Chapter 41: Love Spell “What the hell…” Hindi alam ni Tasha kung ano ang mararamdaman nang mahuli si Benjo at ang wirdong sekretarya nito na naglalampungan sa ibabaw ng mesa. Ayaw sanang maniwala ni Tasha sa kanyang nakikita. Hindi ‘yon kayang gawin ni Benjo sa ibang babae. Pero nasa harap niya na mismo ang katibayan. Ang hubad na katotohanan. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Benjo nang makita ang sarili na nakahubad ng pang itaas at naka ibabaw sa… kanyang sekretarya? Bakit? Paano? “Freya? What the f**k are you doing in my bottom?” sigaw ni Benjo sa gulat at lumundag mula sa workig desk niya. “Sir, huwag po! Huwag po! May kiliti ako d’yan,” sabi ni Freya na puno ng pang-uuyam at humalakhak nang humalakhak dahil sa kanyang ginawa. Tinakpan pa niya ang kanyang dibdib ng dalaw

