Chapter 33: Mysterious Guests “If you cannot love me, please love my baby.” Bakit ang sakit? Ang sakit ng paki-usap ni Benjo. Bakit nga ba sila humantong sa ganito? Masyado bang naging matigas ang puso ni Tasha para tiisin ang lalaking nagmamahal sa kanya ng lubos? I’m sorry Baby. Forgive Mommy. Galit na galit lang ako sa tatay mo dahil ilang taon niya ‘kong niloko. Pero mahal kita. Mahal na mahal, Baby. Diyan ka lang sa loob ng tiyan ni Mommy hanggang pwede ka nang lumabas. Sorry Baby ko. Mahal na mahal ka ni Mommy. I really don’t mean what I said. Nabigla lang ako. Hindi matigil sa pag-iyak si Tasha habang hinihimas ang tiyan at kinakausap ang anak nila ni Benjo. Nakahiga lang siya sa kama simula nang umuwi siya galing trabaho. Tasha! Tasha! Anak! Are you ok? Dumadagundong ang kat

