Chapter 39 “The Last Bet (Part 1)”

4901 Words

[AILA] Kalalabas ko pa lang ng bathroom ay dinig ko na ang malakas na tunog ng cellphone ko. ‘Sino naman kayang tatawag ng ganitong oras lalo pa at Linggo ngayon?’ ani ko sa isip habang nagpupunas ng buhok. Nag-shower ako kanina dahil ang init ng pakiramdam ko nang magising. Nagbabad ako ng matagal sa shower at kahit naka-bathrobe lang ay naupo na sa couch at nagbuhay ng tv. Wala akong gagawin maghapon, wala rin si Yume na pwede kong ayaing gumala at isa pa, sinabihan ko na si Brandon na dito lang ako sa kwarto maghapon. Tumigil na ‘yung tumatawag kaya hindi ko na pinansin ang cellphone ko. Sa halip, naghanap ako ng channel kung saan may magandang panoorin. Hindi pa ako nakakakita ng magandang channel ay tumunog na muli ang cellphone ko. Naiinis na inabot ko iyon sa table at tiningnan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD