Chapter 32: I Hate You, Goodbye “Ako ang ama ng batang ‘yan. Hindi ako papayag na ilalayo mo siya sa akin.” Kapwa natigilan sina Benjo at Tasha sa tagpong ‘yon. Napa-iwas ng tingin si Benjo. Hindi niya kayang tignan ang lumuluhang mga mata ni Tasha nang mag tama ang kanilang mga tingin. Ang pagkakasala na matagal na niyang kinimkim sa puso ay sa wakas naipagtapat niya na rin. “Ikaw? Ikaw ang anino sa panaginip ko?” Sinubukang hawakan ni Benjo ang kamay ni Tasha para iparamdam kung gaano siya nagsisisi pero iniwas nito ang sarili bagkos ay nakatikim siya ng sampal sa kaliwa niyang pisngi. “Masarap ba ? Huh, Mr. Karudo?” “Sorry—” Isa na namang sampal ang natanggap ni Benjo wala naman siyang magawa kundi tanggapin lahat ng galit ni Tasha. “Masaya ba? Masaya ba na niloloko at pinagl

