CHAPTER THREE.

3004 Words
ICE'S POV Nagising ako dahil sa tama ng sikat ng araw sa binti ko. Tahimik pa naman kase hindi pa masakit ang init sa paa ko. Kumuha naman ako ng towel at naligo na. Habang naliligo ay hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano ano, kahit anong pilit kong 'wag na isipin pa ay kusang napasok sa kukote ko, tuloy ay hindi ko napansin na ang tagal ko na pala sobra sa loob ng banyo.  Iniisip ko kung bakit kaya ngayon lang s'ya ulit nagparamdam? At ano kamo? Papatayin nya'ko? Joke ba 'yun? Tsk. "Ice, gising ka na ba? Tara kain na tayo!" tawag naman sa akin ni, teka ano nga pangalan n'ya? Damn, kung pwede ko lang sana s'yang tawagin sa totoo n'yang pangalan. "Ge, wait lang." sagot ko pabalik saka tinapos ang pagbibihis ko. Nakamaluwag akong t-shirt as usual at isang jogger pants na kulay itim. 'Black is my favorite color actually.' Kagaya nang inaasahan paglabas ko ay handa na lahat ng pagkain sa lamesa. May pritong itlog, hotdog, ham at sinangag na kanin. "Ikaw nagluto?" tanong ko dahil baka mawirduhan naman s'ya sakin kung bakit 'di ako masyadong nagsasalita. "Bakit hindi ka ba nakain n'yan?" nalulungkot na usal nya at ngumiti naman ako. Kaya nabuhayan ang mukha n'ya. "Nakain ako. Tara, kain na..." Pagkatapos naming kumain ay sabay na kaming lumabas. 7 daw kasi ang umpisa ng klase n'ya samantalang ako ay 9. Masyadong matagal pa dahil 6:30 pa lang naman ngayon. Nagpaalam na s'ya sa'kin na hihiwalay nang tatahaking daan at tumango nalang ako. Habang naglilibot-libot sa paligid ay naisipan kong ilagay muna ang bag ko sa loob ng locker ko. Inilabas ko naman muna ang susi do'n mula sa bag ko atsaka nagpunta ro'n. Pagkabukas ko ng locker ko ay isang black card ang napansin kong nandoon. "Hala may black card na kaagad s'ya 2nd day palang n'ya ah?" "Oo nga eh!" "Ayan kasi masyadong bida-bida," "Kawawa sya ngayon sa gang nina Raydon!" 'What the hell did I just freakin' heard? Kawawa ako sa gang? Sa isang gang?' Napapikit nalang ako sa inis at tsaka itinapon sa basurahan ang card na 'yon bago padabog na inilagay ang gamit ko sa locker at umalis na. Lumayo na nga ako para hindi na madawit pa sa kahit anong gang, gang na 'yan. Gusto ko naman nang makapagtapos! Lagi nalang akong dinidikitan ng mga gang kahit sa'n ako magpunta, nakakaurat na! Sa sobrang pag-iisip ko ay hindi ko na namalayan kung san na'ko napadpad. Pero 'dibale na sobrang aga pa naman kaya wala akong dapat intindihin. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid at mukhang nasa isang garden ako ngayon. Garden ng mga armas. Bawat pader ay may mga nakasabit na baril, iba't ibang klase. May mga bomba din at tsaka dagger. Meron pang espada and ang pinagtataka ko? Lahat 'yon tunay at hindi pang display lang. 