Chapter 1 "Yume and Akane"
[YUME’S POV]
"Miss Yume, handa na po ang agahan ninyo."
Natigilan ako sa pagmumuni-muni nang madinig ko ang mahinahon niyang tinig. I turned to face my personal bodyguard.
"Salamat,” matipid kong tugon bago naglakad patungo sa mahabang mesa.
Mahaba’t maganda ang ayos ng mesa na nalalatagan ng puti at pulang tela sa ibabaw. Bukod doon, nasa ibabaw rin ang tatlong mamahaling plorera na may mga bagong pitas na bulaklak na nakahilera kasama ng tatlong candelabra. Sa kabila ng mahabang mesa, halos maliit na bahagi lang ng mesa ang may nakalagay na mga pinggan at mga pagkain. Maganda man at mamahalin ang lahat ngunit walang halaga ang ganda at garbo ng mesa dahil tila walang buhay ang paligid. Walang ibang tao sa malaki at malawak na silid na iyon, maliban sa’ming dalawa.
Umupo ako sa upuan at kahit hindi ako nakatingin ay dama kong sumunod siya sa’kin. Tumigil siya at nanatiling nakatayo sa kanan ko, halos isang metro ang layo mula sa akin.
Sanay na ako na sa bawat galaw ko ay may nakamasid.
Sanay na ako na sa bawat oras ay may nakabantay sa akin.
Ngunit simula nang dumating siya, naging mapagmasid at sensitibo ako sa bawat pagkilos at paggalaw ko.
Uminom ako ng tubig at halos mangalahati ang laman ng baso dahil parang nanunuyo ang lalamunan ko. Pagkababa ko pa lang ng baso ay agad siyang kumilos at sinalinan ang baso ng tubig.
Wala sa loob na nilingon ko siya at kagaya ng dati, nginitian niya lang ako. Hindi ata nawawala ang mga ngiting iyon sa labi niya. Minsan, iniisip ko kung totoo ba ang ngiting iyon o praktisado lang talaga siyang ngumiti.
"May kailangan pa po ba kayo, Miss Yume?" nakangiti pa ring tanong niya.
Napakaamo talaga ng gwapo niyang mukha. Palagi rin siyang nakangiti. Hindi ko lubos maisip na isang bodyguard ang katulad niya. Nasanay ako sa mga bodyguard naming seryoso at mabibilang sa daliri ang mga ngiti at salitang lumalabas sa kanilang bibig.
Napakurap ako bago umiling. "W-wala," wika ko bago bumalik sa pagkain habang pilit iniignora ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. There’s really something in the way he looked at me that made me felt uneasy.
And when it came to uneasiness, I, Yume Arcadia Hezena, had a lot of practice ignoring it. I’m not just from one of the riches clan, I’m the eldest and first heiress of Hezena’s clan, and it’s a practice to ignore things around you that would make you feel uneasy. I put a lot of practice that despite the uneasiness, I never should let anyone see this. I never should let anyone see through me.
Mom and Dad emplaced several maids and bodyguards around my sisters and me, and we grew up being used to that setup. We grew up that everything we needed was already on the table; whatever we wear would be ready by our maids, whatever we said should be followed. Having this kind of setup, I, alone, also grew up watching our parents come and go, and then my sisters arrived and left me, too.
"Ihahanda ko po ang tsaa ni’yo,” ani Akane na nagpabalik ng atensyon ko sa kaniya. Nang matapos akong kumain ay mabilis niyang iniligpit ang pinagkainan ko.
Pinagmasdan ko na lang ang paglayo niya habang dala ang mga plato ng pinagkainan ko at nang tuluyang mawala siya sa paningin ko’y nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga ako.
That man was my personal bodyguard. Simula nang sabihin ko sa mga magulang ko na gusto kong umalis ng mansion at tumira sa ibang lugar, binigyan nila ako ng personal bodyguard ko. Marami naman kaming bodyguard, marami laging nakabantay sa akin at sa mga kapatid ko. Ang hindi ko maunawaan ay kung bakit kailangan pa nila akong ikuha ng bagong bodyguard na makakasama ko sa pag-alis sa mansion.
Sumandal ako at pumikit upang pakalmahin ang sarili ko.
Ilang araw ko pa lang siyang kasama pero ang presensiya niya ay parang pumupuno sa isip ko.
"Ayos lang po ba kayo, Miss Yume?" mahinahong tanong niya.
Napamulat ako ng mata nang madinig ko ang tinig niya. Sumalubong sa akin ang mapupungay at kulay brown niyang mga mata. May halong pag-aalala ang mga mata nito. Mabilis akong tumuwid ng upo at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Isa pa ito sa nakakabigla, sumusulpot na lang siya bigla ng hindi ko namamalayan.
"W-wala," wika ko sabay iwas ng tingin. Hindi ko maintindihan kung bakit ako nauutal.
"Sigurado ka, Miss Yume?" tanong pa niya habang ibinababa ang tsaa sa mesang nasa harap ko.
"Oo," mariin at may tigas kong saad sabay abot ng tasa ng tsaa.
Umiinom ako ng tsaa pero dama ko ang mga tingin niya sa akin.
"Mamaya po ay darating ang mommy at daddy ninyo. Gusto daw nila kayong makausap para sa pag-alis ni’yo bukas," malumanay niyang pahayag.
Tumango lang ako bago sumimsim ng tsaa.
Bukas na nga pala…
Aalis na ako sa mansion—sa malaki pero tila nakakasakal na mansion na ito. Pakiramdam ko ay ibon ako na nasa loob ng kulungan. Dadalawin lang ng mga magulang kapag kailangang sabihan at kung kailan nila maibigang kumustahin.
"Sabihin mo, Akane. Kailangan ba talagang isama kita?" wala sa loob na naitanong ko.
Alam ko na ang sagot, ngunit kaya nga gusto kong umalis ng mansion ay para masubukan kong makalaya mula sa mga matang palagi na lang nakabantay sa akin.
"Miss Yume, it’s my duty to protect you, that’s why whether you like it or not, I need to come with you,” he said it gently but I could sense the firmness in his voice.
I turned to him and secretly examined him. He’s different from the bodyguards I grew up with. Our bodyguards were tall with too much wide chest and too much bulging muscles, making them more a wrestler than a bodyguard. They also seemed serious and never ever talked to me the way Akane did. Akane, on the other side was tall and lean, he didn’t have too much bulging muscle, but there was something about him that even though he looked gentle, you should be careful.
Akane Weinhard…
That’s him.
Wala ako ibang alam tungkol sa kaniya maliban sa pangalan niya at kung ilang taon na siya. Wala rin akong ideya kung saan siya nagmula.
"Kakausapin ko pa rin sila," paglalahad ko sabay tayo.
"Gusto ni’yo po bang magpahangin muna? Maganda ang araw sa labas at napakaaliwalas,” suhestiyon niya, hindi alintana ang pagiging malamig ko sa kaniya.
Tumango lang ako at naglakad habang nakasunod siya sa akin. Palagi siyang ganito, magalang makipag-usap, palaging nakangiti at maaliwalas ang mukha. Sanay na ako sa magalang na pakikitungo ng lahat sa akin pero pagdating sa kaniya, may kakaibang hatid ang bawat pagkilos niya.
He’s twenty-four and I’m eighteen. He was more like a big brother, but when he’s around, it felt different.
MABIBIGAT ang hakbang na lumabas ako ng Receiving Room. Masama ang loob ko at hindi ko mapigilan ang mainis. Katatapos ko lang makipag-usap sa mga magulang ko, pero katulad noong una ay hindi sila pumayag na ako lang ang aalis na mag-isa. Kailangang isama ko si Akane. Bagama’t may kaniyang bukod na silid siya, hindi pa rin ako makakaiwas sa mapagbantay na tingin niya.
Ganito naman sila palagi, sinusubukan nila akong protektahan mula sa mga iniisip nilang kaaway. Not knowing, na may ibang bagay pa ang maaaring makasakit sa akin.
I still couldn’t believe them. Ngayon lang ako hihiling sa kanila, hindi pa nila ako pagbigyan. Hindi ba nila maunawaan na kaya nga ako aalis ng mansion ay dahil mas gusto kong malayo kahit sandali sa lugar na ito. Napapalibutan man ako ng maraming tao dito pero hindi naman tao ang tingin sa akin kundi isang bagay, isang tau-tauhan.
At mas makakabuti pa kung lumayo na muna ako pansamantala.
Nagmamartsa ako pabalik sa silid ko nang masalubong ko si Akane. Hindi ko siya pinansin o tiningnan man lang. Wala pa akong sinasabi pero malumanay siyang nagsalita sa’kin. "Pipilitin kong hindi maging sagabal sa’yo kapag nakalipat ka na."
Awtomatikong napatigil ako sa paghakbang at nag-angat nang tingin sa kaniya nang madinig ko ang malumanay niyang tinig. Nang tingnan ko siya ay nakangiti siya. "Gagawin ko ang trabaho ko sa paraang hindi mo mapapansin," dugtong pa niya.
"Akane..." mahinang anas ko.
Nanatiling nakatingin ako sa kaniya habang nanatili naman siyang nakangiti sa akin. Nauunawaan niya ang bawat kilos at galaw ko.
"Ngumiti ka na, Miss Yume."
Bahagya pa akong nagulat nang abutan niya ako ng panyo. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa panyong nasa palad niya at sa gwapo niyang mukha.
Akane’s smile was soft and his eyes were full of concern. In just one look, napakadaling maniwalang genuine ang pinapakita niya, but I had enough with people showing they were fine and everything was fine when the truth was behind my back, they’re stabbing me.
"Salamat na lang," malamig kong saad bago naglakad palayo. Alam kong mali ang inasal ko pero hindi ko maiwasang hindi gawin iyon. Para sa akin, pare-parehas lang sila. Nakangiti sila pero ang totoo ay nagpupuyos ang loob nila sa akin.
Pero bakit ganoon?
Bakit parang ang sakit sa dibdib?
Nandoon na naman ang tila pumipigang mga kamay sa dibdib ko.
Dahil ba kahit anong pagtataray ko sa kaniya ay palagi siyang kalmado sa akin? O dahil pakiramdam ko’y nauunawaan niya ako palagi?
FOR the last time, I glanced at the full-length mirror. I wore a long-sleeve black silk top and a loose white mini skirt, together with white flat doll shoes with black ribbon on the top. I let my hair down and put a small amount of powder and lip tint. Hindi ako magaling pagdating sa make-up at hindi ko rin hilig ang pag-aayos na katulad nang ginagawa ng iba. I know how to paint, but I wasn't good when putting colors on my face.
Nang matiyak na maayos nang lahat ay naglakad na ako patungo sa pinto. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay bumungad na sa akin si Akane at kagaya ng nakasanayan ay nakasuot ito ng suit.
Sino bang nagpauso na kapag bodyguard dapat mukhang men in black?
"Good morning, Miss Yume," nakangiting bati niya.
"Good morning," bati ko, kahit medyo parang labas sa ilong.
Taas-noong nagsimula na akong maglakad. Gusto ko siyang lingunin at tingnan pero mas minabuti kong pigilan ang sarili. Ang totoo ay hindi ko maiwasang hindi humahanga sa kagwapuhan at kakisigan niya. Hindi talaga tanggapin ng isip ko na bodyguard siya at hindi isang modelo.
"Ang ilang gamit mo ay naisakay na at nauna nang dinala sa Galleria," paglalahad niya habang naglalakad kami.
Hindi ako nagsalita. Nakatuon ang sarili ko sa isiping simula sa araw na ito ay aalis na ako ng mansion. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako makakapamuhay ng malayo sa lugar na ito pero gaano man katagal—susulitin ko ang bawat sandali.
"Nakahanda na rin po ang sasakyan," dugtong pa niya ngunit nanatili akong tahimik.
Paglabas ko ng mansion ay nakahilera ang ilang maids at bodyguard upang magpaalam. Sa kabilang banda, marahil sa loob-loob nila ay nagsasaya na sila at aalis na ako.
"Paalam, Miss Yume. Mag-iingat po kayo sa pupuntahan ninyo." Halos sabay-sabay na pamamaalam ng mga maid. Nagyuko lang ng ulo ang mga bodyguard bilang paggalang.
"Handa ka na, Miss Yume?" Nakangiti ang mga labi na tanong ni Akane.
I stared at him and gently nodded.
He opened the door at the backseat of the car. I was about to get inside, but I stopped and glanced at the mansion. Hindi man lang dumating sina mommy at daddy para ihatid ako. Wala rin ang dalawa kong kapatid na babae.
Huminga ako nang malalim at sa huling pagkakataon ay tiningnan ang mansion na kinalakhan ko, ang mansion na ilang taon ko ding naging kulungan, ang mansion kung saan maraming gabi at araw na hinihiling kong sana… sana’y makalaya din ako.
At makakalaya na ako…
Ngunit alam kong babalik din ako sa lugar na ito. Hindi maaaring hindi. Walang ibong nakakulong ang hindi ibinabalik sa kulungan pagkatapos hayaang lumipad-lipad.
Nilipat ko ang tingin ko sa mga maid at bodyguard. Binigyan ko sila ng isang magandang ngiti. Hindi nakalingat sa akin ang pagrehistro nang gulat sa mga mata nila.
Siguro, alam nila pero hindi nila nauunawaan.
Sumakay na ako ng kotse. Mabilis ang kilos na sumakay si Akane sa driver seat at pinaandar ang sasakyan palayo.
Palayo sa lugar na minsang naging tahanan at kulungan ko.