[YUME] Nilaro ko ang ballpen ko sa daliri ko. Huling problem na nga lang hindi ko pa masagot. Naiinis na itinukod ko ang noo sa isa kong palad at tiningnan muli ang problem sa math. Dahil sa nangyari ay hindi ko natapos ang ilang araw na natitira bago mag semestral break. Bilang consideration ay binigyan kami ng mga teachers namin ni Aila ng home activities. Hindi naman siya gaanong marami pero ang goal ko ay matapos kaagad. Marami akong gusting gawin ngayong semestral break at siyempre kasama doon si Akane. Lihim ko siyang sinulyapan. Nasa unit ko kami habang ako’y nakasalampak sa blanket at naggagawa ng home activities ko ay nandoon siya sa table at nakaharap sa laptop niya. Inalis niya ang coat niya at itinupi hanggang siko ang gray long sleeve niya. Naka-medyas siya at suot ang

