Chapter 44: Wish “Papalayain mo ba ‘ko kung mag mamaka-awa ako sa’yo?” Matiim na tanong ni Benjo kay Freya. Nakatingin lang ito sa mga mata niya ng buong pag nanasa. “Hindi kita kayang mahalin, Freya. Si Tasha lang ang mahal ko. Mas nanaisin ko pang maging alipin habambuhay o patayin mo na lang kaysa mag mahal ng ibang babae.” Bumangon na si Benjo at iniwan si Freya na tulala at umaagos ang mga luha. Hindi alam ni Benjo kung hanggang kailan siya makakawala sa itim na diwatang ito o kung makaka- wala pa ba siya. Si Rex na lang ang pag- asa niya. Alam niyang hahanapin siya nito kahit saan sulok man ng mundo. Kahit pa sa Bundok Tralala, Bermuda Triangle, Atlantis, at Biringan ay hahanapin siya ni Rex. Kaunting paghihintay at pag titiis na lang, makaka- laya rin siya sa malungkot na k

