Chapter 12 “The Escape”

2740 Words
[YUME’S POV] "Pero. Hindi ako marunong mag-drive,” laglag ang balikat na bulong ko sa sarili. “Paano kami aalis?” “Patay!” dinig kong sabay na wika ng kambal na marahil narinig ako. Nilingon ko sila. Gusto kong makasama sila kahit sandali pero heto at iniaasa ko kay Akane ang lahat. “Sumakay ka na, ate. Padating na siya,” manghang sabi ni Yona habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Napalingon ako sa direksyong tinitingnan ni Yona. “Akane...” hindi makapaniwalang bulong ko. Akane was about to run to our direction when one of the bodyguards grabbed him. But then, in one swift move he just easily jerked off the other bodyguard. Susuntukin din sana siya ng isa pa pero maliksi siyang nakailag bago nagpakawala ng isang malakas na suntok sa panga. Pipigil din sana ang guard pero mabilis na tumakbo si Akane papunta sa direksyon namin. At parang tumigil ang mundo ko nang sumulpot sa harap niya ang isa sa mga bodyguard at tinutukan si Akane ng baril. Hawak pa nito ang kabilang mata na inisprayan ko kanina. “H-huwag!” malakas kong sigaw. “Ibalik ni'yo sa'min ang mga bata.” Inilapit ng bodyguard ang baril sa mukha ni Akane. Nananatili namang kalmadong nakatigil si Akane. “Kamay sa taas,” matigas pang utos ng bodyguard. Akmang hahakbang ako palapit sa kanila pero matalim akong tiningnan ni Akane. I suddenly stopped and I think my heart also did. He never looked at me like that. He never looked at me with this kind of intensity. “Don’t come here, Miss Yume,” mariin niyang wika. “Manahimik ka. Kukunin namin ang mga bata, Miss Yume.” Sinulyapan nito ang mga kasama na halos magkangpipilay na tumayo. Hindi ko alam kung anong ginawa ni Akane sa kanila but for sure hindi masarap sa pakiramdam iyon. “Get inside the car,” Akane commanded. His face was intense, but his voice sounded calm. Sinalubong ko ang mga mata niya. Wala akong ibang makita sa mga mata niya maliban ang pagnanais na sumunod ako sa nais niya. Ilang sandali akong nagdalawang isip kung susunod pero nang mapagmasdan ko ang mga mata niya ay tila may sariling isip ang mga paa ko na sumakay ng kotse. His eyes were still intense, yet he looked at me like he was pleading me to follow him, to trust him. Sino pa nga bang aasahan ko sa mga oras na ito maliban sa kaniya? Pagkasakay ko ng kotse ay ibinalik ko ang tingin ko sa labas at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita tumatakbo na si Akane patungo sa amin. Paanong? “Wow! Ang galing niya!” sabay na bulalas nina Yona at Yuri bago nag-appear pa. Isang gawi na ginagawa nila kapag parehas silang may nagustuhang bagay o tao. Hindi pa ako nakakabawi ay wala sa loob akong napalunok nang makitang nasa semento na ang baril at hawak ng bodyguard ang kamay niya habang namimilipit ito sa sakit. “Seatbelt, please.” Humahangos na utos ni Akane nang makasakay ng kotse. Mabilis niyang binuhay ang makina at pinaandar ang sasakyan. “Mukhang susunod sila,” ani Yona. “Akong bahala, ililigaw natin sila,” kalmado at nakangiting pagpapakalma ni Akane. Lihim akong napakagat-labi. Lahat talaga gagawin niya para sa akin, sukat na ikatanggal niya sa trabaho. Lahat nang sabihin ko o maisip kong gawin ay gagawin niya. Pero hindi ito ang oras para mag-isip ng kung ano-ano, ang mahalaga ay makalayo kami. Kahit sandali lang gusto kong makasama ang mga kapatid ko. Gusto ko lang humingi ng tawad sa mga pagkukulang ko bilang ate at kapatid. Gusto kong bumawi sa mga kakulangan ko. At kung sakali man na ilayo muli sila sa akin, gusto kong malaman nila na mahal na mahal sila ng ate Yume nila. Umaandar na ang kotse nang magsalita si Yona mula sa backseat. “Ang saya nito!” masiglang ani Yona. “Kakaiba ka talaga, hinahabol na tayo masaya ka pa,” naiiling na saad ni