Finale Tasha’s POV Matinding kapit sa bote ng mahiwagang puting liquid ang ginawa ko. I have to hold on to it, as if it costs my one and only precious life. Binuksan ko na ang bote para matapos na ang lahat ng kahibangan ni Freya at mapalaya na si Benjo. “Tasha! Hinding-hindi mapapa sa’yo si Benjo! Walang talab sa akin ang hiwaga ng puting liquid! Mas makapangyarihan ang itim kong mahika!” Wala akong pakialam sa galit ni Freya. Mas mahalaga sa akin ang kaligtasan ni Benjo. Agad kong nilunok ang isang patak ng mahiwagang puting likido pagkatapos ay pikit- mata kong hiniling na nawa ay mawala na ang itim na kapangyarihan ni Freya at luminis na ang kanyang puso na nababalutan ng kasamaan; ng inggit, galit, pag hihiganti, at obsesyon kay Benjo. Mas matibay ang pananampalataya kong mail

