When color blue touched the white canvas it’s as if the sky got down. When red touched the green background it seemed to create rose bushes. And, when you put down a light brush of faint yellow line, it started to complement with other colors, showing rays of sunlight.
Malapit ko nang matapos ang pini-paint ko. Ilang finishing touch na lang at pwede ko nang ihilera sa iba pang tapos ko na. Tumayo ako at kumuha ng panibagong paintbrush na mas maliit ang brush. Eksaktong paupo na uli ako sa harap ng canvas nang may kumatok sa pinto.
Tumingin ako sa orasan. It’s 11:15 in the morning.
Imposibleng dalahan ako ni Akane ng tanghalian ng ganito kaaga. Nag-aalangang tumayo ako at kumuha ng basahan para magpunas ng kamay. Tinungo ko ang pinto at binuksan iyon.
“Surprise!"
Hindi makapaniwalang nagpalipat-lipat ang mga mata ko sa sumalubong na mga nakangiting mukha nina Aila, Gem, at Ally. Nasa likod nila sina Brandon at Akane na parehas may nag-aalangang ngiti sa labi. Siguro ay sinabi ni Akane na may ginagawa ako, but knowing Aila, walang makakapigil sa kaniya. Mabuti na lang at patapos na ako.
Niluwangan ko ang bukas ng pinto. “Pasok kayo,” aya ko sa kanila.
“Baka nakakaabala kami?” tanong ni Aila.
“Miss—” Akmang magsasalita si Brandon ay kaagad itong sinamaan ni Aila ng tingin.
Hindi ko mapigilang mapatawa sa kanila. Sa ilang buwan kaming nagkakasama-sama ay wala pa rin silang pagbabago.
Tama. Ilang buwan na pala ako dito sa Galleria. Halos hindi ko napansin ang paglipas ng mga oras, araw, linggo at buwan.
“Hindi naman. Aayain ko ba kayong pumasok kung nakakaabala kayo?” pinasigla ang tinig na ani ko habang nakatingin sa kanila.
“Sabi sa inyo, okay lang.”
“It’s actually Aila's plan,” pambubuking ni Ally habang pumapasok.
“Yeah, gusto niya lang mang-raid ng kwarto para manood ng K-drama,” pagsang-ayon naman ni Gem.
Madalas nilang ginagawa ang bigla na lang dumarating sa unit ko. Noong unang beses na bigla na lang sila dumating ay halos hindi ako magkaintindihan. Hindi kasi ako magaling mag-entertain ng mga bisita. Mabuti na lang at nandoon din si Akane.
“Pasensiya na at hindi pa kasi ako nakakalinis,” despensa ko habang inaalis ang ilang gamit sa ibabaw ng couch. May sadyang part ako ng silid kung saan ako nagpe-paint kaya hindi naman masiyadong problema ang kalat.
“You’re room is actually clean compared to some artists I know.” Lumapit sina Gem at Ally sa ginagawa ko.
Tinulungan naman ako ni Akane at Brandon na ligpitin ang ilang canvas at brushes na nasa sahig. Si Aila naman ay binubuklat ang mga ibinabang plastic at pizza box nina Brandon at Akane. Mukhang mapapasabak na naman ako sa kakaibang marathon ng mga ito.
“Ang galing mo talagang mag-paint,” puri ni Ally habang tinitingnan ang iba pang natapos ko ng painting.
“Salamat,” tipid kong wika.
Pumunta ako sa lavatory at naghugas ng kamay. Inalis ko na rin ang suot kong apron habang pinakikinggan silang nagbibigay ng iba't ibang komento sa gawa ko.
Marahil, kung may isang bagay lang akong maipagmamalaki sa sarili ko, 'yon ay ang mga gawa ko. Noong una ay ayaw kong maniwalang magaganda sila, but mom and dad put some of my works in an auction before kung saan ang perang makukuha ay idino-donate sa mga orphanage. Hindi ganoon kalaki ang ibinabayad, but it’s a big help.
