Dinukot sa bulsa ang cellphone nang tumunog iyun. Dumating ang pagkaing inorder, nagpasalamat sa waiter bago sagutin ang tawag.
"They've got the lead!"
Napaunat ng upo sa sinabi ni Fritz sa kabilang linya. Ito ang unang sinasabihan ni Westley sa tuwina ng balita. "Is he fine?"
"Not so sure. Ayaw pang i-disclose ni Westley ang mga info. But it's better than nothing."
"Thank you for informing me, Fritz. How is it going with Ms. Martinez."Bahagyang nabuhayan ng loob sa natanggap na balita.
"Hindi siya halos lumalabas. Kapag umaalis ay bantay-sarado naman siya ng pamilya niya at kila Hans lang napunta." Sandali itong huminto. "How's everything?"
"What do you mean?"
"We got stuck with this task samantalang nasa field ang mga kasama natin."
Napatiim ang bagang. "Atleast hindi pinapasakit ni Ms. Martinez ang ulo mo. Hindi tulad ng binabantayan ko." Sandaling tinapunan ng tingin ang binabantayan nang mapansing nkatitig ito sa dalawang kaibigan nito habang nagtatawanan ang dalawa. Parang may kudlit sa dibdib na naramdaman dahil sa nakitang eksena. She really seemed out of place. Huwag kang palilinlang sa nakikita ng mata mo. Napailing siya at isiniksik ang eksena nila kanina sa bahay. "Kung ako lang ang masusunod ay iiwan ko ang batang to!"
Tumawa ang nasa kabilang linya. "Bata? She's twenty years old, right?"
"Twenty years old na parang ten years old!" Hindi sinadayang tumingin ito sa direksyon. Sa kabila ng distansya ay may nakita siyang lungkot na nakasilip sa mga mata nito. Sandali lang iyun at sa pagkurap ay napalitan ng ibang emosyon.
At hindi matukoy ni Xander kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. "Balitaan mo ako ulit sa susunod. Sana ay makita na siya sa lalong madaling parahon."
"Pagtulungan natin siyang gulpihin pagbalik niya dahil sa pag-aalalang ibinigay sa atin."
Nagkatawanan sila saka nagpaalam rito at hinarap ang pagkain. Hindi siya nakakain ng maayos dahil sa pag-iisip ng maraming bagay. Idagdag pa ang pagkainis sa kasalukuyang sitwasyon. He should be in Pangasinan looking for Hans.
Sa mesa naman nila Kiera ay muling napagtuunan ng pansin ng mga kaibigan ni Kiera ang bodyguard nito.
"Are you going to pay for his food too?" Inginuso ni Thess ang mesa ng lalaki.
Umingos siya. "Of course not! Pumasok siya dito at kumain sa sarili niyang kagustuhan kaya bayaran niya mag-isa ang kinain niya "
"One meal for sure will worth a fourth of his salary."
"Kiera said he's a soldier. Maybe a half of that fourth that you said." Minzu corrected Thess's statement. "In fairness, malakas ang dating niya. Ang ibang malapit sa mesa niya ay tinitignan siya."
"Tulad ng matronang malapit sa kanya."
Tinignan niya ang tinutukoy ni Thess. Dalawang may katandaang babae sa kalapit na mesa ng bodyguard ang pilit na kinukuha ang atensyon nito. Pero busy ang lalaki sa pagkain.
"You guys have to help me."
Sabay na tumingin sa kanya ang dalawa.
"Gusto niyo bang nakasunod siya sa atin kapag nag-shopping tayo?"
"We are going on shopping?" Gulat na bulalas ni Minzu.
"Of course! Kailan ba tayong nagkitanng hindi nag-shopping?"
"I-I'm on a tight budget. I haven't book my ticket to London yet."
"I'll pay for it, the usual." Volunteer niya.
"Y-You don't have to do that!"
"Come on Minzu! It's not as if its the first time." Binuntunan iyun ng tawa at napahinto nang mapansin ang pagdilim ng mukha nito. "Minz..."
"I'll tag along but you don't have to buy me anything."
"O-Okay." Napipilan siya.
"Hey, Minz. Huwag mong masamain ang pagiging generous ni Kiera. She has the money, she's an heiress, remember. Hindi kabawasan sa perang mamanahin sa daddy niya ang mga ginagastos niya hindi ba Kiera."
Pilit siyang tumawa.
"We'll help you if that's what you want."
"Thank you." Usal niya tumingin kay Minzu na nag-iwas ng mukha. Gusto niyang magdamdam. Friends shares their problems. Pero kahit naman noon pa ay hindi na ito nagsasabi sa kanya. Ewan niya lang kay Thess.
Plinano ng magkakaibigan kung paano makakalabas si Kiera nang hindi mapapansin ng bodyguard. Pagtayo niya ay napansin agad ang pagbaling ng mata ng lalaki sa direksyon. Agad siyang nagtungo sa banyo kunwari kasunod si Minzu.
Mula doon ay may isang exit door sa kabilang panig kung saan niya pinapunta ang waiter upang makapagbayad ng bill. Pagkatapos ay palihim siyang nag-exit ng restaurant at dali-daling nilisan ang lugar ng walang lingon-likod. Lakad-takbo ang ginawa niya at saka lang huminto nang mapagod.
Hingal-kabayo pero may maluwang na ngiti sa labi. Para siyang literal na nakalaya habang naglalakad sa panig na iyun ng BGC high street.
"Welcome to the Philippines, Kiera." Excited niyang bulalas. Gusto niyang magtatalon sa tuwa nang iginala ang paningin at wala ang nakabuntot niyang bodyguard.