'Sa'n naman kaya nila gagamitin ang mga 'to? Tsaka bakit nga pala in a allowed nalang magdala ng armas ang mga students? Tf? Anong klaseng University ba 'tong napasukan ko?' Nahigit ko ang making hininga nang maramdaman ko ang isang matalas na dagger sa gilid ng leeg ko. Kahit 'di ko man makita alam kong nakabaon na ang dulo no'n ng kaunti sa aking leeg. "Sino ka?" ramdam ko ang pagkaseryoso ng boses n'ya at kung ga'no s'ya katalim tumingin sa akin. Nasa likod ko s'ya pero sigurado ako sa nararamdaman ko. Hindi ako sumagot sa kan'ya at walang emosyong nakatayo lang din. Ayokong gumalaw, kahit pa kaya kong makatakas sa pagkakahawak nya. Alam n'yo kung bakit? 'Kasi tinatamad ako' Mas idiniin n'ya pa ng onti ang dagger tsaka nagsalita ulet. "Sagutin mo ang tanong ko! Or else papatayin kita!" naiinis nang usal nya kaya naman napasinghal ako dahilan para bitawan n'ya ako ng padabog at tumalsik ako sa sahig. 'Mukhang kapalaran ko na siguro talaga ang makaharap sila...' "Bingi ka ba? Tinatanong ko kung sino ka 'diba?" sigaw sa akin ng isang medyo matangkad na lalaki, moreno at may hitsura. Kung sa ibang babae sya na yung tinatawag nilang gwapo kuno, tsk. "Ikaw sino ka ba?" nakangising tanong ko sa kanya, ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa at konting salita ko ay alam kong 'di na sya magdadalawang isip na saktan ako. 'War freak' "I'm Z." pagsagot nya ng diretso sa tanong ko at tumayo naman muna ako bago magpagpag. Puro alikabok na din kasi ang sahig, nadumihan pa tuloy ako. "Ahh," mapang-asar na tugon ko sa kanya. Nag-iigting na ang mga panga nya dahil sa galit at pag kaasar sa akin. 'Bakit ba kung sino pang mga lalake sila pa 'tong mabibilis mapikon? Hanep! Bilib ako sa inyo, mas babae pa kayo sa babae!' "Anong ahh? Tinatanong kita kung sino ka 'diba!" "Eh sa ayaw ko sagutin eh..." "What the---sinusubukan mo ba talaga ako?" "Hindi." "Spy ka 'no?" 'Napraning na ata amp! HAHAHAHA ako mukhang espiya?' "Wth? Lalabas na'ko!" sabi ko pero pilit n'yang hinaharangan ang dadaanan ko. Nag-uumpisa na tuloy umakyat ang dugo ko sa ulo. Pag 'yan 'di umalis sa harapan ko, tatama 'tong kamao ko sa mukha nya. Sisiguraduhin kong papango yang ilong n'yang ubod ng tangos! Damn!  Humahapdi na ang sugat sa leeg ko kaya mas naiinis na tuloy ako. "Gusto mo bang mamatay ng maaga?" nakangisi nyang tanong sa akin. Nakabrace sya ng pula, pero naiinis pa din ako sa kanya. Porque andito ako? Susugatan nya na'ko sa leeg? Abnormal talaga! "Ikaw? Gusto mo?" seryosong tanong ko sa kan'ya na mas lalong nagpalawak sa nakangisi n'yang mga labi. "Stop smirking, it doesn't suit you." wika ko bago s'ya binangga ng malakas sa balikat at nilagpasan s'ya. Nakita ko naman s'yang napaupo sa sahig at inihagis ang isang dagger patama sa paa ko ngunit mabilis ko iyong nailagan. Hindi ko inaasahan na makakaharap ko s'ya ngayon. Hindi man kami pantay ng lakas ay may inubra din naman si Zephyr, ngunit ang ibang mga nagyayabang sa loob ng University na 'to ay wala pang kaalaman kung gaano kalalakas ang mga gangster sa labas. Dahil sa nangyare napilitan tuloy akong pumunta sa banyo at icheck kung gano kalalim ang sugat na natamo ko sa leeg. Mababaw lang pala yon pero humahapdi masyado. Kinuha ko naman ang panyo at alcohol ko sa locker tsaka tinapunan ng sandamakmak na alcohol ang leeg ko at tinapalan ng panyo. Pahaba ang sugat sa leeg ko kaya naman nagtuloy-tuloy din ito sa pagdudugo. Dumiretso na lang ako sa library para makatulog tutal iilan lang ang nakikita kong students na pumaparoon. - Gaya ng inaasahan ko, tahimik nga ang loob nento at madaming bakanteng lamesa at upuan kasi wala namang katao-tao. Napangiwi naman ako ng maramdaman ang biglang pagkirot ng sugat ko. Sanay naman na akong masugatan, pero hindi ibig sabihin no'n ay kaya ko ng tiisin ang ano mang sakit, hindi ako si WonderWoman, at higit sa lahat tao lang ako, walang kapangyarihan. Kadalasan kasi ng tingin ng ibang tao sa akin ay gano'n, malakas lang at walang kahinaan, pero sa tutuusin ay meron din naman, mas common pa nga sa kahinaan na meron sila, 'yon nga lang ay wala silang ideya na ang isang Ice na gaya ko ay gano'n ang kahinaan.  Sigh. 'Buti nalang talaga at hindi ako inabot ng saltik. Hindi ko na pinatulan ang baliw na lalaking 'yon. Pero aaminin kong masakit talaga ang nasa leeg ko...' Umupo ako sa pinakadulong upuan sa likod ng mga 3 helera ng mga libro. Doon ako pumikit at nag-umpisang dalawin na naman ng antok. RAYDON'S POV Flashback "Oh dre anong nangyare sa'yo?" natatawang tanong sa akin ni Ace. Nauna pala s'yang makaupo do'n sa upuan namin. Habang ako ay eto naliligo sa mango shake! 'Bwiset talaga ang babaeng yon! Sinusubukan talaga kung hanggang saan ang makakayanan ko ha? Tignan lang naten!' "Gawa 'yan nung baguhan na Ice ata ang pangalan. 'Di takot sa kanya e, edi nakahanap s'ya ng katapat..." pagpapaintindi naman ni Tommy kaya Ace at sabay silang natawa nung sinulyapan ako. "BAHALA NGA KAYO!" bulyaw ko sa kanila at saka nag walk out. Kailangan kong magpalit ng damit badtrip! Amoy maasim na mangga na ako. Wala akong ibang nagawa kundi maglakad papunta sa dorm ko! Pinagtatawanan tuloy ako ng madaming tao dahil sa hitsura ko ngayon! End of Flashback 'Napahiya ako dahil sa babaeng 'yon! At ngayon kailangan n'yang magbayad sa ginawa n'ya sa'kin!' Sigaw ko sa isip ko bago humithit ng sigarilyo. Kumpleto kami ngayon dito sa loob ng base namin. If it's still confusing? Let me explain. This University ay pag mamay-ari naming mga Imperial. Pero hindi ito basta bastang University lang. Pwede ang gangs and guns/bombs/daggers or kung ano pang panglaban. Sang-ayon sila sa mga 'yon dahil sa pagkakaalam ko gusto nilang makita kung sino ba talaga ang malalakas. Kada taon may binubuong 7 Gangs at syempre iba-iba ang leader no'n! And for this year isa ako sa napiling maging leader dahil nakagraduate na ang pinsan ko na dating leader ng gang na'to. I'm Raydon Luey Imperial, malamang kilala n'yo na kasi sinigawan ako ni Tommy kahapon 'diba? Oh ye! So let's continue sa discussions. Yung pitong leader sa bawat gangs ang tinatawag na 7 Kings. Kahit pa maging babae ang leader, King pa den ang tawag. Pero kasi dahil bihira lang ang nagiging babaeng leader. Pwede naman din ang Queen, nakadepende na 'yon sa kanya kung anong gusto n'yang itawag sa kan'ya. At bilang isa sa 7 kings, may karapatan kaming gumawa ng mga batas dito sa loob ng University! 7 batas na galing sa bawat isa sa amin. 1. Bawal makipag-away ang mga m'yembro nang nag-iisa lang. Kailangan nasa tatlo silang mag-aaway. 