Pagbalik ko ng salas ay naka-upo na si Aila sa couch sa harap ng T.V. at nagpipipindot sa remote. Sina Gem at Ally ay nakaupo na rin sa tabi nito.
“Dapat talaga, nagsine tayo.” Nakapangalumbabang wika ni Gem.
“Yeah, but this will do,” ani naman ni Ally na itinaas ang paa sa couch at sumandal.
Lumapit ako kina Akane at Brandon na binubuksan ang box ng pizza.
‘Akala ko ba ay si Aila ang nag-aasikaso dito?’
“Need help?” tanong ko sa kanilang dalawa.
“Kami nang bahala dito, Miss Yume,” sagot ni Akane.
Hindi ako nagsalita, sa halip ay tumalikod ako at kumuha ng mga baso sa cupboard.
“Pasensiya ka na, Miss Yume. Dapat talaga ay magsisine sila pero pinatawag sina Matt at Nor kanina lang. Sasamahan sana sila ng ibang bodyguard pero ayaw namang lumabas nina Miss Gem at Miss Ally ng hindi 'yung dalawa ang kasama.” Pagpapaliwanag ni Brandon habang inaayos ang mga tinidor at platito. “Hindi rin namin kayo pwedeng iwan dito kaya sana'y ayos lang na nandito kami.”
“Wala namang problema sa'kin.”
Noong una ay hindi pa ako naniniwala na mahigpit ang seguridad ng Galleria.
Ngayon? Nauunawaan ko na. Kapag ganitong sama-sama kami, hindi pwedeng wala kaming kasamang bodyguard sa loob. Malaking bagay talaga na ka-close ng bawat isa ang mga bodyguard nila.
“Dadalahin ko lang ito doon.” Tumalikod si Brandon para dalahin ang pizza at mga platito kina Aila.
“Miss Yume—”
“Salamat at hindi mo sila pinigilang pumunta dito.” Inagaw ko sa kaniya ang bowl ng nachos at nakangiting tumalikod. Dama kong sinundan niya ako nang tingin, at nang lingunin ko siya'y umiling-iling na siya.
Sanay akong mag-isa. Sanay akong walang kasama pero simula namg makilala ko sila, natutunan kong mas masaya at masarap din pala ang may kasama, ang may kaibigan.
“Mukhang kakaiba ang magiging lunch natin ngayon.” Kumuha si Ally ng pizza at kumagat.
“Sira na naman ang diet ko nito.” Pinagpuputol-putol ni Gem ang pizza sa platito.
May dala silang dalawang box ng pizza—isang Hawaiian at Pepperoni. May dala rin silang mga nachos at juice.
“Guys, masarap iyan,” sayang-sayang wika ni Aila. Kumuha rin ito ng pizza at kumagat. “Iyan na! Makikita ko na naman ang aking asawa.” Halos umirit si Aila ng magsimula na ang palabas sa T.V..
“Sana na-inform siyang kasal siya sa’yo,” sarkastikong banat ni Ally.
Umupo ako sa tabi ni Ally. Bale ang posisyon namin ay si Gem, Aila, Ally at ako. Sina Brandon at Akane nakaupo at nag-uusap hindi kalayuan sa amin. Kung anong pinag-uusapan nila ay hindi ko alam. From time to time din ay nararamdaman ko ang tingin nila, lalo na ang mga titig niya.
“Saan siya nakakuha ng kopya?” tanong ko habang nakatingin sa T.V..
“Ewan diyan, namirata na naman iyan ng K-drama,” sagot ni Gem.
“Grabe kayo, ha. Excuse me. Netflix 'to,” titig na titig pa rin sa t.v. na sabat ni Aila.
“Mas marami sa Viu,” ani Gem.
Hindi na sumagot si Aila at titig na titig na sa pinapanood.
