RAYDON'S POV
'I'll make you suffer'
Tutal nasa pila naman si Ace, lumapit din ako do'n ng hindi nya napapansin. Umorder ako ng juice tsaka spaghetti at syempre pinadagdagan ko 'yun ng sauce.
"Pre tama ba tong nakikita ko? Si Raydon? Wah! Ang gwapo!"
"Nakapila sya at ang lapit-lapit sa akin shemayy!"
"Pwede ba kitang makamayan man lang? Huhu! I love you Raydooon!"
Sigawan nila at nakaisip naman ako nang isang idea. Maiingay lang din naman kayo, edi gagamitin ko nalang yang nararamdaman nyo.
"Uhm, hi?" bati ko muna sa kanila at halos himatayin na naman silang nagtititili bago ko sila senyasan na quiet lang dapat at baka marinig sila ni MS. HUMALIKSALUPA!
"OMO! DID HE JUST SAY HI TO ME?" nagwawalang tanong nung isa habang kunwari ay naghihingalo na.
'OA amp! Beltukan kita d'yan eh! Kung 'di ko lang talaga kailangan ang tulong nyo 'di ako lalapit eh! Ang gugulo, tch!'
"Hmm, can I ask for your help?" nahihiya pang tanong ko sa kanya, dun sa babaeng nagsalita kanina.
"Yes naman! Ano ba 'yun babe?"
'Babe? Wth? Yak!'
"Patirin mo'ko ng mahina pag papalapit na ang babaeng yon oh! Ha? Salamat" nakangiting sabi ko at natameme nalang 'yung babae dahil siguro nginitian ko sya.
'Ang gwapo gwapo mo talaga Raydon! Tch! Sobrang gwapo mo pero bago 'yan handa na ang plano ko! Goodluck na lang sa kan'ya.'
Napangisi ako sa isiping 'yon at naghanda na sa gagawin kong kalokohan or should I say? Sa pagganti ko sa pananapak n'ya sa akin. Hindi ako makapapayag na gano'n gano'n na lang ang pagtatapos ng away namin, habang tumatagal at mas dumadalas ang pagtatagpo ng landas naming dalawa ay mas dumarami rin ang atraso n'ya sa 'kin! Hindi ko pwedeng palampasin ang mga 'yon, hinding hindi!
ICE'S POV
Ang lakas ng trip anung gunggong na lalaking 'yon! Lagyan ba naman ng mantika 'yung daan? Anong kabobohan 'yon? Tss.
'Pasalamat sya at sapak lang ang ginanti ko sa ginawa nya. May pag ka siraulong gago din eh 'no.'
"May damit ka?" tanong ko kaya Sky. Sclare Yvan talaga ang pangalan n'ya pero sky nalang. Parehong sya din naman 'yon.
"Anong tingin mo sa suot ko?" sarkastikong anya naman. Isa pa 'tong siraulo eh.
'Magsama sama nga kayong, mga abnormal pare-pareho'
"Extra kasi," maikling sabi ko.
"Ah eto meron! 'Di naman kasi nililinaw eh! Jusmeyo!" nakakairita talaga ang boses nento akala mo laging may kaaway eh! So kasalanan ko pa pala?
Binigay n'ya naman sa akin ang isang maluwag na T-Shirt. Umalis naman ako agad ng walang paalam para magbihis sa banyo. Namantikaan na kasi ang damit ko dahil dun sa isip-batang lalaki kanina na akala mo 12 years old lang para mangtrip ng gan'on.
'Intindihin nalang naten Ice, baka may saltik talaga iyon sa utak'
Nagbihis naman ako ng mabilisan lang, buti nalang towel ang dala ko ngayon kaya nagpunas muna ako ng katawan. Daig ko pa nagpahilot sa dami ng langis sa katawan ko. Ang lagkit sa pakiramdam, kinginang 'yan.
Pagkalabas ko naman ng CR ay andon si Sky at nag-aabang sa akin at binigyan ako ng nagtatakang tingin pero syempre in a maarte way.
'Lagi naman'
"Oh?" tanong ko sa kanya.