2. Bawal ang pakikipag-away ng oras ng klase. 3. Bawal manakit ng babae sa kahit ano pang dahilan liban sa pagganti sa leader ng sagot o kilos.  'Yang ang batas na ginawa ko ay para masiguro ko ang kaligtasan ni Myles kahit pa hindi na kami.' 4. Igalang ang 7 kings kagaya ng paggalang sa Dean. Dahil halos magkapantay lang naman ang pwesto nila. 5. Lahat dapat ng lason na gagamitin ay may kaakibat na antidote na pwedeng makuha sa isang condition. Posibleng gawin na condition. 6. Bawal nakawin ang dagger ng bawat grupo kung hindi ka din naman isa sa kanila. 7. Isang beses lang dapat humingi ng kahilingan. Iyan ang pitong batas sa loob ng University. Hindi kabilang d'yan ang bawal pumatay dahil... 'Yun ang kaisa-isahang parusa sa lahat ng lalabag sa pitong batas na iyan. At isa pa, kapag isang leader ang lumabag dyan ay torture ang gagawin, papahirapan muna bago patayin' Mabilis na namang naupos ang sigarilyo ko! Ano ba naman 'yan! "Boss? Kelan mo nga pala balak saktan yung babaeng 'yon?" tanong sa akin ni Troy. Bumalik pa tuloy sa isip ko ang babaeng 'yon! Nakakaurat ba naman kasi, ayaw ko sanang suwayin ang ikatlong batas pero 'di naman matatawag na pagsuway 'yon 'diba? Naganti naman sya sa'kin eh! Yayariin kitang babae ka! 'Sa Lunes' "Next week. Umpisahan natin ang pasok n'ya ng may bangas sa mukha." nakangising usal ko at tinapakan ang upos ng aking sigarilyo. "Ano namang plano mo boss?" 'Sa paanong paraan ko nga ba s'ya papatulan? Hmmm! Alam ko na! Tutal 'di naman sya kasama sa isa sa mga gang ay mabuti pang ako nalang mag-isa ang makipaglaban sa kan'ya!" "Hangga't wala akong sinasabe sa inyo, 'wag muna kayong makikialam..." sabi ko tsaka umupo doon sa may sofa. Nakita ko naman kung gaano kasama ang titig sa akin ni Tommy. "Problema mo!?" sigaw ko sa kan'ya. Kahit magtropa kami at pinakaclose sa lahat ay 'di sya dapat naasta nang gan'yan sa harapan ko. 'May gusto ba sya do'n? Sa stupidang babaeng 'yon? Tsk. Ambaba ng taste mo tol!' "Nothing. " banggit n'ya na may diin saka binaling nalang muli ang tingin sa librong kan'yang binabasa. 'Lakas ng sapak sa utak!' Inirapan ko nalang s'ya bago padabog na lumabas ng base. Naglakad-lakad naman ako papunta kung saan tahimik at walang manggugulo sa akin, wala pa kasi akong pahinga simula kahapon. Sa library ako dinala ng mga paa ko, at syempre wala nga naman kasing masyadong tao do'n kaya siguradong makakapagpahinga ako ng maayos. Kasalukuyang naghahanap ako ng pwesto nang may mapansin akong babaeng natutulog. Kapag n 'Anong ginagawa n'yan dito?' Sa unang tingin palang ay alam ko na kung sino s'ya. 'Si Ice!' Ang mukha n'ya kapag natutulog ay parang anghel na hindi man lang makakaisip gumawa ng masama sa kapwa, pero 'pag nagising naman ay akala mo demonyong nakawala sa kan'yang hawla, psh! Napangisi ako bigla dahil sa parang bumbilyang bumukas sa utak ko ang isang nakakalokong idea. Pinakatitigan ko pa s'ya ng ilang saglit bago kumilos upang gawin ang binabalak. 