Ako? Nakikinood rin, pero kahit ilang beses ata nila akong papanoodin ng K-drama ay hindi ko gugustuhing maging katulad ni Aila.
“Waaahhhh! Ampoogii talaga ni LJS!” Malakas na bulalas ni Aila na sinabayan pa ng hampas sa katabing si Gem.
'Yeah, not gonna be like her,' bulong ko sa isip ko.
“Aila! Grabe ha. Kalalabas niya lang. Kakasimula pa lang. Baka lalo na kung maghubad iyan sa harapan mo, eh di hinimatay ka na.” Sunod-sunod na wika ni Gem na bahagyang lumayo na kay Aila.
Napatawa na lang kami ni Ally. Mabuti na lang talaga at kay Ally na ako tumabi. Nadala na ako noong unang beses kaming nanood. Namula ang braso ko sa kahahampas niya at pati tenga ko ay parang ilang araw na umiiging.
“Sorry naman, na-excite lang. Hehehe.” Nag-peace sign pa si Aila bago ibinalik ang tingin sa t.v..
Nagpatuloy kami sa panonood ng Kdrama hanggang maisipan kong tumayo.
“May kailangan ka, Miss Yume?” Nagulat ako ng biglang magsalita si Akane.
“Kukuha lang ako ng tubig,” sagot ko.
“Ako na lang ang kukuha.” Nagpunta kaagad si Akane sa kitchenette. Bumalik naman ako sa pagkakaupo ko. Mamaya lang ay nagbaba si Akane ng pitsel sa table. Sinalinan niya ang mga baso ng tubig. Uminom ako habang si Ally naman ang umabot ng baso ng tubig.
Ilang sandali pa ay si Ally naman ang umiinom ng…
“Waaahhhh! Hubby! Umalis ka diyan mamamatay k— aray!!”
Sabay-sabay kaming nagtawanan nang bigla na lang hampasin ni Ally si Aila.
“Grabe ka, Ally, mapanakit,” nakangusong saad ni Aila.
“Ako pa ang grabe? Muntik na akong masamid sa pagsigaw mo, ha.”
“Oppss, sorry.” Dahan-dahan ay kunwaring umayos ng upo si Aila, inayos ang buhok at nagpa-beautiful eyes kay Ally. “Hindi na. Last na 'yon.”
“Masamang ehemplo ito sa lipunan natin," umiling-iling na sabi ni Ally.
“Tama ka. Kung makikita ka na nagkakaganiyan sa lalaki, humanda ka sa mga magulang mo,” pananakot ni Gem.
“Sus, eh, sa tv lang naman may ganiyan. Sa dami ko ng nakilalang lalaki sa mga party, wala pa akong nakitang kasing hot ni Ljs.” Parang nangangarap na pahayag ni Aila na sinabayan pa nang pagkurap-kurap ng mga mata.
“Kaya ikaw, Yume, wag kang masiyadong magpapadala dito kay Aila. Hindi lahat nang sinasabi at ginagawa nito ay maganda.” Kunwa’y pagpapa-alala sa akin ni Ally.
Ngumiti lang ako sa kaniya. Hindi niya ako kailangang sabihan. Nakikita ng dalawang mga mata ko ang maaaring kahinatnan.
“Oy, sobra ka ha.” Bumaling sa akin si Aila. “Gwapo naman talaga si JS di'ba?” tanong sa akin ni Aila.
“Ha? Ah, siguro...” Napalingon ako sa tv. Maganda ang mga mata niya, parang kay Akane at 'yung ilong niya, maganda rin ang pagkatangos at ‘yung labi parang…
I pressed my lips together. This getting weirder. I’m comparing him now in the other man.
“Nagka-boyfriend ka na ba, Yume?” Nabalik ang atensyon at tingin ko kay Aila.
“Ha?” Para akong nasukol na pusa dahil pati sina Gem at Ally ay nakatingin sa akin na para bang naghihintay ng sagot.