"Kilala mo 'yon?" kunot noo nya namang tanong sa akin at wala pa din akong pinakikitang ekspresyon sa kanya. Wala naman kasing kwenta yung tanong n'ya.
"Inde."
"Eh bakit ka ginanon? Ano 'yon tinopak lang?"
"Siguro."
"Ba't 'di ka lumaban?"
"Sinapak ko na 'diba?"
"Oh, tapos?"
"Pumasok na tayo."
Pagpuputol ko sa tanong n'yang walang saysay bago nauna nang maglakad. Tinuro n'ya na din naman ang room namin kaya ando'n na ang bag ko. Talagang nagpalit lang ako ng damit bago mag-umpisa ang klase. Sabe sa schedule ko 8:00-10:00 am ang unang klase ko at pagkatapos no'n break time na.
"Anong unang subject?" tanong sa akin ni Sky pag kaupo namin. Nasa likod ko s'ya at wala naman akong intensyon pang kilalanin ang ibang nandito, it will be just a waste of time.
"Math." bulong ko at nanahimik na lang.
'Nakakatamad namang magsalita hays'
-
"Oh! We survive the first subject Ice!" takteng bibig 'yan lagi nalang nakasigaw.
"Tumahimik ka nga. Tch!" naiinis na sabi ko at ngumuso naman s'ya sa akin kaya sinamaan ko nalang s'ya ng tingin. Nakapila na kasi ako dito sa cafeteria bago ang daming estudyante tapos s'ya puro pabulyaw ang mga sinasabe. Naririndi ako!
"Anong sa'yo!?"
'Ano 'to? Pati tindera mainit din dugo sa'ken? Mga may sapak yata talaga tao dito sa university na'to, tsk!'
"Tuna sandwhich at isang mango shake," sagot ko at saka inabot ang bayad. Nauna naman ng maupo sa lamesa si Sky at baka mawalan daw kami ng mauupuan pagdating ng ibang students. Pabalik na ako ng biglang,
PLOK!
Humagis sa mukha ko ang isang box na spaghetti at ang isang basong juice ay tumapon sa damit na kakapahiram lang sa akin ni Sky.
'The hell? Anong trip na naman 'to?! Don't tell me---'
Dahan-dahan kong ibinaba ang spaghetti na nakatapal sa mukha at tinignan kung sino demonyo ang naghagis no'n. At nakita ko na naman ang mukha ng lalaking naglagay kanina ng mantika sa daan.
'Ano ba talagang trip ng lalaking 'to? Mantrip ng mga kagaya ko? Nakakaubos sya ng pasensya! 'Pag ako nainis, babasagin ko ang pagmumukha ng lalaking 'yan'
"What the hell is your problem?" blankong sigaw ko sa kan'ya habang nakatingin ng masama diretso sa mga mata n'ya.
"Ops sorry! Natalisod lang ako oh!" maang-maangan pang sabi n'ya. Anong tingin n'ya sa'kin uto-uto? Para paniwalaan ang kalokohan n'ya? Gago!
Nakita ko na s'yang tumalikod at dahan-dahan nang naglalakad papunta sa upuan nalang magkaibigan. 'Yung lalaking nakita ko din kaninang umaga. Kaso naalala ko nga pala na may in order akong mango shake at puno ng yelo.
Pinagpagan ko muna saglit ang damit ko atsaka bumwelo para ibato ang cup na medyo binuksan ko na para sumirit sa kanya pag saktong bagsak nito.
'1...'
'2...'
'3...'
Ibinato ko iyon ng buong pwersa papunta sa pwesto nya at,
BOOM SAPUL! HAHAHAHAHA!
Napangisi nalang ako sa ginawa ko habang s'ya naman ay galit na tinignan kung sino ang bumato sa kanya.
'Pero sayang pa din 'yung shake ko! 50 pesos din 'yon tsk! Peste ka kasing kapre ka!'
Bago ako umalis sa harapan n'ya ay sinigurado ko munang nag-aalab na sya sa inis para masaya, 'diba? Kinawayan ko pa s'ya habang nakatalikod at pumunta kung nasaan si Sky.