'Sorry ka nalang nakita pa kita dito...' Nakalugay ang buhok n'ya kaya sigurado akong madali ko lang magagawa ang naisip ko. Nasa likod n'ya kasi ang isang table na malaki pero alam kong kaya ko naman maiusod. Naaangat ang pinaka taas no'n. Dahan-dahan akong lumapit sa kan'ya at tsaka kinuha ang buhok n'ya. Naamoy ko naman ang amoy ng shampoong ginagamit nya, 'Seriously?! Clear men? Tapos yung pabango n'ya pa, panlalaki rin?' Napairap nalang ako sa hangin dahil sa sinabe ng isip ko. Pagkakuha na pagkakuha ko ng buhok n'ya ay ilalagay ko na sana doon sa gitna ng table para ipitin ng biglang--- "What do you think your doin'?" ayun na naman 'yung tingin nyang halos kakainin ako. 'Yung tingin nyang halos papatay ng tao at 'yung tingin nyang nakakataas ng balahibo! 'Isa lang ang masasabe ko, nakakatakot ang paraan ng pagtitig n'ya sa kahit na sino! Pailalim!' "Wala. 'Wag mo'ko tignan ng gan'yan!" 'di ko alam kung bakit bigla nalang akong nauutal. Tuwing makikita ko sya minsan nga ay naduduwag pa akong gumanti, at hindi ko alam ang dahilan. Umuurong ang tapang ko tuwing tinitignan n'ya ako ng gan'yan. Pakiramdam ko ay pinapasok n'ya ang kaluluwa ko at unti-unting nilulusaw ang katawan ko! 'Ano ka ba naman Raydon? Leader ka ng isang Gang 'diba? Ilang beses ka na ding nakabugbog!! At ang Gang n'yo ang pinakamalakas sa loob ng University na'to, so bakit ka matatakot sa babaeng 'yan!?' "Umalis ka na..." seryosong usal nya at bumalik ang mukha sa pagiging blangko na parang sa likod ko s'ya nakatingin pero sa mata ko naman talaga. Ang weird. "At sino ka naman para utusan ako!?" inis na sigaw ko sa kanya pero 'di naman masyado malakas baka mapagalitan naman ako ng librarian. Nanlaki ang mga mata ko noong bigla s'yang tumayo at ilagay sa bulsa ang dalawang mga kamay. Bigla din s'yang ngumisi na mas nagpakaba pa sa akin, dahil tinitigan n'ya na naman ako ng seryoso. 'Raydon! Nababading ka na ba talaga? Natatakot talaga ako, fuck.' 'Takte!' Ilang hakbang pa ang layo n'ya sa akin dahil kanina pa ako isa-isang humahakbang kada magsasalita s'ya. 'Bobo mo! Ang tanga-tanga mo Ray!' Mas bumilis ang t***k ng puso ko nang bigla ay maglakad s'ya papalapit sa akin at huminto ng saktong isang daliri nalang ang pagitan naming dalawa. 's**t! Aatakihin na ata ako sa puso dahil sa lalaking to este babae pala!' Tinignan n'ya ako ng masama, sobrang sama simula ulo hanggang paa at hanggang sa magtama ang paningin naming dalawa. "Hoy tigilan mo nga ang p-pagtitig sa akin ng gan'yan!" pinilit kong 'wag ipahalata ang kaba ko pero 'di ko talaga kaya. Pumipintig ng sobrang bilis ang puso ko! Parang may mga kabayong nandito at nag uunahan sila. 'Malamang natatakot din ang mga kabayo dito sa kanya, tch!' "Tsk! Trip mo'ko?" nakangising usal n'ya pero nanatiling nanlalaki ang mga mata ko. "H-Hoy!" panduduro ko sa kan'ya bago prenteng tumayo dahil medyo nakahilig ako patalikod. Kaya lang, hindi ata magandang idea 'yon dahil naging wala na sa kalahati ang layo namin sa isa't isa. And worst 'di ko maalis ang paningin sa kan'ya dahil alam kong kahit alisin ko iyon ay nakatingin pa din s'ya sa akin. "Hmm?" maangas na tanong nya sa'kin bago ngumisi na naman. 