Bukod doon, dama ko ang pagbabago ng presensiya ng paligid.
“Okay, alis tayo sa boyfriend at nauunawaan ko." Nakahinga ako nang maluwag pero hindi pa pala siya tapos magtanong. "Nagka-crush ka na ba?” tanong pa ni Aila.
“C-crush?”
Napalunok ako. Wala akong matandaan maliban kay… Pinigil ko ang sarili kong huwag lumingon kay Akane.
“Kung ano-anong itinatanong mo kay, Yume, eh wala ka din naman.”
Noon lang ako nakampante nang magsalita si Gem.
“Tsee. As if naman kasing makakapag-boyfriend tayo.”
Ibinalik ni Aila ang tingin tv.
Walang nagsalita sa amin. Alam namin ang ibig niyang sabihin. We could have someone but just for a while. Dahil, once na nag-click na ang orasan namin, wala na kaming maggagawa kundi ang pakasalan ang lalaking simula pa ata noon ay itinakda nang mga pamilya namin.
At hindi ko maiwasang hindi malungkot. Dati, wala pa akong pakialam pero ngayon... parang nag- iba na.
I don’t want to marry a man I don’t love.
“I’m actually dating someone,” Gem blurted.
Napalingon kami sa kaniya. She’s intently looking at TV, but the glint in her eyes seemed to be dancing.
“Talaga?” manghang usisa ni Aila.
“Yeah.”
“Daya, bakit hindi namin alam?” Nakasimangot na tanong ni Aila.
“Jack Harper...” mahinang sambit ni Ally pero sapat na para madinig namin.
Napakunot-noo ako. “Hindi ba't siya ang tagapagmana ng Harper Holdings? Marami silang pag-aaring bangko hindi lang dito sa bansa pati na rin sa ibang bansa.”
Walang anumang tumango si Gem.
“Pero…” Nagulat na lang kami ng bigla na lang tumayo si Aila at humarap kay Gem. “Huwag mong sabihing ‘yong Jack Harper, na may malaking salamin na halos takluban na ang buong mukha na 'yon ang pakakasalan mo?” malakas na tanong ni Aila.
“Nagpa-contact lens na siya!” irap ni Gem kay Aila.
Naglipat-tingin ako kina Aila at Gem.
“Hindi pa sure 'yun. Wedding interviews pa lang ang ginagawa nila.” Pagpapaliwanag ni Ally habang seryosong nakatingin kay Aila.
“It’s a date. Ang sama naman kapag wedding interviews.” Nakangising pagtatama ni Gem.
“Sana all, gusto ang ipakakasal sa kanila.” Nagdadabog na bumalik sa pagkaka-upo si Aila.
“Bakit? May prospect na ba ang parents mo?” tanong ko.
“Wala pa.” Bigla ay parang na-down ang tinig nito.
“Why bother?” pang-aasar ni Ally.
“Look, I’m not going to marry a man na hindi ko naman mahal," matapang na pahayag ni Aila.
“Papanindigan mo iyang mga sinasabi mo, ha," hamon naman ni Ally.
“Sadya.”
Tinitigan ko si Aila. Kahit nagtatapang-tapangan siya ay hindi nakalingat sa akin ang kislap ng lungkot sa mga mata niya.
“May nagugustuhan ka ba, Aila?” wala sa loob na tanong ko.
Kita kong tila namula ang magkabilang pisngi niya.
“Ha? W-wala!” mabilis niyang sagot.
“Bakit namumula ka?” biro ni Gem.
Inilapit din ni Ally ang mukha niya kay Aila. “Oo nga, namumula ka.”
Hinawakan ni Aila ang magkabilang pisngi niya.
“H-hindi, ah. Sadya namang pinkish ang cheeks ko.”
“Hindi. May iniisip ka talaga?” Lalo pang lumapad ang ngiti ni Gem.
“W-wala nga,” tanggi pa rin ni Aila na lalong ikinapula ng mukha niya.
Nagsisimula na rin akong matawa sa kaniya.
“Tigilan ninyo akong tatlo, ha.” Humahalukipkip na ingos ni Aila. “Wala nga sabi akong gusto kahit kanino maliban kay JS baby ko.” Ngiting-ngiting si Aila sabay turo sa tv na diretso pa rin sa pagpe-play. At sa pagkakataong ito ay nakahubad na ang pang-itaas ni LJS
“Nice abs…” Lalong lumapad ang ngiting anas ni Aila sabay taas ng remote.
“Aila!” sabay-sabay naman naming saway sa kaniya nang i-pause niya ang video.
[Aila’s POV]
Padapa akong bumagsak sa kulay pink na couch ko. Wala naman kaming ginawa maliban sa tumawa, kumain, at magkwentuhan pero pakiramdam ko ay napagod ako.
Niyakap ko ang malambot na throw pillow at isinubsob doon ang mukha. Narinig ko ang pagsara ng pinto at ang mga yabag na palapit sa akin.
“Miss Aila, magpalit ka ng damit, bago ka pa makatulog diyan.” Narinig kong utos ni Brandon pero nanatili akong nakasubsob sa unan.
“Miss Aila..” tawag niya sa akin.
“Hhmm...” tanging ungol lang isinagot ko sa kaniya.
Naiinis ako kapag masiyado siyang bossy.
Naramdaman kong naglakad siya palayo. Hindi pa rin ako kumibo. Madalas mas gusto kong manawa na lang siya sa pagbabantay at pag-aalaga sa akin. Mas gusto kong mainis na lang siya at umalis. Mas gusto ko iyon.
'Gusto ko nga ba?’
Ilang segundo ang lumipas bago ko naramdamang nasa tabi ko na naman siya. Ilang sandali pa at…
“Wahhhh! Ano ba?” Gan’on na lang ang gulat ko ng may marahan pero mahigpit na humawak sa magkabilang braso ko at ibinangon ako. “Ano ba?” malakas kong angil habang iniuupo ako ni Brandon.
Nanatiling seryoso ang mukha nito at hindi man lang nagsalita. Ganito naman siya palagi, kahit anong tantrums ko ay kaya niyang tiisin. Seryoso lang siya palagi.
“Ano bang problema mo?” tanong ko nang kinuha niya ang unan na hawak ko.
“Hindi kaya ikaw ang may problema, Miss Aila?”
Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Madalas kapag gusto ko na siyang manawa sa akin ay lalo akong nagtitigas-tigasan ng ulo, pero wala siyang gagawin maliban sa sabihan ako o sundin na lang ako.
“Ikaw ang may problema,” nakaismid kong sambit sa kaniya.
Umiling-iling ito bago ibinaba sa tabi ko ang isang t-shirt. Tiningnan ko lang iyon at humalukipkip.
“Naka-airconditioned ang buong kwarto ni Yume, hindi ako basang pawis.”
“Alam mong hindi iyan ang ibig kong sabihin, Miss Aila. Sa lakas ng mga irit mo kanina, sa sobrang gaslaw mo, at sa dami mong kinain kahit naka-aircon pa ang isang kwarto—”
Bago pa siya makatapos ay pinutol ko na agad ang mga sasabihin niya.
“Minsan, iniisip ko kung ama ba kita at palagi ka na lang ganiyan. Tsaka, bakit ba? Eh, ano kung malakas ang irit ko—”
“Miss Aila...”
Natigilan ako ng marinig ko ang warning tone sa boses niya. Ginagamit niya sa akin ang paraan nang pagsasalitang iyon kapag malapit na siyang mainis. But, it wouldn’t effect on me this time.
“Bahala ka.” Tumayo ako. Doon ako hihiga sa kama ko.
“All I’m asking is to change your clothes.”
Hindi ko siya pinansin. I know, I sounded childish, but it is me. Naiinis ako sa kaniya kapag masiyado siyang maalaga. Naiinis ako dahil alam kong ginagawa niya lang 'yon dahil part iyon ng trabaho niya.
“I'll change, later. Just leave.” Dumiretso na ako sa kama ko at akmang hihiga ng pigilin niya ako sa braso ko.
“I know you won’t.”
Natigilan ako nang mapagtanto ang madilim na anyo ni Brandon. Kahit madalas ko siyang inisin, hindi ko siya nakitang ganito.
“B-Brandon...”
Nagulat ako nang iharap niya ako sa kaniya.
“A-ano ba?” Kunwa'y matapang kong banat kahit na ang totoo ay medyo kinakabahan na ako.
“Hindi ka magbibihis kahit umalis na ako. Hindi ka magpapalit hanggang sa makatulog ka na diyan. Kaya...” Tumigil si Brandon sa pagsasalita at tumingin sa baba.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang niyang hawakan ang laylayan ng suot kong blouse. Itataas na niya 'yun pero mabilis ko siyang itinulak.
“Hoyy! Anong gagawin mo?” Malakas kong sigaw sa kaniya habang nakayakap ang braso ko sa katawan ko.
“Bibihisan ka,” kalmadong sagot nito na para bang ang sinasabihan ay bata lang.
Nagbago na rin ang ekspresiyon nito. Bumalik na sa normal na tahimik at parang walang pakialam na Brandon.
“Nababaliw ka na ba?” Hindi ko maiwasang hindi maeskandalo sa pinagsasasabi niya.
Hindi siya sumagot, sa halip ay humakbang palapit sa akin. Napaatras ako.
“Hanggang diyan ka na lang. Wag kang lalapit.”
“Kailangan mong magpalit,” giit niya habang palapit pa rin.
“Anong palagay mo sa akin, bata?” tarantang tanong ko.
“Iyon ang nakikita ko.”
Humakbang pa rin siya palapit hanggang maramdaman ko ang night table ko sa likod ko.
‘Darn, no escape!’
“A-ako na. Promise, magpapalit ako. Makikinig na ako sa'yo.” Mabilis kong pangako sa sobrang taranta.
Tumigil ito sa paghakbang. “Nagkakaunawaan naman pala tayo, Miss Aila.” Pagkasabi noon ay tumalikod na ito.
Pakiramdam ko ay nanlaki ang ulo ko sa inasal niya. Ganoon na lang iyon?
Inaasar lang ba niya ako?
Sa inis ko'y kinuha ko ang mga unan ko sa kama at ibinato sa kaniya. Tumama iyon sa likod niya dahilan para tumigil siya pero inis na ako kaya wala na akong pakialam kung magalit siya.
“Nakakainis ka! Nakakainis ka!!” Binato ko ulit siya nang binato ng unan hanggang maubos ang unan ko sa kama. Kinuha ko naman ang mga stuffed toys ko at 'yun naman ang ibinato ko.
“I hate you! I hate you! Umalis ka na! Wag ka nang babalik!” Sunod-sunod kong sigaw sa kaniya. “A-ayaw ko na sa'yo!” Napasigok ako. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
Nanghihinang napaupo ako sa carpeted na sahig. Isinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko. Ang sakit, ang sakit sakit. Masakit na ang lalamunan ko sa kakasigaw, pero mas masakit na kahit ilang taon na kaming magkasama ni Brandon, ang nakikita lang niya ay ang Aila na kailangan niyang bantayan.
Kailangan ko pang palaging magpapansin sa kaniya.
Kailangan ko palaging magkunwari na iniinis siya para lang kahit saglit, kahit minsan, mag-iba ang tingin niya sa akin.
“Miss Aila…” Naramdaman ko ang presensiya niya sa harap ko at hinawakan ako sa ulo.
“Go away!” Malakas kong sigaw at pinalis ang kamay niya.
“Hindi. Dito lang ako.” He said in a low but serious voice.
“I'll cut the contract. H-hindi mo na kailangan pang pagtiyagaan ang pagiging isip bata ko.” Mariin kong sambit habang nakasubsob pa rin sa tuhod ko.
“No. Hindi mo iyan gagawin, Miss Aila.” Matigas at mariin ang paraan niya ng pagkakasabi ng mga salitang iyon.
Dahan-dahan niyang iniangat ang mukha ko. Mabilis kong iniiwas nang tingin ang mata ko. Ayaw ko siyang tingnan. Matatalo na naman ako.
“Ako ang masusunod. I'll ask a woman instead.” Mariin kong sabi habang nakatingin sa kama.
“No. Ako lang ang pwedeng magbantay sa'yo, Miss Aila. Ako lang ang pwedeng mag-alaga sa'yo. Walang ibang pwedeng pumalit sa posisyon ko.”
Marahas ko siyang tiningnan.
“Sino ka sa akala mo?” Ang dapat malakas kong pagkakasabi ng mga salita ay naging mahina at parang bulong sa hangin.
Kung gaano kaseryoso ang tinig niya habang nagsasalita ay siya din namang seryoso ng mukha niya.
“I’m yours, no matter what,” mariin niyang saad habang titig na titig sa mga mata ko.
Hindi ko magawang magsalita. Hindi ko rin magawang tumutol kahit nang hawakan niya ako sa likod ng ulo ko.
“Hindi ako aalis sa tabi mo. Wala akong pakialam kahit isip-bata ka pa o kahit palagi kang naiinis sa akin. Mananatili ako dito at kailangan mong pagtiisan iyon.” Ang kaninang seryoso niyang tinig ay naging mahinahon at malumanay.
“S-sinasabi m-mo lang iyan.”
Nagmumukha na naman akong bata sa harap niya. Akmang tatayo ako para makalayo sa kaniya pero mabilis niyang napigilan ako. Tuluyan na akong napaupo sa sahig. Gamit ang kaliwang kamay ay hinapit niya ako palapit sa kaniya samantalang ang kanan niyang kamay na nakahawak sa likod ng ulo ko ay humapit palapit sa kaniya. As if in cue, napapikit ako.
“Miss Aila…” Dahan-dahan akong nagmulat. His forehead was on mine. His eyes were closed, as if he’s treasuring every single moment. “Dito lang ako sa tabi mo hanggang lumaki ka pa o hanggang ikasal ka pa. Kung ayaw mo talagang magpakasal,” mahinang tumawa siya, “sasamahan kita papuntang Korea para hanapin 'yung Koreanong hilaw na 'yun at pakasalan ka.”
Napahikbi ako. Bwiset talaga itong lalaki na 'toh.
Nakikinig pala siya.
“Hindi naman siya ang gusto ko!” Marahas akong lumayo sa kaniya dahilan para mapamulat ito.
Maang niya akong tiningnan bago ngumiti ng peke.
“Nakakainis ka talaga!” malakas ko pa ring sigaw bago sumubsob sa dibdib niya.
“Miss Aila...”
Mahigpit akong kumapit sa kaniya.
‘Hindi sila ang gusto ko. Ikaw ang gusto ko.’ Gusto kong isigaw sa kaniya pero hindi pwede.
Naramdaman kong niyakap niya ako at marahang hinaplos sa likod. He's always like this. He always took care of me. Ako lang lagi ang first priority niya.
Miss Aila...
'Ako si Miss Aila para sa'yo. Kailan ba ako magiging si Aila lang.’
Maybe at this moment, tama ng muna ang ganito. Magiging masaya na muna ako ng ganito.
And as it went by, my feelings for him would surely kept on growing. But, that would be a girl’s thing and a secret.
*****