"Bruh! 'Yung damit ko!" reklamo nya naman at napabuga nalang ako ng hininga tsaka s'ya niyaya na lumabas na. Baka atakihin na naman ang kapreng 'yon at bigla kaming sugurin dito. Madamay pa si Sky sa kalokohan nya, tss!
"Ang lakas talaga ng amats ng lalaking 'yon Ice! Nakakagigil, tignan mo 'yang damit ko. Huhu!" parang batang inagawan ng laruan si Sky ngayon dahil sa pagmamaktol. Ya know she's kinda isip bata! Parang juice lang naman nasa damit n'ya, puro nga sauce ng spaghetti ang mukha ko! Leche!
"Mauna ka na do'n. Susunod nalang ako." paalam ko atsaka naghilamos muna sa may banyo. Kakalinis ko lang kanina eto na naman ngayon.
'Ilang beses pa ba ako dapat maghilamos at magpunas ng katawan ko? Grr!'
Pagkatapos no'n ay napilitan na akong pumunta sa dorm ko, na hindi ko naman alam kung saan. Actually, 'yung lugar na kinatatayuan ng University na 'to, hindi ko talaga alam ang saktong pangalan. May kalayuan din dahil 8 hours kaming nagbyahe para lang makarating rito. And I didn't expect na kung ga'no kataas ang standards ng school, gano'n naman kababa ang ugali ng mga students. They're all useless and stupid.
'Sa'n nga ba ulet 'yung dorm ko? Badtrip 'di ko na naman matandaan! Hmm, 242 ba 'yon? O 142? Basta may pangalan naman ata 'yon eh!'
Una kong naisipan puntahan ang room 142 at tinignan kung do'n nga ba ako pero hindi. Kay Sky palang dorm iyon.
'Sigurado akong mangungunsumi ang magiging dorm mate ni Sky dahil sa kadaldalan n'ya haha.'
Umakyat naman ako sa 3rd Floor para tignan 'yung Room 242. At sa wakas nakarating na din ako. Nakakahingal umakyat sa hagdan langhiya.
'Bakit kaya walang elevator dito? Anlaki-laki naman ng University at hanggang 7th Floor pa. Ano 'yun puro lalakarin lang? Kingina!'
Kahit medyo hinihingal pa ako ay kumatok na'ko sa pintuan. 'Di rin nagtagal ay nagbukas iyon, isang magandang babae ang s'yang nakatayo ngayon sa harap ko. Well, mas okay sana kung tumabi nalang s'ya.
"Hi! Ikaw ba si Elai?" tanong n'ya pagkapasok ko ng hindi manlang s'ya nililingon. Kumuha ako ng damit at tuwalya sa cabinet na nandito sa labas, nahahati iyon sa dalawa. 'Yung sa kabila ay puro fancy na damit kaya alam kong hindi aken 'yun.
"I would prefer Ice," sabi ko at tsaka naglock na ng kwarto. Gusto ko nang maligo, nanlalagkit na ako sa katawan ko. Walang magandang nangyare sa umaga ko, kasi talaga naman! Kapre ka! Ansarap mong patayin ng wala sa oras, nakakagigil.
-
Halos dalawang oras din pala ang breaktime namin, dahil alauna na ang next class ko.
Pagkalabas ko ng kwarto ay mga nakahain na pagkain sa lamesa, mukhang niluto nitong dorm mate ko kaya lang, napakarami naman ata? 'Di naman s'ya mukhang malakas kumain.
"Andyan ka na pala Ice! Tara kain na tayo." nakangiti pang yaya n'ya at hindi naman na ako sumagot. Umupo nalang ako and like just what she said, kumain kaming dalawa.
"So? Bakit dito mo napili mag-aral? Ang dami dami namang ibang University dyan eh! Bakit dito pa?" 'yung dorm mate ko.
'I'm not sure kung bakit nagagawa n'ya pang itanong sa akin ang bagay na 'yan, napakalakas din talaga ng loob n'ya kung gano'n.'