Yuri. “Kumapit kayong dalawa diyan,” saway ko sa kanila. “Buti na lang dumating ka, ate Yume, nakaka-bored na sa mansion.” Tiningnan ko si Yona, “Nasa mansion kayo ngayon?” gulat kong tanong. Hindi ko maiwasang hindi makadama ng lungkot. Wala na ako sa mansion kaya pinabalik na nila ang mga kapatid ko, bagay na hindi nila ginawa kahit noong bago pa lang ako aalis. Iniisip ba talaga nilang igagaya ko sa akin ang mga kapatid ko? Sa isip ba talaga nina mommy ay ipapahamak ko ang mga kapatid ko? “Saan tayo kakain, ate?” biglang tanong ni Yuri na nagpabalik sa huwisyo ko. Hindi nakalingat sa'kin na pasimpleng sinamaan nito ng tingin si Yona. Napangiti ako. Malalaki na nga sila. “Ano bang gusto ninyong kainin?” “I want burger, fries, and milk tea,” masiglang sagot ni Yona. “Kahit ano ang akin, ate, ang mahalaga ay kasama kayo,” may masuyong ngiti sa labi ni Yuri habang nagsasalita. Pitong taon ang tanda ko sa kanilang dalawa kaya kahit papaano ay nakita ko kung paano sila lumaki. Hindi lang sa mukha at kilos nagkakaiba sina Yona at Yuri. Magkaiba rin sila sa mga gusto at kahit sa ugali. Likas na matapang at malakas ang loob ni Yona at kahit bata pa'y alam na niya kaagad ang gusto niya. At kapag ginusto niya hindi pwedeng hindi niya makukuha o gagawin. Mahilig din si Yona sa mga sports at sa mga gawaing may thrill, isa sa mga rason kung bakit madalas wala kaming tumagal na maid at bodyguard noon. Kabaligtaran naman niya si Yuri na tahimik at mas hilig magbasa ng mga libro. Marami halos kaming pagkakaparehas ni Yuri sa mga hilig pero sa ugali ay mas malambing at vocal siya. Umayos ako nang pagkakaupo at nilingon si Akane. “Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kaniya. Hindi ko maiwasang hindi mag-alala sa kaniya. Sandali niya akong sinulyapan at nginitian, “Oo naman, Miss Yume.” Gusto ko pa sanang magtanong pero naunahan na ako ni Yona. “Anong pangalan mo, Mister?” tanong ni Yona kay Akane. “Akane Weinhard, Miss Yona.” “Weinhard?” parang nag-iisip na ulit ni Yona. “Matagal ka na bang bodyguard ni Ate Yume?” tanong naman ni Yuri. “Mag-iisang buwan na po.” “Saang agency ka galing? Hindi mo kasi katulad iyong mga sobrang tatangkad at malalaki naming bodyguard.” Mahinang tumawa si Akane. “Special service lang po ang ginagawa ko.” “Ibig mong sabihin special si at—” “Yona!” I give her a warning look. Nag-peace sign sa akin si Yona. Masaya akong hindi sila galit sa akin at naggagawa pa nilang magbiro ng ganito. “May gusto ba kayong lugar na puntahan?” singit sa'min ni Akane. “Ang galing, wala na nga sila!” manghang bulalas ni Yuri habang nakatingin sa likod ng sasakyan. Tiningnan ko si Akane. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari, ni hindi ko napansin na nailigaw na niya ang mga bodyguard. “Hindi ba pwedeng kung saan ka nakatira, ate?” tanong ni Yona. Sinulyapan ako ni Akane bago ito nang sumagot sa tanong ni Yona."Paumanhin, Miss Yona, pero siguradong doon kayo unang hahanapin nila. Mas maganda kung sa lugar na matao at hindi nila iisiping nandoon kayo.” “Pero, wala akong alam na lugar na pwede nating puntahan muna,” ani ko. “Kami! Meron!” sabay na saad ng kambal. Nagkatinginan kami ni Akane at nagpalitan ng ngiti. “HINDI ba’t amusement park ito?” may pagtataka kong tanong habang nakasilip sa bintana ng sasakyan. “Uhuhhh!!” sabay na tugon ng kambal. Tiningnan ko sila. Ngumiti si Yona pero unang nagsalita si Yuri, “Kapag tumatakas kami ay dito kami nagpupunta.” “Pero, kung pumupunta kayo dito hindi malayong masundan din tayo.” Bigla ay nakadama ako ng pag-aalala. “Oppss! That’s a big no.” Lumapad ang pagkakangiti ni Yona na sinabayan pa nang pag-iling at paggalaw ng kamay. “Pumupunta kami rito pero doon kami nagpapahuli sa kabilang theme park.” Hindi ko napigilang tingnan