Chapter 40: Hidden Enemy “Nagkakagulo na po sa EZq, puro na media ang nag hihintay sa lobby.” Nanginginig na sabi ng bagong sekretarya ni Benjo na si Freya over the phone. “Nasa lobby? Mga media? Sinong nagpapasok?” bulyaw ni Benjo sa kabilang linya. Kung nasa anyong engkanto lang sana siya ngayon ay mangangatog na sa takot ang mga taong ‘yon. Ang masaklap, nasa anyong tao siya at hindi pwedeng magpalit kaya wala siyang control sa mga bagay-bagay at kailangan niyang mag hunos-dili sa lahat ng kanyang desisyon at gagawin. “Ah ah Sir, ako po?” nauutal na sagot ni Freya. Kahit sa telepono lang ay ramdam na ang takot niya. “What!” Tumataas na ang presyon ng dugo ni Benjo. “Kasi Sir… Kasi Sir Saturday ngayon wala masyadong tao sa office –“ “That’s it! Saturday ngayon, anong meron? A