"Ayaw mo?" sa isip ko ay nangingisi na ako sa kan'yang inaakto,
"Ahm hindi naman sa gano'n, nagtataka lang ako. Kasi andami namang pwede d'yan ih. Hmm, by the way sinendan ka lang din ba ng letter?"
"What letter?" tanong ko bago sumubo ulit ng kanin.
Akala ko ay si Sky lang ang ganyan, at akala ko din swerte nako na hindi ko sya ka-dorm pero mukhang mas gugustuhin ko pa atang s'ya ang kasama ko dito ngayon. Tsk
"Para s'yang, ay mali basta green card s'ya then black 'yung tinta sa loob."
'Hmmm, 'yun ba 'yung pinadala sa akin nina Lanie? 'Yung invitation para pumasok dito? Baka 'yun na nga 'yon'
"'Yung invitation?"
"Ahh 'yun oo, 'yun nga! So chosen student ka din pala?"
"No,"
"Then why they gave you that letter?"
"Because it's my will to enter this University and they can't do anything about it" saktong pagkasabi ko no'n ay pagtayo ko para hugasan ang pinagkainan ko. 'Di ko na sya tinignan pa at pumasok nalang sa kwarto.
'Inaantok pa'ko. Wala na naman akong maayos na tulog simula pa kagabi. Nakakainis! Puro nalang kasi GW eh. 'Di na ako makapagpahinga.'
Ilang pag-iisip pa at tinamaan na din ako ng antok sa wakas.
-
-KRINGGG! KRINGGG!-
NAGISING ako dahil sa malakas na ringtone ng cellphone ko. Dapat pala sinilent ko nalang.
Kinuha ko iyon atsaka chineck ang caller's ID. Walang nakalagay. Kumurap-kurap muna ako dahil pakiramdam ko ay naalimpungatan ako. Kung kelan naman masarap na ang tulog ko tsaka may tumawag. Ang ganda ng timing promise!
'Unknown number, huh?'
"Yes?" tugon ko do'n sa naghehello sa kabilang linya. Sino naman kaya 'tong gunggong na nang istorbo ng masarap kong tulog? At ipapamasacre ko na! Langya.
"Malapit na ang katapusan mo, Ice" nakailang hikab ba ako bago magising at mapangisi ng makilala ang boses ng lalaking ito.
'I knew it'
"Talaga ba?" parang namamangha pang tanong ko, may pagka sarkastiko din para naman maasar s'ya.
"'Yang kayabangan mo, ang papatay sa 'yo."
"Tsk!"
"Ano? Naduduwag ka na ba? Akala ko ba matapang ang isang gaya mo? Ha?"
"Hatdog."
"Seryoso ako sa sinasabe ko sa'yo! Papatayin kita. Ako mismo ang kikitil dyan sa buhay mo!"
"Do it."
"What?" sigaw na tanong at mas napangisi naman ako.
"I said do it"
"Do what?"
'Slow amp!'
"Kill me or else..."
"Or else what?"
"I'll kill you." diniinan ko ang bawat bigkas sa mga salitang 'yon bago ibinaba ang tawag. Nakangisi naman akong napaisip kung ga'no sya kagaling para malaman pa din talaga ang number ko.
'Kakapalit ko palang ng sim card ah? Alam nya na agad? That's kinda amazing though.'
Itinago ko na sa bulsa ko ang cellphone nang makita kong 12:40 na pala. 20 mins nalang at mag-uumpisa na ang klase ko. Wala na din naman si---ano ngang pangalan no'n? Kyle? Ba't panlalaki? Hayaan na.
Naglakad na ako pabalik sa room ko ng bigla kong makasalubong si Sky na may bitbit bitbit na cookies.
"Hoy," tawag ko sa kanya at nakangiti naman s'yang lumapit sa akin. Wala ata talagang sumisira sa mood ng babaeng 'to kahit kailan. Laging natawa, laging nakangiti at laging maingay!
"Bakit?" nakangiti pa ding tanong n'ya sa akin at ayaw ko mang sirain ang napakaganda n'yang mood ay kailangan kong sabihin sa kanya 'to'.