'Lintek na ngisi 'yan, nagpapataas sa lahat ng balahibo ko. Mulo ulo hanggang paa. Hoy! Baka isipin n'yo 'yung ano ha? Tch! 'Di na kasama 'yon! Mga timang!' Gusto ko nalang himatayin sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang kaba lalo na 'pag magtatama na 'yung mga mata namin. Save me Lord. "You know what? I should go..." pagpapaalam ko nang seryoso pero 'di sya umalis sa harapan ko at in fact mas lumawak pa ang ngisi n'ya! Hinawakan pa ako sa braso ng paplanuhin kong umalis na sana. 'You're really dead stupid girl! Antayin mo lang talaga, nako! Bakit ba hindi ako makalaban sa'yo? Nakakaurat wala akong magawa!' "Go?" What the hell? Kahit pagtatanong nakakatakot! Amp! "Wala naman na kasi akong gagawen dito," "Hmm, alis. Tsk!" Pagkasabi n'ya no'n ay nag-uunahang umalis ang mga paa ko sa lugar na'yon. Napahawak pa ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang paninikip no'n at sa 'di inaasahang timing, may lalo pag nagpasikip do'n. Nakita ko na naman si Myles habang kasama si Aien sa may hallway na naglalakad. Alam kong 'di nila ako napansin, pero ako kitang kita ko sila. 'Yung mga kamay nilang naka interlock pa. Nag-init bigla ang mukha ko at pakiramdam ko gusto kong magwala! 'Hanggang kailan ba'ko magkakaganito? Hanggang kailan ko ba kailangan masaktan sa katotohanang hindi na ako ang mahal n'ya? Hanggang kailan ba'ko aasa na babalik pa s'ya sa'kin? Kung alam ko namang 6 na buwan na din ang nakakalipas simula ng magbreak kami. Hanggang kailan madudurog ng paulit-ulit ang puso ko? Hanggang kailan...' Lunok. Isa pang lunok. d>>__ "Tsk!" parang naubos na ata ang laway sa lalamunan ko para matuyo ito ng sobra nang marinig ko ang ekspresyon na 'yon! Dahan-dahan akong umikot kung tama ba 'yung hinala ko. 'No hindi sya 'yon, hindi sya 'yon! Calm down Raydon! Hindi sya 'yon! Damn it!' Pilit ko pang pagpapaniwala sa sarili ko pero hinde! Nakita ko s'yang nakacross arms at nakatingin ng diretso sa mga mata ko! Blangko pa din naman ang mukha n'ya pero shems mas natatakot ako dahil 'di ko mabasa kung ano bang nararamdaman n'ya sa'kin! Hindi 'yung love kemerut! Kung galit ba s'ya or hinde! "You like her?" direcha n'ya namang tanong sa akin at napatulala naman ako. 'Gano'n na ba talaga ako kahalata? O sadyang kaya n'ya lang bumasa ng mukha? Tch! Ang wirdo wirdo mo!' Pero aminado ako na 'oo' ang sagot ko sa tanong n'ya pero bakit ko naman s'ya sasagutin? Eh nasasaktan nga ako tuwing maiisip kong gusto ko pa din s'ya kahit hindi na ako ang gusto n'ya. "Why? Akala ko pa naman wala kang pakialam sa nangyayare sa mundo." siniringan ko naman s'ya ng tingin bago nag-isip isip. 'Nakakainis, bakit ko ba kinakausap ang stupid na babaeng 'to?' "I don't care about you. Kay Aien ako may pake..." napalingon naman ako sa kan'ya at gano'n pa din ang mukha n'ya. Blangko at akala mo'y mag-isang kinakausap ang sarili n'ya. Baliw! 'Ano n'ya ba si Aien? Ex? Tch! Magsama nalang sila ulet mga bwiset!' "Anong relasyon mo kay Aien? Bakit kilala mo s'ya?" TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD