Chapter 22 “Lost Dreams”

3026 Words
Kasabay nang pagtigil ng sasakyan ay nagmulat ako ng mga mata. The feeling of sadness started to envelop me. I felt confused and disturbed. Still in haze, I sat upright. I glanced at Aila who's still sleeping beside me. We're now home after a long day of strolling, shopping, and walking around. Masaya kami kanina, masaya ako, but suddenly I’m feeling down. Nakatulala pa rin ako sa kawalan nang bumukas ang pinto sa tabi ko kasunod ay sumilip si Akane, “Miss Yume?” Walang salitang bumaba ako habang si Aila ay pupungas-pungas ding bumaba. Inalalayan pa ito ni Brandon dahil parang inaantok pa ito. “Mukhang napagod kayo, Miss.” Binalingan ko si Akane na dala na ang mga pinamili namin. Marahil, tama siya, napagod lang ako. Marahan akong tumango. Magkakasabay kaming apat na pumasok ng Galleria. Alas-kwatro na sa malaking orasan na nakaharap sa entrance ng Galleria. Hindi na ako magtataka kung bakit pagod na pagod at nanghihina ang katawan ko. “Gusto ko nang matulog ng mas mahaba.” Parang batang bulong ni Aila na nakasandal sa dingding ng elevator. “Magbihis ka kaagad bago ka humiga. Maghapon tayong nasa labas.” Paalala ko sa kaniya. “O-oo naman. Hehe. Hindi ko kakalimutan.” Tumatawa siya pero halata namang peke. Mas mukha pa siyang kinakabahan. Ang hindi ko lang inaasahan ay kasasabi ko pa lang na magpalit siya ng damit ay tumuwid na ito nang tayo. Tinitigan ko siya pero hindi na ako nagtanong dahil bumukas na ang pinto ng elevator. “Bye Yume, bye Akane. Salamat,” paalam ni Aila. “Sige po, Miss Yume,” paalam ni Brandon sa’kin bago tinanguan si Akane. “Salamat sa inyong dalawa,” marahang wika ko sa kanila. Sumara na ang pinto kaya natahimik na uli ang paligid. Ilang minuto lang ay nasa floor na namin kami. Nanatili ang katahimikan habang naglalakad kami hanggang binuksan ko ang pinto ng unit. Pinapasok ko siya sa loob para ibaba ang mga pinamili namin. “May gusto ka bang ipakuha?” tanong ni Akane. Hinarap ko siya. Sandali akong nag-isip bago marahang umiling. “Wala na. Salamat. Magpahinga ka na rin.” “Sige, Miss Yume.” Binigyan siya nito ng tipid na ngiti bago naglakad palabas ng silid. Walang salitang pinanood ko siya habang. Nagpalit naman ako ng damit at humiga sa couch. Nawala na ang antok ko. Pagod ako pero hanggang ngayon ay hindi mawala ang pamimigat ng dibdib ko. Something’s really bothering me. 'Maybe I dreamed.’ Napapikit ako. At this rate, mag-iisip lang ako kaya minabuti kong tumayo. Kumuha ako ng canvas, brush, at paint. Nagsimula akong mag-paint. Walang direksyon, walang katiyakan ang bawat linya ng kulay. Hindi ko iniisip kung tugma o bagay ba ang kulay, ang mahalaga ay mailagay ko ang kulay at linya na gusto ko. Ginawa ko iyon nang paulit-ulit hanggang mapagod ang mga kamay at braso ko. Tumigil lang ako ng para bang namamanhid na ang mga kamay ko. Habang ibinababa ko ang brush ay unti-unti na ring dumidilim ang paligid sa labas. Pabagsak akong humiga sa couch. Hindi na ako nag-abala pang maghugas ng kamay, hindi ko na ininda ang mga pintura na napunta sa damit ko at katawan ko. Ipinatong ko ang braso ko sa ibabaw ng noo at pumikit. Nabawasan na ang tensiyon sa katawan ko, pero andoon pa rin ang bigat. Alam kong hindi ito maaalis kung patuloy kong itatago. Hindi ito mawawala kung patuloy akong magpapanggap na para bang walang nangyari. Unti-unti'y kakainin ako nito hanggang maging takot na naman. Pero paano ko lalabanan? Kung sa tuwing mumulat ako ay tanging emosyon na lang ang natitira, naglalaho na ang iba, at nawawala na sa aking alaala. NAGSIMULA kami sa palaging magkasama, hindi kami halos naghihiwalay maliban na lang kung oras ng klase. Pero simula nang mangyari ang insidenti sa lumang building ay dumalang na ang pagkikita namin. Alam ko, kahit hindi niya sabihin maraming nagbago. “Ezelle, galit ka ba sa akin?” tanong ko sa kaniya minsan ng sabay kaming kumain. “Hindi.” Mabilis siyang sumagot pero dama kong bahaw ang pagkakasabi niya ng salita. Hindi niya man lang din ako tiningnan. “Pero, bakit? Bakit parang ang…” Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. “I’m not mad, I'm just sad.” Nilingon niya ako, ang mga mata'y nakatingin sa akin pero tila nasa malayo ang isip. “And I think, you can do something about it.” Ngumiti siya pero hindi na kagaya ng dati niyang ngiti. Nawala na ang inosente at maamo niyang mga ngiti, napaltan na ito ng mapaglarong ngiti. “Ezelle…” Hinawakan niya ako sa kamay. “We’re friends, right? Kaya alam kong mapagbibigyan mo ako.” Pinalambing niya ang boses niya pero alam kong hindi na ito ang Ezelle na nakilala ko. “A-ano ba iyon?” tanong ko. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at nanatili lang akong nakatingin sa kaniya habang nagsasalita siya. DREAM is a series of thoughts, images, or emotions occurring during sleep. Sometimes, they are often similar to what is happening in our real life. But, I couldn’t prove all those things. I couldn’t say if my dream was similar to what was happening in my real life, or if it was really my thoughts. After all, I couldn’t remember my dreams or what I had dreamed about. All I knew was the strange feelings and emotions that left in me. And at this rate, maybe, I dreamed of something confusing, or maybe it’s not really a dream but a nightmare, leaving me more questions. Matagal akong nakatulala sa kisame. Dama ko ang pagpatak ng mga mumunting luha ko pero hindi ko alam kung bakit. Saglit lang ako nakatulog and yet here I am, tears falling from my eyes for some reason I didn’t even know. Kahit anong gawin ko, wala akong maalala sa bawat napapanaginipan ko. Kahit anong halukay ko sa alaala ko ay wala talaga akong matandaan. I knew, I dreamed because of different emotions that kept on rushing inside me, but I couldn’t remember what they were. I couldn’t remember any of it and it’s frustrating me. Bumangon ako at kumuha ng malamig na tubig sa mini refrigerator. Kumuha ako ng pitsel at nagsalin ng tubig sa baso. Hawak ko pa rin ang pitsel habang umiinom ng biglang may kumatok sa pinto. Dahil ang atensiyon ko ay nasa pag-inom at pagpapaalis ng tensyon sa katawan ko ay nagulat ako. Dumulas ang pitsel sa kamay ko dahilan para bumagsak ito sa sahig. Nabasag ito at lumikha ng malakas na ingay sa buong kwarto. Mabuti na lang at mabilis akong nakaiwas kaya hindi nabagsakan sa paa. “Haaayy, Yume, napaka-careless mo talaga.” Natampal ko na lang ang noo ko sa inis sa sarili. Hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla ay lumakas ang katok sa pinto. Sinabayan pa iyon ng malakas na pagpihit ng doorknob pero dahil naka-lock iyon ay hindi nabuksan. “Miss Yume! Miss Yume!” Dinig ko ang malakas na tawag ni Akane mula sa labas. Nagtatakang ibinaba ko ang baso sa mesa at nagmamadaling lumapit sa pinto pero bago pa ako nakalapit ay bumukas na iyon. “Miss Yume!" malakas na salubong ni Akane, halo ang pag-aalala sa mukha at alerto ang buong katawan niya. Mabilis niyang hinawakan ako sa kamay at iginaya patungo sa likod niya. Walang salitang nililigid niya ang tingin sa buong silid. “Akane,” tawag ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin at naging abala sa pagche-check sa paligid. Lumapit siya sa glass wall at tila may sinisilip na kung ano. Pumunta rin ito sa bedroom ko, sa kitchenette at tila kahit sa bathroom. At sa buong panahon na ginagawa niya ito ay nagtatakang nakatingin lang ako sa kaniya. Hanggang napunta ang atensiyon niya sa nabasag na pitsel sa sahig. Noon niya lang ako nilingon. “Ano bang ginagawa mo?” takang tanong ko. Nagsisimula na akong kabahan sa ginagawa niya. Hindi siya sumagot sa halip ay mabilis niya akong nilapitan. Seryoso ang mukha na sinipat niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi pa rin nagsasalitang inabot niya ang kamay ko at tiningnan. Naiinis na ako dahil hindi man lang niya pinapansin ang mga tanong ko. “Ano ba, Akane?” naiinis ko nang tanong sa kaniya sabay bawi ng kamay ko. Natigilan ito sa ginagawa at dumistansya kaagad. “Paumanhin, Miss Yume. Nadinig ko sa labas na may nabasag. Hindi kayo nagbubukas kaya nag-alala ako. Akala ko ay may nangyari ng kung ano.” Titig na titig siya sa akin habang nagsasalita, blangko ang mga mata niya at wala akong mabasang kahit ano. Then it dawned to me the reason why he was suddenly agitated. Hindi ko maiwasang hindi makadama ng inis sa sarili dahil sa pagiging clumsy ko. I signed and walked towards him. “Sorry, nabagsak ko lang 'yong pitsel kaya nabasag. It’s actually nothing. Anyways, thank—” Hindi pa ako nakakatapos magsalita ay lumapit muli siya sa akin. Sobrang lapit na halos ilang pulagada na lang ang layo niya mula sa'kin. “Nasugatan ka ba, Miss Yume?” tanong niya habang nakatingin sa noo ko. “H-hindi,” nauutal kong tugon dahil sa sobrang lapit na niya. Halos malaya kong naaamoy ang cologne niya. He really smelled nice and manly. Heat strikes my face when he touched my forehead, not to mention that we’re now front to front. His body was almost touching mine. “May pula ka sa noo, Miss Yume,” aniya bago kinuha ang braso ko. I blinked and about to snatch my arm back but he held it. He lifted my arm and a thick red line came into view. Napangiwi ako. Hindi pa pala ako nakakapaglinis ng katawan ko. Nakatulog ako pagkatapos kong mag-paint. “It’s just a paint. I'll just wash,” I said to him with a timid smile. He let go of my hand, and I immediately ran to the bathroom. Halos gusto ko nang matunaw sa hiya nang makita ko ang sarili ko sa salamin. May hair was so messy. I have a lot of paint in my arms, clothes, and even in my face. At hindi lang iyon, my eyes were a bit bloodshot. Hindi na ako magtataka kung bakit ganoon na lang ang pag-aalala niya. Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay doon na rin ako nagbihis sa bathroom. Paglabas ko ay wala na ang nabasag na pitsel, para ngang walang nangyari kanina. Malinis na rin ang mga nakakalat kong mga gamit kanina. Akane’s a fast mover. Ang canvas kaninang ginawa ko ay nasa maayos na ring tayo kasama ng iba kong painting. Ngayon ko lang ito napagmasdan nang mabuti. It wasn’t a sunset or anything, though it’s looked like one without a sun. The upper part was a midnight black color with a hint of blue while the middle part was a red orange rays of setting sun. It’s just pure color with vague lines. “Is everything alright, Miss Yume?” “Yeah,” sagot ko habang hindi inaalis ang tingin sa painting, kahit na ang totoo ay hindi rin ako sigurado sa sarili ko. Nanatili akong nakatayo habang ibinaba naman ni Akane dalang dalawang kulay red na box sa ibabaw ng mesa. “Ipinabibigay ito ni Miss Michelle. Japanese cuisine ang niluto nila para sa dinner. Hindi ka lumalabas ng kwarto mo kaya dinala ko na.” “Salamat.” Babalik na sana ako sa couch ko nang may naalala ako. Nilingon ko siya at napatitig sa box na dala niya. “Gusto mo na bang kumain?” tanong niya. “Kumain ka na ba?” balik tanong ko sa kaniya. “You must eat,” he answered instead. “I’m asking if you already ate.” I tried to make my voice stern, though deep inside I’m kinda nervous. “Mamaya pa, Miss Yume.” “May kailangan ka bang gawin ngayon?” “Nothing as important as you.” Another heat struck my cheeks. Bakit ba kailangang ganoon ang mga sagot niya? Pwede namang wala o meron. Napabuntong-hininga ako. Alam kong isang sabi ko lang sa kaniya ay papayag siya pero nag-aalangan pa rin ako. “Pwede bang…” napakagat-labi ako at hindi maituloy ang gusto kong sabihin. “Okay lang bang samahan muna kita dito, Miss Yume?” mabilis niyang tanong nang hindi ako magsalita. Napakurap ako sa sinabi niya. He really can read me. Ano pa nga bang silbi ng pagpapanggap? Hinarap ko siya nang tuluyan. “Pwede mo ba akong sabayang kumain?” tanong ko sa kaniya. Walang nagbago sa reaksyon ng mukha niya. But, his eyes seemed to shimmers. “Masusunod, Miss Yume.” “Salamat.” ITO ANG unang beses na nagkasabay kaming kumain na kaming dalawa lang. Nagkasabay kaming kumain noong namili kami pero kasama namin sina Aila at Brandon. Kumain din kami noong kasama namin sina Yona at Yuri, isama na rin ang dinner namin kasabay ang pamilya ko. Ilang beses ko na siyang nakasabay kumain pero ito ang unang beses na kami lang dalawa. Hindi sa dinning table o tall chair kundi sa couch habang nakaharap sa glass wall at nakatanaw sa gabi. Tahimik kami parehas habang kumakain. Medyo naiilang ako. But his presence helped me a lot to stop thinking too much. Natapos na kaming kumain ay mabibilang sa daliri ang mga naging palitan namin ng salita. Medyo kinakabahan ako at idagdag pang hindi talaga ako magaling makipag-usap. Ano nga bang mangyayari? Sabagay, ang kailangan ko lang ay kasama. Ayaw ko lang munang mag-isa. “May gumugulo ba sa isip mo, Miss Yume?” Mula sa basong hawak ko ay nalipat ang tingin ko sa kaniya. Sa mata niya, hindi ba talaga ako mahirap basahin. “You’re a bit out of yourself. Akala ko kanina ay baka pagod ka lang pero mukhang mali ako. Hindi ko agad napansin.” Bahagyang sumeryoso ang mukha niya. “Kailangan ba talagang alam mo ang lahat ng galaw ko? I mean, it’s seems that you’re always reading me.” Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa kaya diniretso ko na siya. He beamed at me. “Kailangan kong alamin ang lahat sa'yo, Miss Yume. Hindi lang ang mga gusto at ayaw mo," he answered with a sly smile. “Kahit ang bawat galaw mo dapat alam ko rin. Mula sa paglalakad, paghawak ng mga bagay, o kahit ang paghinga mo, dapat saulo ko.” “How about the beans?” hindi ko mapigilang itanong sa kaniya kahit na nahihiya ako. Heto na naman kami sa usapang beans. I’m just curious, alam dapat niya na hindi ako kumakain noon, but weird as it seems, kumakain din naman nga ako ng walang reklamo. “I’m sorry about that, just thinking you may like it.” “So, the truth is, you know I don't like them?" Tumango siya. Namayani muli ang sandaling katahimikan bago muli akong nagtanong. “Do you have a data about me?” tanong ko muli habang nakatingin sa labas. “Inaaral ko lang ang ibang impormasyon tungkol sa inyo. Lahat ng impormasyon na alam kong kakailanganin ko para maggawa ko ng maayos ang trabaho ko. Habang ang ibang bagay ay inaalam ko sa mga panahong kasama ko kayo.” “So? Do you know about my dreams?” hindi pa rin ako tumitingin sa kaniya. “I just saw some medical check-ups,” he reluctantly answered. Nilingon ko siya para makita lang na titig na titig siya sa tasa na nasa harap niya. Blangko ang mukha niya. Why it’s so easy for him to read me but it’s hard for me to know what he was thinking? “Don’t worry, I'm the one who asked kaya okay lang. I bet, nabanggit sa'yo nina mommy at daddy na ayaw kong pinag-uusapan ang tungkol sa mga panaginip ko.” Tumango ito pero hindi nagsalita. Sumandal ako at sinubukang pakalmahin ang sarili. “Nananaginip ka ba?” tanong ko sa kaniya pagkaraan. “Oo, pero hindi madalas.” Nakatitig ako sa langit pero dama ko ang mga titig niya sa'kin. “Naalala mo ba sila pagkatapos?” “Minsan oo, minsan hindi.” “Anong ginagawa mo... kapag hindi mo sila maalala?” I really don’t want to talk about it, but the heaviness in my heart seems to keep on getting heavier. “Naiinis ako. May mga panaginip na sa tingin ko ay maganda dahil naggigising akong masaya, pero hindi ko naman maalala at medyo nakakainis iyon. Kapag naman hindi maganda ang gising ko, iniisip ko na lang na siguro mas mabuti ng hindi ko naaalala.” “There is a saying that dreams are connected in our real life.” “But you are awake in real life, Miss Yume.” Tumayo siya mula sa kinauupuan niya at tumabi sa akin. Naupo siya ilang pulgada mula sa'kin. “Alam kong hindi madaling magising sa umaga na malungkot sa hindi mo maintindihang dahilan, pero kailangan mong tandaan na gising ka na at pagkakataon mo nang baguhin ang lungkot na iniwan ng panaginip mo sa'yo.” Sinalubong ko ang mga mata niya. Alam kong iiwas ko man ang tingin ko sa kaniya ay wala ng silbi. He already knew. He already noticed. Ilang segundong magkahinang ang mga mata namin hanggang ako na ang kusang nagbaba nang tingin. “May mga bagay na wala tayong kontrol at ang tangi lang nating maggagawa ay maniwala na balang araw may maganda ring mangyayari. Mayroong dahilan kung bakit hinahayaan Niyang mangyari ang bawat bagay. Kailangan mo lang matutunan iyon.” Wala akong makapang kahit anong salita kaya nanatili akong tahimik. Sa halip, bahagya akong lumapit sa kaniya at isinandal ang noo ko sa kaniyang braso. I just pressed my forehead on his upper arm, but it felt that his whole presence was enveloping me. It felt that he's already hugging me though he didn’t really move. Hinayaan niya lang ako sa ganoong posisyon. Hindi siya nagsalita at hindi rin niya ako hinawakan. Hindi dahil hindi kailangan kundi dahil presensiya niya pa lang, sapat na. “Thank you, Akane.” I said softly. Maybe, some dreams aren't meant to be told.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD