Nakalabas na kami ng mall at papunta na ng parking lot. Nag-aya siyang umalis na ng mall dahil may gusto raw siyang ipakita sa’kin. Doon na rin daw kami kakain. Malapit na kami sa sasakyan nang makita namin ang isang batang babae na marahil ay nasa anim o pitong taong gulang pa lang. Nakatayo siya sa tabi ng kotse habang may hawak na bouquet ng puti at pulang rosas. Nagkatinginan kami ni Akane lalo na nang magpalinga-linga ang bata na para bang nawawala. “Hi! Are you lost?” tanong ko nang makalapit kami sa bata. Tiningnan ako ng bata at ganoon na lang ang pagkamangha ko nang mapagmasdan siya. Aminado akong magandang bata siya at hindi maikakailang anak-mayaman dahil sa ayos at pananamit niya, pero ngayon lang ako nakakita sa personal ng kulay asul na mga mata. I used to see blue eyes in
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


