ICE'S POV Saturday. Maaga akong nagising, o sabihin na nating hindi naman talaga ako nakatulog dahil sa mga nangyare kagabi. Flashback Iniwan ko sina Sia na nakaupo sa may garden at magpapahangin lang daw muna sila ng bigla ay makarinig ako ng kaluskos habang naglalakad ako, at may makabangga na lalaki. "Sorry miss," usal nung lalaki, salubong ang direksyon namin kaya imposibleng sya yung sumusunod sakin. Tumango nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad pero napansin ko ang bag na hawak hawak nung lalaki. Bag ng laptop at sa 'di malamang dahilan ay bigla akong nabalisa, munit dama ko pa din yung nasa likod ko habang naglalakad. 'May sumusunod sa akin.' Hinayaan ko lang at hindi nagpahalatang alam kong andun lang sya sa likod ko, lumugar ako sa maliwanag na daan tsaka inaninag ang anin

