X'S POV Katabi ko ang isang malaking puno, na halos katapat lang ng kinauupuan ni Raydon ngayon. Kitang-kita ko ang mga ngiti nya, at kitang kita ko ang pagkakayakap ni Ice sa kanya kanina! Tangina! Gusto kong maramdaman ang yakap ng babaeng 'yun, at ako lang dapat ang niyayakap nya. Anong meron ka at malapit sayo ang babaeng mahal ko? Fvck. Inilabas ko ang cellphone ko bago dinial ang number ni Ice. Matagal-tagal na din ng huli kaming nakapag-usap. "Oh?" sagot nya. "Having fun with Imperial, huh?" sarkastiko ang tono ng pananalita ko. 'Yun lang naman ang best way para itago ang inis na nararamdaman ko. "Anong pake mo?" "Ha, sa tingin mo ba nakakatuwa ang ikinikilos mo sa harapan ko?!" "Kailan mo'ko papatayin?" Bahagya akong natigilan sa sinabe nya. Naalala ko tuloy yung threath a

