Chapter 45: Turn Back Time Ang mahiwang puting liquid na ‘yan ay luha ni Benjo. Hindi basta-basta lumuluha ang hari ng mga engkanto, Tasha. Matinding emosyon, paghihirap, pighati, at kalungkutan ang kailangan bago mo mapapa- iyak ang isang hari. Kapag nilunok mo ‘yan kahit ano ang ‘yong hilingin ay matutupad. Mahabang paliwanag ni Rex. Sa kalagitnaan ng pag-uusap nila ni Tasha, biglang bumukas ang pinto. “Rex! Tasha!” Nabaling ang atensyon ng dalawa sa dumating. “Mom!” sigaw ni Rex. Hindi siya makapaniwala na nasa harap niya ngayon ang kanyang ina na bihag ni Freya. “Paano ka nakatakas?” tanong ni Rex habang yapos ang kanyang nawalay na nanay. “Bigla ko na lang siyang natagpuan sa kama mo,” sagot ni Misty na nasa likuran ni Mrs. Karudo. “Mist! Anong ginagawa mo rito? Dapat nag

