Chapter 39: Trouble and Proposal “I’m so sorry Misty. Hindi ko alam kung paano hihingi ng tawad. Sorry is not enough. Isang napakalaking kasalanan ang paasahin ka sa wala. Ang totoo niyan, kinalimutan na kita.” Isang mahigpit na yakap ni Rex para kay Misty habang nakahiga sa kama. “Bakit ka ba kasi umalis?” humihikbing tanong ni Misty. “Kasi…” Biglang gumaralgal ang boses ni Rex. Hindi inaasahan ni Misty na magiging emosyonal si Rex ng tulad no’n. Kilala niya kasi itong matatag at palaban. Kumalas ng pagkakayakap si Rex at tumihaya ng higa, tinatanaw ang kisame na nanlalabo na dahil sa luhang pumapatak mula sa kanyang mga mata. “Uy Rex, are you ok?” “Kinausap ko ang Mahal na Hari at Reyna—” “Si Amang at Inang?” Napabalikwas si Misty at siniksik ang sarili sa dibdib ni Rex. Tinit

