LAEWEIUS' POV Nagising ako dahil sa init ng araw na tumatama sa paa ko. Dito na pala ako nakatulog sa HO namin. "Oh? Gising ka na pala boss!" aga aga ang ingay ingay na naman ni Ace, bwiset parehas lang sila ni Tommy. Agad naman akong napabangon ng kumati bigla ang likod ko, dali-dali kong hinubad ang suot ko bago iharap ang likod sa malaking salamin na nandito. Putek! Puro pantal na ang likod ko, nyemas na Eicey! "Bakit parang pulang-pula yang likod mo boss? Nakipagkalmutan ka ba? RawR!" pang-aasar ni Tommy. Sa inis ko ay ibinato ko sa kanila ang mga librong nandito sa book shelf. Lecheng mga 'to! Parang mga engot, makati na nga at mahapdi! "Baka ng 'no dre? Nako boss, wild mo ah HAHAHAHAHAHAHAHA!" bwiset! Hindi ako nakatulog ng mahimbing dahil dito sa likod, makati pa rin yung k

