Pagbalik sa kwarto ay ibinato niya ang Hermes bag sa kama. Nanggigigil siya! Gigil na gigil! At lalo siyang naiinis dahil tila wala siyang magawa sa sitwasyon.
She dialed her father's number. Hindi niya palalampasin ang kabastusan ng lalaki. Nakailang attempt siya bago may sumagot.
"Keira! Stop calling your father!”
"Onii-san!” It was her older male cousin, Maki. Kinailangan pang tignan kung tama ba ang nai-dial na numero. Bago makapag-salitang muli ay naunahan siya nito.
"What happened this time? Alam mo ba kung anong oras palang dito? Make sure na importante ang sasabihin mo."
She hesitated for a moment. Hindi siya madalas kausapin ng pinsan ng ganuon unless napipikon na ito o busy sa trabaho at naiistorbo na niya. "I've been rudely treated by that stupid bodyguard that you guys hired!"
"Ranting on your second day in the Philippines. With you being spoiled, I don't think kasalanan ng bodyguard mo kung anuman ang nagawa niya sayo."
Nanlaki ang mata sa sobrang pagkagulat. "I can't believe I hear this from you, onii-san! At bakit hindi ninyo sinabi sa akin ang tungkol sa timings na pwede lang akong lumabas? This is unfair! Bakasyon ang ipinunta ko dito at hindi ang makulong."
"Makulong? You have all the right to go wherever you want, Keira. Ang timings na yun ay para sa proteksyon mo."
Tumikwas ang kilay. Hindi nababawasan ang pagkainis na nararamdam at sa halip ay lalong nadadagdagan dahil hindi nakukuha ang inaasahang simpatya mula rito. “So you are thingking na hindi ako makikidnap sa mga oras na lalabas ako?"
"Stop being sarcastic! Kaligtasan mo ang iniisip namin. Kung bakit kasi gusto mo nang umuwi agad. You could spare yourself from all of these unnecessary things kung marunong ka lang maghintay."
Mula sa pagkakaupo sa kama ay tumayo siya at sumilip sa bintana kung saan nakitang nakatayo ang bastos niyang bodyguard kanina. Wala ito kahit saan. “I am going to get engaged soon! Masama bang ipaalam ko yun kay mommy?"
"Kung ipapaalam kay auntie Raleen ang pakay mo ay wala kang maririnig. Kung umasta ka ay parang hindi ka nagkaroon ng kalayaang gawin ang gusto mo sa United Kingdom."
Kulang nalang ay umusok ang ilong niya sa paraan ng pakikipag-usap sa kanya ng pinsan. “Excuse me! I behaved myself in the univeristy. Hindi ako kailanman nagkaroon ng bagsak na grades. Kaya kung nagliliwaliw man ako ay hindi yun pagpapabaya!”
Bahagyang bumaba ang tono ng boses ng nasa kabilang linya. "This is just a precaution, Keira. Stop calling your father's number. Pinag-aalala mo lang siya."
Namewang siya na parang nasa harapan ang kausapin. "Well, kailangan niyang mag-alala dahil ang unica hija niya ay binabastos sa sarili niyang pamamahay." Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya.
“Okay, sabihin mo sa akin kung paanong pangbabastos ang ginawa niya sayo at patatalsikin namin siya diyan sa bahay kung may basis ang akusasyon mo."
She gritted her own teeth. Bakit kailangan pa ng basis? Bakit hindi nalang siya basta paniwalaan nito.
"Well..."
"He rudely answered me! Not just rude! It's unforgivable. Ininsulto niya ang p********e ko!” Sinigurado niyang magtunog naagrabyado siya.
"Sa paano ngang paraan?"
"Gusto kong umalis pero ayaw niya. At kung ano-ano pang pinagsasabi niya." Sumbong niya rito.
"Tulad nga ng ano? You couldn't even tell me the exact words he said."
Mariin siyang pumikit at napilitang sabihin ang hinaing. “Sinabihan niya ako na there's nothing cute about my personality! Is that the right words to say to a woman?"
"At nasabi niya yun dahil?"
Tuluyang naningkit ang mga mata niya. Nahimihigan na kasi ang boredom sa tinig ng pinsan. "Hindi ka nakikinig sa akin kuya Maki. I think you are not taking my concern seriously!"
"Stop being so hard, Keira. Pinapairal mo lang ang pagiging brat mo. Uncle Kei told me about your bodyguard. He ain't just a normal soldier. He belonged to this special group that does dangerous missions. He doesn't have that much of patience, so you better behave yourself. Kung ayaw mo naman ay sabihin mo lang para mai-book kita pabalik ng Japan or any country that you wanted to visit while waiting for us."
"No! I don't want to go anywhere! I have to meet my friends from London."
"Then meet them on the given timings. Ganun lang kadali yun. You are just trying to argue para mapaalis ang bodyguard mo. But sorry to inform you , love. Your father reassured me that want you want would never happen."
Marahas siyang huminga. Hindi niya akalaing hindi siya tutulungan ng pinsan. She used to be so closed to him. "I hate you onii-san!”
He laughed on the other line. "Is that your last resort?"
"You are not taking me seriously!" She screamed out.
Nag-alis ito ng bara sa lalamunan at sumeryoso. "I do. But I am with your father’s decision. Your safety comes first."
She felt defeated. Pero hindi niya iyun ipahahalata. "Hindi parin ako papayag sa gusto ninyo. This is the last time I'll be having a life before dad gives me to someone else. I will run my life by myself!” Hindi na niya hinayaang makapagsalita ang pinsan sa kabilang linya at pinatay ang tawag. She can feel her blood boiling! Hindi siya makakapayag na manalo ang bastos niyang bodyguard.
Sandali siyang naupo sa kama at kinalma ang sarili. Calm yourself, Kiera, and think of something else! Kung hindi mo siya maisusumbong ay gumawa ka ng bagay na ikapapahamak niya. An evil smile broke into her lips. Nag-sent siya ng text message kay Thess na bahagya siyang mahuhuli ng dating sa meet up nila. No one can stop her from whatever she wants to do!
Pasimple siyang sumilip sa may bintana at hinanap ng tingin ang kinaroroonan ng bodyguard. He’s still nowhere to be found. Humalakhak ang utak niya. I'll make sure na maaalis ka sa trabaho. You crazy jerk! Binuksan niya ang bintana sa may tagilirian at tumanaw sa baba. Napahawak siya ng mahigpit sa balustre nang makaramdam ng pagkalula. Oh, dear! I hope it works.
Kumuha siya ng ilang kumot sa aparador at pinagbuhol ang mga dulo hanggang sa makabuo ng mahabang pantali. Classic tactic! Pero paniguradong hindi iyun malalaman ng bodyguard dahil sa pelikula lang naman madalas nangyayari ang mga ganuong eksena.
Nang matiyak na mahigpit ang pagkakadugtong ng mga kumot ay itinali iyun sa may paanan ng kama. "I don't think you will break with my weight." Tinapik iyun. "Bear with me for a while. Hindi naman ako mabigat. I'm on a strict diet!”
Isinukbit sa katawan ang Hermes sling at sumampa sa bintana. Napakapit siya ng mahigpit sa railings. She felt the excitement and fear at the same time. Ang matinding pagkainis sa bodyguard ay siyang nagbibigay ng lakas ng loob sa kanyang gawin ang naisipan. "Yabai!" Inalis niya ang mata sa baba at tumingin ng diretso sa harapan upang alisin ang pagkalula.
Parang gusto niyang mag-back out. At hayaan na lang ginawang pagbabastos sayo ng lalaki yun! Kailangan mong gawin ito Kiera. Kapag nakaalis ka ng hindi niya alam ay lalabas siyang katawa-tawa. You'll get even.
Dahil sa sobrang pagkainis sa lalaki ay lumakas ang loob niya. She took a long deep breath. Bumitaw ang isang kamay sa pagkaka-kapit at hinawakan ang comforter na ang isang dulo ay sumakto lang sa bermuda grass. "Don't look down. Oh my gosh!”
"Kamisama! Be with me please." Nakapikit siyang kumapit at naglambitin sa comforter. Naramdaman niya ang pag-hang ng sariling katawan sa ere. Oh no! Sigaw ng utak.
Ipinagpasalamat niyang hindi siya mabigat kaya hindi bumigay ang kinakapitan Halos hindi niya maigalaw ang buong katawan sa sobrang kaba. “Yabai! Yabai!" Keira, breath in and breath out Relax! Calm down! Pero ni hindi niya magawa ang sariling payo.
Sobrang bilis ng pagtibok ng puso. Para pa ngang gustong kumawala niyun sa sariling dibdib. Gusto niyang pagsisihan ang sariling kapangahasan. Hindi kasi niya alam kung alin ang unang gagawin pagkatapos. Para siyang tuko na nakangunyapit sa hinahawakan. She probably cannot move both her hands. Natatakot siyang baka bigla nalang siyang makabitaw.
She will fall down for sure! At naiisip palang niya ay parang mawawalan na siya ng ulirat sa pwedeng kahahantungan. Nangilid ang luha sa mata at pinigilan ang sariling panginginig. Nasa ikalawang palapag ang kwarto at hindi birong pinsala ang aabutin kung sakali.
"Come on, Jane! I am waiting."
Nagdilat siya ng mata at tumingin sa ibaba. Pinamulahan siya ng mukha nang makita kung sino ang nagsalita. Nakalahad ang kamay ng bodyguards niya na tila nakahanda ito sakaling mahulog siya. Kasabay ng pag-iinit ng tenga ay na-realized na marahil ay nasisilipan siya nito dahil sa suot niyang dress. "H-Hey! Stop looking up!"
Pero ni hindi ito nag-alis ng mata. "Kapag inalis ko ang mata ko sayo ay hindi kita masasalo. You can have a better plan than this. Kung inaakala mong sisilipan kita ay wala akong interes sa nakikita ko!"
Marahas siyang nasinghap. Aminadong wala siyang katawang pang victoria's secret model, pero ang sabihan siyang wala itong interest sa kanya ay talaga namang nakakainsulto.
Damn if she will let him win over. Wala siyang pakialam mung nahuli man siya nito. At least ay aware na ito ngayon sa kaya niyang gawin. You can do it Keira! Hindi ka niya kailangang saluhin.
Nakapagtatakang parang biglang bumalik ang lakas ng loob na kanina lang ay iniwan siya. If you think that you can win over me, then hell will freeze over!
Unang bumitaw ang isang kamay sa hawak at sinubukang bumaba. Nagtagumpay siya sa unang attempt. Inulit niya at muling napagtagumpayan iyun. She rejoiced! Nasa kalagitnaan na siya nang maramdaman ang tila pag-lose ng hinahawakan mula sa itaas. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang kinabahan. Alam niyang may biglang lumuwag sa pagkakatali. At muli ang pagbaba ng hinawahakan. "N-No!"
"What's wrong? Dalian mo ng bumaba diyan."
"Urusai! I don't need you?"
"Do you mean that! Okay. Madali akong kausap.” Kitang-kita niyang umalis ito sa kinatatayuan.
"Jerk!" Kinalma niya ang sarili. She's halfway through. Konti nalang ay makakababa na siya. Relax! You will make it! Pagbibigay ng lakas ng loob sa sarili.
Huminto na ang pag-lose ng hawak mula sa taas.
Muli niyang sinubukan ang pagbaba. She managed with two more attempts. Nagmadali siya bago pa tuluyang bumigay ang pagkakabuhol ng itinaling mga kumot. And when she thought that she almost made it ay tuluyang humalugpos ang kinahahawakan sa pagkakatali at tuluyang siyang nalaglag.
Isang impit na tili ang awtomatikong kumawala sa lalamunan. Pero imbes na tuluyang bumagsak sa lupa ay sinalo siya ng pares ng matitipunong mga bisig. Ni hindi man lang sila natumaba. She found herself in the arms of her annoying bodyguard!
Sandali siyang hindi nakagalaw dahil sa pagka-gulat. Sobrang lakas ng t***k ng puso niya.
"O-Oh! A-Arigatou!" Hindi niya namalayan naiyakap niya ang kamay sa leeg nito at naisubsob ang mukha sa balikat nito. Hindi maipaliwanag ang takot na bumalot sa kanya. Akala niya ay tuluyan siyang babagsak sa lupa.
Ramdam niya ang panginginig ng buong katawan. Pero sa kabila ng muntik ng pagkakadisgrasya ay hindi nakaligtas sa ilong ang swabe pabango ng lalaki. Is he wearing one of Bvlgari le gemme reali scent? Pero kaya bang bumili ng isang pipitsuging sundalo lang ng ganuong klase ng luxurious perfume? Nakita niya ang presyo ng naturang pabango kung saan mayroon ang pinsan sa mismong headquarters sa Rome. At natitiyak na hindi kayang bumili ng lalaki.
Probably a cheap copycat gift from one of his girlfriends. Baka nakahanap ito ng isang mayamang matrona na nagbibigay dito ng class A ng mga luxurious men's perfume. But she’ll admit that he amazingly smells so good.
At meron pa. Unawarely, ay hindi niya namalayang sinisinghot na ito. Hindi alintana ang paghakbang ng lalaki habang pangko siya. So sexy and appealing! Sa katunayan ay kinakalma nun ang nerves niya.
Pagdating sa sala ay pabagsak siyang ibinaba sa sofa.
"Ouch!" Malakas niyang complain. "Can't you be a little gentlier?" Hinipo niya ang nasaktang bandang pwetan.
"Gentlier?" Ulit nito sa mukhang wala paring reaksyon. "Sa tingin ko ay mas malala pa diyan ang dapat mong mararananas kung hindi kita sinalo! Gusto kong pagsisihang bumalik ako. I think a little pain will give you the lesson that you deserve.”
Humigkas ang masakit niyang tingin dito. Ang natural na singkit na mata ay lalo pang lumiit! She was furious! At kung nakamamatay ang tinging ipinupukol rito ay baka kanina pa ito bumulagta sa harapan. "Bakeru!"
"Tigilan mo ako sa pagsasalita mo ng lenggwahe mo. It makes you looked more childish! Na parang hindi pa sapat na mukha kang ganun!"
Marahas siyang napabuga ng hangin. Did he just insult her! Again! Tumayo siya sa kinauupuan at tangkang hihigkas ang kamay sa pisngi nito pero naharang ng binata iyun.
Nakita niya ang pagkislap ng galit sa mga mata nito. "Don't start being violent! Pumapatol ako sa babae."
Sarkastiko siyang tumawa at isang insulto ang naisip na ibato rito. "Obviously! Nakikita ko naman. The way you treats me. Ano ka bakla?"
"Is that your own way of asking for a kiss?” Tumaas ang isang sulok ng labi nito. “I'm sorry young lady, pero hindi ako pumapatol sa mga anak-mayaman na spoiled brat na'y immature pa kung kumilos."
Nagpanting ang tenga niya sa narinig. It’s too much. She had received an endless insult from him. At hindi mapapayagan ni Kiera iyun. "Oh, should I thank you? Well, the same goes for me. Hindi ako pumapatol sa lalaking wala na ngang pera ay bastos pa." Nagbunyi ang kalooban niya nang makita ang pagdidilim ng mukha nito. "We're you insulted? Tama ako diba! Your likes don't have any penny to give. Kaya ka ba nagsundalo para may maipagyabang ka?"
His eyes became dangerous. “Someone like you will never understand my job. Ano bang alam ng isang tulad mong lumaking isinusubo nalang lahat.”
Ikinatuwa niya ang pagiging affected nito sa sinabi niya. Obvious iyun sa paggalawan ng mga muscles sa mukha nito. But she’s not contented! Gusto niyang sisihin ito sa paglabas ng masamang ugali.
She’s not normally like this! Kung malapit lang sana siyang reglahin ay pwede niyang isisi sa PMS ang nararamdaman. Pero katatapos lang niyang datnan bago magpa-Pilipinas. Kaya wala siyang dapat sisihin kundi ang bastos na lalaking kaharap. “Reasons, reasons! Nagtatago ka sa pankuwaring matikas mo. Pero ang totoo ay bastos ka at walang modo! The nerve of you to insult me. Ikaw na isang pipitsuging sundalo lang!”
"Kiera?"
Sabay silang napalingon sa pinto at nakita ang nagulat na mukha ng pinsan.
"Bitawan mo ako." Pagalit niyang binawi ang kamay mula sa lalaki at pasimpleng hinimas ang palapulsuhan. Pakiramdam niya ay namanhid iyun. Tinalikuran ang dalawa at dire-diretsong umakyat sa hagdan.
"W-What happened, Lieutenant?" Takang nilapitan ni Christine ang binata na hindi nagbago ang madilim na reaksyon ng mukha.
"Gusto niyang umalis at nang sabihin kong hindi pwede ay nagtangka siyang tumakas gamit ang pinagdugtong-dugtong na kumot. Muntik na siyang mahulog.”
Napasinghap ang babae at binigyan ang sundalo ng humihiging-paumanhin na tingin. "Don't worry, pagsasabihan ko siya." Dali-daling umakyat sa hagdan at sinundan ang pinsan sa kwarto nito.
Si Xander ay mariing naipikit ang mata! Paano siya makakapag-focus kung ganitong nasa Pangasinan parin ang utak. Panay ang tawag niya kay Fritz at Westley kung ano na ang balita tungkol sa paghahanap kay Hans.
Westley assured him that they would have a lead soon. The Legrand's will find him. There is no recovered body means he's alive somewhere! You better be alive, Hans! Hindi kita mapapatawad kapag hinayaan mong mapahamak ka.
Ramdam parin niya ang bigat sa dibdib! At tila binubuhay ng pangyayaring iyun ang isang madilim na nakaraan na sa tuwing maalala ay parang gusto paring magdilim ng paningin.