"He called me."
"Who?"
"HE" pagdidiin ko pa sa salitang he at doon unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi n'ya. Alam kong alam n'ya na kung sino ang tinutukoy ko.
"Actually I'm also have something to say. Black Death Gang are going inside this University to find you!" seryosong usal n'ya habang nakatingin sa mga mata ko kaya bigla naman akong nagtaka.
'Black Death Gang? Ano namang kinalaman ko do'n? Nababaliw na ba sila? Dito pa talaga sa loob ng University? They must be really crazy!'
"Kailan daw?" seryoso ding tanong ko. Kailangan ko mapaghandaan ang araw na'yon. Hindi sila pwedeng manggulo sa loob ng University na'to. At hindi nila pwedeng guluhin ang buhay at pagkatao ko dito bilang matinong estudyante.
'Pero matino nga ba ako? Parang mali yung word na ginamit ko. Bilang magtitinong estudyante pala dapat.'
"Next week Ice. Friday na ngayon!" tila nag-aalalang wika n'ya. Alam kong alam n'ya talaga ang dahilan kung bakit ito pa ang University na pinasukan ko. Lumayo na nga ako, nahahanap pa din talaga.
Kung bakit ba naman kasi may mga tao na hindi marunong tanggapin ang pagkatalo, wala naman ng magagawa ang paghihinagpis mo. Natalo ka na, at hindi mababago ng pagkapanalo mo ang katotohanang natalo ka na. Talunan ka pa rin kung tutuusin, kaya bakit ipapahiya mo pa ulit ang sarili mo? Katangahan naman na ata ang ginagawa nila. Alam nila kung anong kakayahan namin, at ang lamang no'n sa kanila.
'Kailan ba sila titigil? 'Pag napatay ko na sila isa-isa?'
Tinanguan ko na lamang s'ya at saka dumiretso sa room. Dinig na dinig ko naman ang mga chismisan nila tungkol sa akin at sa ginawa ko doon sa may sira sa ulo na lalaki kaganina.
"Sya 'yon 'diba? 'Yung naglakas loob na hagisan ng mango shake si Papa Raydon?"
"Oo sis sya 'yan, 'di na nahiya ang kapal ng mukha gusto lang naman nyang mapansin sya eh"
"Tama ka! Nako pag ako 'di nakapagpigil sasabunutan ko ang babaeng 'yan!"
'Edi sabunutan mo!'
Wala na talaga siguro silang ibang alam kung 'di ang magpaka trying hard fan ni kapre! Ansama-sama naman ng ugale. 'Di ko naman sila pinansin at yumuko nalang sa desk ko.
'Inaantok pa din talaga ako sa totoo lang pero pinipigilan ko ang sarili kong mabadtrip dahil lang sa kulang ako sa tulog! Tss!'
Nagsiupuan naman na ang lahat ng maayos nang mapansing andya'n na ang teacher namin. Umayos na rin ako ng pagkakaupo dahil ayokong masita, kota na ako ngayong araw at 'di pa ako nakakatulog ng ayos.
-
Simula 1-5 puro Science lang ang itinuro sa amin! Shemay, dahil sa kulang ako sa tulog hindi gumana kaganina lahat ng brain cells ko. Wala tuloy ako naintindihan maski isa. Napakamalas naman ng first day ko.
Nakakunot ang noong iniligpit ko ang bag ko bago itext si Sky.
To: Sky
Magkita tayo dito sa tapat ng building namin. May pag-uusapan tayo.
-Ice.
Itinago ko naman na ang phone ko tsaka lumabas na ng tuluyan sa room namin. 'Di na siguro mawawala ang paulit-ulit na bulungan ng mga studyante rito about sa'kin kaya bakit ko pa papatulan, 'diba? Sila lang din naman ang magsasayang ng laway kakadada.
Ang bilis ng oras 5:30 na agad at ang dilim na. Inaantok na talaga ako kaya binilisan ko na ding maglakad at baka ando'n na si Sky. Pero napahinto ako ng makita ang dalawang nagtatalong grupo sa harapan ko. At dumapo ang paningin ko sa isang pamilyar na mukha,
'Aien!?'
'Di ko inaasahan na dito ko pa pala s'ya makikita ulit. Pero ano namang ginagawa nyan dito? Tsk!
Tinignan ko ang asta nang dalawang grupo, lahat sila ay may dalang dagger.
'Pwede pala 'yan dito?'
Napangisi nalang ako dahil sa isipin na 'yon. Mukha silang baguhan sa paggamit no'n dahil ultimo hawak ay mali pa sila. Yung sa kabila ay naka all black at kulay red ang hawakan ng dagger at may nakaukit pang apoy dito. Sa kabila naman kung nasaan sila Aien ay ginto ang hawakan ng dagger at may nakaukit na Phoenix.
''Di kaya gang ang dalawang 'to? Aba't dito pa talaga sa loob ng University sila mag-aaway? Gusto na ba talaga nilang madrop-out?'
Napailing nalang ako sa naisip ko na hindi man lang sila nag-iisip. Puro sila gan'yan tapos sabay hindi kayang harapin ang consequences ng ginawa nila at imbis na magsisi, nagmamaktol pa! Ayos 'diba?
Nilagpasan ko nalang sila at inis na umikot sa mas malayong daan. Tinatamad pa naman akong maglakad tapos hahara lang sila sa daanan ko? Damn!
Halos mag a-alasais na akong nakarating sa tapat ng building namin, at ando'n na nga si Sky. Nakaupo sa isang bench, tumabi naman ako sa kan'ya.
"Oh, bakit parang ang tagal mo ata?" baling n'ya sa akin at binigyan ko nalang s'ya ng 'basta-look' kaya 'di naman na s'ya nagtanong pa.
"I saw Aien here..." tanging sabi ko at gulat naman s'yang napatingin sa akin.
'Dapat pala 'di ko nalang sinabe, OA na naman ang reaction nento panigurado pero 'di ko naman s'ya masisisi dahil kahit ako ay medyo nabigla din'
"Saan? Kailan? Tska bakit s'ya andito?"
"Hindi ko alam."
"Eh? Saan mo ba s'ya nakita? Tara puntahan na natin!" excited na sabi nya at tatayo na sana ng tignan ko sya ng masama. "Gusto ko lang naman makita si Aien eh..." nakangusong usal nya.
"Gusto ka bang makita?" pang-aasar ko pa at natawa naman ako ng lalo pang humaba ang pagkakanguso nya. "Joke lang eto naman"
"Sabi ko sa'yo 'diba? 'Wag ka na magjojoke! Mapanaket lahat ng joke mo eh! Badtrip ka!" nagmamaktol na sabi n'ya atsaka ako pinaghahampas.
'Lokaret na babae talaga 'to! Bigwasan kita dyan e makita mo!'
"He's on a fight," natigilan s'ya sa kanyang ginagawa nang sabihin ko 'yon. Bahagya pa ngang nanlaki ang mga mata n'ya.
"ANONG FIGHT!?"
"Ang OA mo. I don't know if it's GW pero grupo sila at s'ya ang leader no'ng isang grupo. He didn't see me."
"Eh? Pa'no mo naman nasabing GW 'yon?"
"They have daggers with their hands," lalo atang nanlaki ang mga mata n'ya dahil sa sinabe ko bago ako kinurot sa tagiliran. "Aray! Ano ba?"
"Siraulo ka talaga eh 'no? May hawak silang mga dagger tapos pinabayaan mo lang si Aien do'n?"
"Oh, anong gusto mong gawin ko? Magpakamatay para sa kan'ya?"
"Baliw ka talaga! Wala kang puso!"
"At ako pa talaga ang walang puso? Bakit 'di kaya sya ang tanungin mo kung may puso pa ba s'ya o wala na! Che! Nakakaurat ka!" Sabi ko bago s'ya iniwanan dong nagsisisigaw at isinusumpa na ata ako. Hindi ko na din tuloy nasabi ang dapat na dahilan kung bakit ko s'ya pinapunta do'n. Tsk!
TO BE CONTINUED...