ng masama ang kapatid ko. Lalaki pa atang tuso itong kapatid ko. Kaya pala may mas malapit na theme park na kaming nadaanan ay aayaw nilang bumaba doon. “Sigurado, matatagalan din bago nila matunton ang lugar na ito o ang mahanap kayo,” sabat ni Akane sa usapan namin. “Nauunawaan ko pero sana huwag niyong ugaliing tumakas palagi, ha.” Wala sa loob na napahawak ako sa noo ko. “Wala ako sa lugar para sabihin ito dahil itinakas ko din kayo kaso mga bata pa kayo at baka mamaya may mangyari namang masama sa inyo. Siguradong mag-aalala sina mommy at daddy.” Nagkatinginan sina Yona at Yuri. “Okay, ate.” “Salamat.” “PAGKATAPOS nating kumain ay sumakay tayo doon sa Anchor’s Away,” excited na suhestiyon ni Yona. “Palagi naman tayong sumasakay diyan,” wika ni Yuri. “Iba ngayon ha, kasama natin si ate,” irap ni Yona. “Oh, baka mag-away pa kayo. Kumain na lang muna kayo at pagkatapos sasakyan natin lahat iyan,” nakangiting wika ko. “Okay, ate!” Ibinalik ko ang atensyon sa pagkain ng ice-cream. Hindi sinasadya ay napatingin ako sa lugar kung nasaan si Akane. May kausap ito sa cellphone hindi kalayuan sa kanila. Tumayo ako. “Yona... Yuri, wag kayong aalis ha.” “Okay, ate.” Nagpatuloy ang kambal sa pagkain. Lumapit ako sa tindera at bumili ng isa pang cup ng ice-cream bago naglakad papunta kay Akane. Eksaktong ibinaba na niya ang cellphone nang mapalingon siya sa’kin. “Miss Yume,” bahagyang nagulat pa siya nang makita ako sa tabi niya. Hindi marahil nito napansin na lumapit na ako. Nag-iisip din kaya siya sa ginawa namin? Ngumiti ako at iniabot ang cup ng ice-cream na binili ko. “Hindi na kailangan—“ nag-aalangan niyang sansala sa akin na mabilis ko namang pinutol. “Kapag hindi mo ito kinuha, iiwan ka namin.” Nagmamaktol ang tinig ko at alam kong napaka-lame nang sinabi ko. Iiwan? Hindi nga ako marunong mag-drive. “Ayaw kong iwan mo ako kaya kukunin ko ito.” Inabot niya ang cup sa akin pero parang natulala ako dahil sa sinabi niya. Awtomatikong bumilis ang pagtibok ng puso ko. Bakit parang iba ang ibig sabihin noon? “Ayaw kong iwan mo ako…..” “Ayaw kong iwan mo ako…..” “Ayaw kong iwan mo ako…..” “Miss Yume...” Napakurap ako nang marinig ang tawag ni Akane. Mabilis kong binitawan ang ice cream na hawak na naming dalawa. “Salamat, Miss Yume.” “Walang anuman.” Nag-iwas ako ng mga mata sa kaniya. “Sino palang kausap mo?” pag-iiba ko sa usapan. “Si Brandon. May mga dumating sa Galleria na mga lalaki daw at hinahanap kayo.” Napabuntong-hininga ako. “Mabuti na lang pala at hindi tayo nagpunta doon.” “Hindi ninyo kailangang mag-alala, Miss Yume. Ako ang bahala sa inyo.” Hindi niya na kailangang sabihin iyon dahil ramdam ko namang hindi niya kami pababayaan. Ang hindi ko lang kayang tiyakin ay kung paano ko siya tutulungan pagdating kina mommy at daddy kapag nalaman nilang itinakas namin sina Yona at Yuri. “Salamat.” Nginitian ko siya. “Salamat sa lahat.” Ngumiti rin siya pero iba iyon sa normal na ngiti niya. Iba iyon dahil tila sumasabay ang kakaibang kislap ng mga mata niya. Minsan ko nang nakita ang mga ngiting iyon at tila ba nagiging malaking bahagi ko na ito. Halos nakatingala ako sa kaniya at hindi ko magawang ialis ang tingin ko sa kaniya. Nararamdaman ko na naman. Nararamdaman ko na naman ang kakaiba pero masarap sa dibdib na pakiramdam na iyon. Sa kabila nang ginawa namin ay wala akong makapang takot. Sa halip ay palagay ang loob ko. At mas payapa ako habang ganitong magkalapit kami, magkatitigan. “Ate Yume, tara sakay na tayo.” Napapitlag ako nang magsalita si Yona. Dagling inalis ko ang mga mata ko kay Akane at binalingan sina Yona at Yuri. “Sige.” Magkakasabay kaming naglakad habang nasa gitna namin sina Yona at Yuri. “Pwede bang kuya na lang itawag namin sa’yo?” tanong ni Yuri. “Oo nga, Kuya Akane...” pagtugon naman ni Yona. “Kung anong gusto ng mga binibini ay siyang masusunod,” magiliw na saad ni Akane. Sabay na naghagikhikan ang dalawa. "Ang lalim mo namang magsalita," tawa ni Yuri. Napailing na lang ako sa kanila. INUBOS namin ang buong oras na magkakasama sa pagsakay sa mga rides, pagkain ng mga paborito naming kainin dati kapag lumalabas, naglaro din kami sa booth game at kung ano-ano pa. Masaya akong makitang masaya at nag-eenjoy sina Yona at Yuri. Masaya din akong kahit sandali ay nakasama ko sila. Hindi na namin pinag-usapan ang dahilan kung bakit umalis ako ng mansion, kung bakit hindi na ako pinapayagan nina mommy at daddy na makita sila dahil para sa amin sapat nang nagkasama-sama kami. “Heto ang sa’yo, Miss Yona.” Iniabot ni Akane ang medium-sized na pulang teddy bear kay Yona at bumaling kay Yuri para iabot ang medium-size na pink teddy bear, “Ito naman ang para sa’yo, Miss Yuri.” “Salamat, Kuya Akane!” sabay na wika ng kambal bago niyakap ang mga teddy bear. Napagkaisahan ng kambal na paglaruin si Akane sa shooting booth at pare-parehas kaming hindi makapaniwala dahil wala man lang naging mintis ang bawat baril nito. Lalo kong napatunayan na hindi lang siya basta bodyguard. Hindi ko rin maiwasang mag-isip kung saan nga kaya siya nakuha ni daddy. “Walang anuman, mga binibini.” “Wala ba si ate Yume?” inosenteng tanong ni Yuri. Nagulat ako sa naging tanong ni Yuri at mas lalo akong kinabahan nang sumulyap si Akane sa'kin. Hindi siya nagsalita at hindi niya na kailangang magsalita dahil tila ang mga mata na niya ang nangungusap para sa kaniya. “H-hindi naman kailangan, sina—“ Natigilan ako nang pagsasalita nang walang sabi-sabing tumalikod ito at naglakad pabalik sa booth. Kinausap nito ang lalaki. Ilang sandali pa at naglalakad na ito pabalik sa amin, nakangiti at… “Wow!” mangha at gulat na gulat na sabay na wika nina Yona at Yuri. “Ang galing!” dugtong pa nila sabay nag-appear. “A-anong…” Hindi ko magawang magsalita habang palapit sa akin si Akane. “Para sa’yo, Miss Yume. Pasensiya na at inihanda pa nila kaya medyo natagalan.” “H-hindi mo naman kailangang bigyan ako.” Hindi ko maiwasang mahiya sa kaniya. “Para sa’yo talaga iyan, Miss Yume.” “P-pero...” “Ate, wag ka nang mahiya!” malakas na sabi ni Yona. Sinamaan ko nga ito ng tingin. Wala akong nagawa kundi abutin ang malaking white bear. Doble ang laki nito kumpara sa ibinigay ni Akane sa dalawang bata. Halos hindi ko na makita ang daan nang buhatin ko ito. Ganoon pa man ay niyakap ko ito nang mahigpit. Napakalambot niya at napapakabango at ang sarap niyang yakapin. “S-salamat.” Ikiniling ko ang ulo ko para masilip ko si Akane. “Para sa’yo, Miss Yume.” Kita ko sa mga mata niya na masaya siya. Naggagawa ko ba talagang pasayahin siya sa tuwing nagiging masaya ako? Wala akong ideya kung bakit ganoon ang epekto ko sa kaniya. Hindi rin ako sigurado kung ginagawa niya lang iyon bilang parte ng trabaho niya. Anuman ang dahilan, malaki ang pasasalamat ko sa kaniya. “Uyy, si ate!” “Yona!” “Namumula ka ate,” puna naman ni Yuri. Inirapan ko si Yuri pero sa halip na matakot ay sabay na tumawa sila ni Yona. Sumilay ang isang masaya at kontentong ngiti sa labi ko. Masaya ako sa kabila ng mga nangyari, kaya susubok uli ako. Alam kong hindi magiging madali pero dahil ngayong nauunawaan kong may mga taong nagmamahal sa akin, hindi na ako matatakot pang sumubok. “Yona... Yuri... Iuuwi na namin kayo kina mommy at daddy,” nakangiting pahayag ko sa kanila. Lumarawan sa kanila ang gulat at sandali akong tinitigan. “Okay, ate,” sabay nilang pagsang-ayon bago niyakap ako habang hawak pa rin ang teddy bear. Natawa na lang ako sa hitsura naming tatlo na hawak pa rin ang mga teddy bear.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD