CHAPTER FOUR.

3066 Words
RAYDON'S POV "Ano ba'ng relasyon mo kay Aien? Ano mo s'ya?" tanong ko sa kan'ya pero imbis na sagutin ay tinaasan n'ya lang ako ng kilay bago maging blangko na naman ang mukha n'ya. 'Aish! Nakakainis naman ang ugali nento! Hindi mo na makausap ng maayos!' Nag-umpisa na s'yang maglakad papalayo at syempre dala ng kuryosidad ko ay sinundan ko sya. Hinahabol ko na nga actually kasi ambilis-bilis n'ya maglakad. Akala mo ay natakbo pero hinde! Gano'n ang normal na paglalakad n'ya! She's so freakin' weird! "Hoy! Babae! Ano mo ba si Aien?" pangungulit ko pa sa kan'ya pero ni lingunin ako ay hindi nya magawa langya! Nakakapikon naman 'to! Gusto ko na talagang malaman kung ano n'ya ba si Aien. "Ano mo sa Aien? Kapatid? Jowa? Ex? Ano!?" malakas na sigaw ko sa kan'ya na halos ang ibang mga students ay nakatingin na sa amin. Wala akong pake basta sagutin n'ya lang ang tanong ko. 'Di ko alam kung sa'n ba sya pupunta pero sinusundan ko lang talaga s'ya. 'Kanina mo pa ako pinagmumukhang tanga! Nakakainis ka na ah!' Luminga linga muna ako sa paligid dahil baka inililigaw na ako ng babaeng 'to. Pero hindi naman kaya nga lang... 'Anong ginagawa namin dito sa Soccer Field?' Napahinto ako sa paglakad ng makita ko s'yang umupo sa ilalim ng isang puno at tsaka sumandal doon. Ipinikit n'ya ang kan'yang mga mata at animo'y nagrerelax. "Bingi ka ba? Kanina pa'ko nagtatanong sa'yo!" galit na talagang sigaw ko sa kan'ya kaya nagmulat s'ya ng mga mata n'ya. Lunok. "Ano ba 'yon!?" sigaw na tanong n'ya din sa akin pabalik. Nagulat talaga ako ng makita ko syang ngumiwi na parang naiinis. Ngayon ko lang kasi s'ya nakitaan ng ibang ekspresyon bukod sa blangko at 'yung pailalim na titig n'ya sa'kin. 'Normal pa rin naman pala s'ya akala ko ay buong araw gano'n nalang lagi ang mukha n'ya, tch! Ano bang pake ko? Kailangan ko lang naman malaman kung bakit s'ya nag-aalala kay Aien na inagaw ang syota ko! Hayop! Ako ang biktima hindi 'yon, pero bakit parang ako nalang lagi ang mali?' "Ano mo nga kasi si Aien? Paulit-ulit naman 'to eh! Makinig ka nga! Or else," "Or else, what?" diretsang tanong n'ya sa'kin kaya medyo nagitla ako nung titigan n'ya na naman ako sa nakakatakot na paraan. "N-Nevermind... Sagutin mo nalang kasi 'yung tanong ko!" "Ano nga kasi 'yon?" "Ano mo nga si Aien? Ang sabi mo kasi kanina ay nag-aalala ka sa kan'ya? Ano mo ba s'ya? Ha?" namumula na ata ako sa sobrang asar sa kan'ya, halos nakailang ulit na ako ng tanong ko sa kan'ya simula nung naglalakad kami hanggang dito tapos itatanong n'ya sa akin kung ano 'yung tanong ko? Hanep! "You don't need to know..." seryosong usal n'ya at bumagsak naman ang mga balikat ko dahil do'n. Matapos kong mangulit sa kan'ya? Ganyan lang ang sasabihin n'ya? Tch! Tatayo na sana ako para iwan s'ya mag-isa pero nagsalita sya ulit. "Ikaw? Ano mo 'yung babaeng 'yon?" tanong n'ya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. 'Sasabihin ko ba sa kan'ya? Eh? Kaaway ko kaya s'ya? Pa'no kung blackmailin nya'ko gamit 'yon? Tch! Bahala na nga!' "She's my ex," mapait na ngiting usal ko bago maupo sa tabi n'ya. Ang layo ng tingin pero alam kong narinig n'ya naman ang sagot ko. "Ex? Hmm. But you still love her don't you?" tanong n'ya habang nakatingin pa rin sa malayo.  "Yes, anim na buwan na din simula nung naghiwalay kami. Pero mahal ko pa rin talaga eh..." "She's happy without you," inis na nilingon ko s'ya tsaka kinunutan ng noo. Humarap naman s'ya sa akin. "She's definitely happy without you." Lunok ulit. 'Tae! Napapalunok na lang talaga ako! Ano bang nangyayare sa'kin? Ikalawang araw palang 'to nung magkakilala kami 'diba? Kaaway ko s'ya so dapat lang na 'di ko s'ya kausapin pero bakit gano'n? Ang gaan magkwento sa kan'ya? Tch!' "A-Alam ko naman 'yon! Pero 'wag mo naman ipamukha sa'king masaya s'ya kahit wala ako!" sigaw ko sa kan'ya pero ang sakit naman kasi ng sinabe n'ya! Kita ko na nga sa dalawang mata ko 'yun, pinaparamdam n'ya pa sa'ken. Badtrip 'tong babaeng 'to ah! "Crazy." bulong n'ya naman pero dahil sa matalas ang tenga ko narinig ko pa rin 'yon syempre! "Hoy! Anong sinabe mo? BAWIIN MO 'YON!" "Ba't ka nauutal?" dO__Ob! 'Nauutal ba'ko? Eh? B-Bakit nga ba ako nauutal?' Para naman akong kinakain ng lupa, pakiramdam ko lulubog na ako sa kinauupuan ko ngayon. Nakakahiya naman kasi bakit nga ba ako nauutal sa kan'ya? Hindi naman ako ganito eh! "Sinong nauutal? Ako? Hindi ah!" pilit ko pang pagtanggi pero- Lunok! d>>__ 'Tumawa s'ya sa harap ko!' PARANG MAY KABAYO SA DIBDIB KO NGAYON! 'Ano ba 'tong nararamdaman ko?' "Nauutal ka eh..." nakangiting banggit n'ya habang natatawa pa din pero maya-maya lang naging seryoso na naman ang mukha n'ya. 'Grabe parkour! Kanina lang natawa s'ya ngayon wala na namang ekspresyon! Pinagloloko ata ako ng babaeng 'to!' "Natatakot ka ba sa'kin?" tanong n'ya sa akin inirapan ko naman s'ya. "Ha! Ano ka!? Lakas mo ah? Ako? Isang Imperial? Matatakot sa kagaya mo? Imposible! Hell no!" "Pwede namang hindi nalang. Ang ingay mo." nag-init agad ang ulo ko sa sinabe n'ya kaya napatayo naman ako at tsaka tinitigan s'ya mata. "Ano close ba tayo? Para magsalita ka ng gan'yan!? Nakakainis ka! Napakawirdo mo! Humanda ka talaga sa'kin! 'Di pa ako nakakaganti sa ginawa mo kahapon! D'yan ka na nga! Bakit nga ba kasi ako nakikipag-usap sa'yo? Kadire! D'yan ka na! Pwe!" sigaw ko tsaka napapasabunot sa inis at padabog na naglakad papalayo. 'Badtrip talaga! Bwiset! Peste sa buhay ko ang babaeng yon! Hayop! Antayin mo lang talagang mag Lunes! Ah! Ipaparanas ko sayo ang Impyerno dito sa loob ng University. Nakakainis! Nakakabadtrip! Damn it, damn it!' ICE'S POV "Ano close ba tayo? Para magsalita ka ng gan'yan!? Nakakainis ka! Napakawirdo mo! Humanda ka talaga sa'kin! 'Di pa ako nakakaganti sa ginawa mo kahapon! D'yan ka na nga! Bakit nga ba kasi ako nakikipag-usap sa'yo? Kadire! D'yan ka na! Pwe!" sigaw nya sa'kin at tinignan ko lang naman s'yang maglakad papalayo. 'Anong problema no'n? Hindi ko naman s'ya inaano nauutal, tapos lagi pang nanlalaki 'yung mga mata? May sakit na ata talaga sa utak 'yon eh! Tsk...' Naalala ko bigla 'yung sinabe n'ya sa akin. 'Kung ex n'ya yung babaeng 'yon? Ibig sabihin? Magkakilala sila? Delikado 'to. Ayoko ng gulo hays. Pero nag-aalala pa din ako kay Aien. Kahit pala talaga anong makaawa ko noon sa kanya yung babaeng 'yon pa din talaga ang pinili nya.' "What a coincidence." mahinang bulong ko sa sarili ko tsaka nahiga sa damuhan. Pinakikiramdaman ko sa balat ko ang malakas na ihip ng hangin at kung pa'no noon naaalis ang mga iisipin ko. Nakakarelax. Nag-eenjoy na sana ako sa pagkakahiga ko dito ng biglang may tumama namang bola sa mukha ko! d-,-b! 'Tae, daig pa sinuntok ako nento sa lakas ng pagkakasipa sa bola. Mga bobo! 'Di nyo ba nakikitang andito ako? Lumayo na nga ako do'n sa mga naglalaro, at imposibleng makarating 'yun dito ng hindi sinasadya! Lintek!' Tumayo ako at hinanap kung sino ang sumipa ng bola na'to. Nakita ko naman ang isang lalaking halos mauubusan na ng hangin kakatawa habang nakaturo pa nga sa'kin. 'Bingo!' Ngumisi muna ako at saka ibinaba ang bolang hawak ko. Masakit ang tama no'n sa mukha ko kaya hindi pwedeng hindi ako gaganti. Tamaan mo na lahat, 'wag lang mukha ko! Iniingatan ko 'to kahit hindi ako maganda. Inasinta ko syempre yung p*********i n'ya, para mas masakit. Umatras ako ng kaunti para magkaroon ng mas malakas na buwelo at syempre hindi naman ako pumalya. Parang nagslow mo ang bola sa harap ko, papunta dun sa kan'ya. At gaya ng inaasahan ko, "Aray!" gan'yan kalakas yung sigaw nya ng doon saktong tumama 'yung bola. Mas lumawak tuloy ang ngisi sa mukha ko. 'Ang ganda ganda ng pagkakahiga ko dito tapos iistorbohin mo lang ako? Ulol.' Tama nga talaga ang iniisip ko. Lahat sila dito ay abnormal at ang lakas ng mga tama sa utak! Nawalan na ako ng gana magrelax kaya naman pumunta na lang ako sa Cafeteria at bumili ng makakain ko. Maaga ang pasok ni Sky ngayon kaya naman wala tuloy akong kasama, sabagay sanay naman na'kong nag-iisa eh. Boring nga lang talaga. Tahimik akong kumakain habang malayo ang tingin. Iilan lang kasi ang tao ngayon dito kasi 'yung iba maaga ang mga klase, naboboring na talaga ako. Pero mas masaya naman ako sa ganito. Walang istorbo at walang maingay. Mayroon pa akong isang oras bago ang klase ko kaya naman susulitin ko na. -KRING! KRING!- Napahinto ako sa pagsubo ng malakas na magring ang cellphone ko. 'Sino na naman kaya 'to?' Tinignan ko ang Caller's ID at si Samantha lang pala 'yon. Akala ko naman 'yung unknown number na tumawag sa akin noong nakaraan. "Oh?" sagot ko at nailayo ko naman ang cellphone ko nang malakas na tumili silang lahat sa kabilang linya. 'Wait? Magkakasama silang lahat? Bakit? Sa pagkakaalam ko kasi ay nagkakasama lang silang lahat tuwing nagpapatawag ako ng meeting kasama sila. About plans and etc. Pero bakit parang ang weird naman at magkakasama sila ngayon lalo na't may pasok. "Ssob! Kamusta ka na?" "Okay lang," "Asa'n ka ssob?" "Nasa University, bakit?" "Nasa cafeteria ka ba ssob? Hihi," "Oo, teka pa'no mo nalaman?" nagtaka talaga ako bigla dahil ano 'yun manghuhula na ba si Samantha? Nilinga linga ko naman ang paligid at nanlaki ang mga mata ko nang makita silang patakbo na papunta rito. As in lahat sila! Walang naiwan man na kahit isa, what the hell? "Gagi, anong ginagawa n'yo ri---HUK!" niyakap nila ako, hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng pagkakayakap nila sa akin! "T-Teka! Teka! Bitaw!" sigaw ko sa kanila na agad naman nalang sinunod. Lahat sila ay kumikislap ang mga mata sa sobrang tuwa na makita ulit ako. "Namiss ka namin ssob!" sabay sabay na aniya nila. "Anong ginagawa n'yo rito?" takang tanong ko at lumapit naman sa akin si Sam. "Eh-namiss ka kasi namin eh! Tsaka tinawagan rin kami ni Sky eh, sabi n'ya pupunta daw dito yung BDG! Kaya nag-enroll kaming lima dito para samahan ka! Antagal ka na naming hindi nakita!" si Sam. "Wag ka mag-alala ssob, 'di ka namin iiwan" si Christian. "Tsk." singhal ko sa kanila pero hindi noon maalis ang ngiti sa kanilang mga labi. 'So, dito na pala mag-aaral ang mga mokong na'to? Hindi na pala ulet matatahimik ang buhay ko kagaya ng kaganina! Sana pala sinulit ko na talaga...' "Anong schedule mo ngayon ssob?" tanong naman ni Emily. "Call me Ice, 'wag yan tsk! 9:00 am pa ang klase ko. Sa inyo?" "Sige Ice HAHAHAHAHA! Ngayon ka lang namin matatawag sa pangalan mo talaga nakakamangha!" natatawa at parang baliw na usal naman ni Christian. "Psh!" seryoso pa rin ako. Medyo namomroblema na nga din eh! Sobrang kukulit ng mga 'to, nasakit na naman tuloy ang ulo ko. 'Patay na naman, kingina.' "Alas nuebe 'yung unang klase namin kaya nga napuntahan ka pa namin eh! HAHAHAHA natutuwa talaga akong makita ka ulet!" si Emily. Kahit naman hindi sabihin ay halatang masaya sila kaya ano pa bang magagawa ko? Tsk! "Sabay lang, sinong teacher n'yo?" tanong ko naman kaya Jonathan na kasalukuyang nakatitig lang kay Sam. 'In love na in love amp!' Binalingan n'ya naman ako ng tingin bago ngumiti at sagutin ang tanong ko, "Si Ms. Alarte!" nakangiting sagot n'ya pa rin. dO__ob!? Napasapo nalang ako sa noo ko nung marinig ang sagot n'ya. 'Kamalasan malasang magkakasama pa kami sa isang klase!' "Ikaw sino ba'ng teacher mo?! Ice?" nangingiting tanong sa akin ni Christian. Putek, trip na trip ang pagtawag sa akin ng Ice porket ayaw kong tawagin nila akong ssob! Tibay! "Same class." walang emosyong sagot ko at nagliwanag na naman ang mga mukha nila! Pft! Ngayon palang kinakabahan na'ko sa mga kalokohan ng mokong na'to. "Ahm hehe, sso-este Ice! Nagugutom na kami eh, 'di kasi kami kumain pag alis para maaga ka naming makita hehehe." sabi ni Emily na sinang-ayunan naman ng lahat! 'Sabi ko na nga ba! Sinasabe ko na talaga!' "Umorder na kayo do'n..." tinitigan ko naman sila at mukhang may iniintay pa silang sasabihin ko kaya naman napabuntong-hininga nalang ako. "...libre ko" napapalunok na sabi ko dahil labag 'yon sa loob ko. Pagkasabi na pagkasabi ko noon ay parang mga presong kumawala ang mga walang hiya at nag-uunahan pa sa pila! "Hoy! Umalis ka nga dyan ako muna! Nagugutom na'ko eh!" nagwawalang sigaw ni Sam sa kanila. "Anong-hoy! Tandaan mo ginutom ako dahil sa kakahintay sa'yo kanina kaya dapat ako muna!" sigaw naman ni Emily sa kanya! Habang 'yung dalawang lalaki naman ay ayun hindi nila namalayan na nasa unahan na pala ng pila. "HAHAHAHAHAHA!" sabay na tawa naman ni Jonathan at Christian. At nilingon naman sila nung dalawang nagbabangayan kanina, tinignan silang dalawa ng masama. "Ahm dre! Itago mo'ko sa likod mo!" nagpapalitan ng pagtatago sa likod ng isa't isa si Nathan at Tian dahil hinahablot silang dalawa nina Em at Sam. 'Ngayon palang delubyo na agad ang dala nila, mga siraulo!' - "Akin 'yang manok! Alisin mo 'yang kadiring kamay mo d'yan sa kinakain ko!" "Tigilan mo'ko akin 'yan eh!" 'Tae ang ingay! Tumayo ako kaya napatigil naman silang lahat sa pagkain at naiilang na tumingin sa akin.' "Tsk! Kumain kayo ng walang ingay!" sigaw ko sa kanila pero nagkatinginan lang naman sila tapos, "HAHAHAHAHAHA!" tinawanan lang ako. "Di ka namin ssob dito Ice HAHAHAHAHA! Ikaw may sabe n'yan!" si Christian, at tumawa naman silang lahat nangunguna pa ang tawa ni Jonathan. 'This is crazy. Fuck.' Buti nalang 8:30 na kaya mabilis na nilang tinapos ang pagkain kaya naman sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa room. "Look may mga kaibigan na 'yung malanding babaeng na'yon!" "Aba! May mga naglakas loob palang maging kaibigan ang kadiring kagaya n'ya 'no?" "Shemay ang gwapo nung isa, pa'no n'ya naman naging kaibigan 'yon!?" Babaliwalain ko nalang sana 'yung mga bulung-bulungan na 'yon kaya lang biglang naglakad papalapit sa kanila si Sam at Emily... "Mga hampaslupang walang magawa sa buhay nila! Chupe! Bobo ba kayo? Malamang tao 'yan kaya may makikipagkaibigan d'yan!" banat naman ni Emily habang masamang nakatitig sa kanila. Bago sabay na naglakad ng mas palapit dun sa tatlong babae. "Shut your mouth, before I shut it!" sigaw sa kanila ni Samantha para mag-unahang umalis. "Ayos ba Ice?" tumataas taas pa ang kilay na tanong sa akin. 'Mga baliw talaga kahit kailan pero salamat,' "'Di ko alam na hinahayaan mo silang ganyanin ka HAHAHAHAHAHA! 'Di lang siguro nila alam na isa kang I-" tinitigan ko sya ng seryoso kaya natauhan sya sa kanyang mga pinagsasabe. Tinitigan ko pa muna sila bago naunang maglakad na ulet. This is really insane, hayst! Napailing nalang ako sa aking naisip tsaka pumasok na ng room at syempre katabi ko pa din sila hanggang do'n. As if hihiwalay sa akin ang mga 'yan. - Mabilis na lumipas ang oras at 2 na ng hapon ngayon. Nagugutom na ulit ako, dire-direcho kasi ang klase namin. Simula 2 hanggang 3 lang ang breaktime namin kaya naman 'di na ako nag atubili pang sa Cafeteria na dumiretso. Sabi din kasi ni Sky magkita-kita kami dito. "Ice? Bakit 'di kayo magkasama ni Sky?" tanong sa akin ni Jonathan pero tinignan ko lang sya. "Hindi ka pa den nagbabago, ang tahimik mo pa ren! 'Di ka ba nagsasawang nakatikom lang 'yang bibig mo?" ang lakas ng loob nilang sigawan ako palibhasa ay walang nakatataas sa amin sa loob ng University. "Tsk!" singhal ko nalang sa kanila tsaka tumayo at pumili para bumili nang makakain. Nahiya naman na ata yung apat kasi sabi nila 'di pa raw sila nagugutom kaya tumango nalang ako. "Ice!" ayan na, ayan na ang isa pang walang tigil kakakuda ang bibig! Si Sky! "Oh?" tanong ko sa kanya at sinamaan nya naman ako ng tingin. 'May masama ba sa sinabe ko? Lagi nalang gan'yan ang reaction n'ya tuwing magsasalita s'ya o tatawagin n'ya ako tapos "oh?" lang ang sagot ko!' "Asan sila Sam!?" parang bata n'yang tanong na abot hanggang tenga ang mga ngiti. Hays, gano'n na ba talaga sila kaexcited makita ang isa't isa? "Do'n..." turo ko at mabilis naman s'yang pumunta do'n, nakita ko pa silang magyakapan habang nagtatalon. Si Jonathan naman, tahimik lang palagi pero laging kay Samantha nakatingin. He's inlove with her, tss. Habang si Christian? Ayon kasama do'n sa tatlong babaitang nagwawala na sa tuwa at nag kita kita ulit sila. Whatever. "Miss ano po'ng sa inyo?" tanong sa akin ng isang matandang babae. Pamilyar ang mukha n'ya sa'kin pero 'di ko alam kung saan at kailan ba kami nagkita. 'Sa'n ko ba sya nakilala? Or kilala ko nga ba s'ya? Tsk! I hate this feeling.' Alam ko sa sarili kong kilala nya'ko dahil hindi s'ya makatingin ng diretso sa aking mga mata, pero ang pinagtataka ko, bakit ako walang matandaan sa kan'ya? "Isang tuna sandwhich at mango shake." sabi ko at mabilis naman s'yang tumango bago gawin ang in-order ko. "Magkano?" tanong ko pero walang nasagot sa akin. Kaya naman humarap ako, nahuli ko s'yang nakatitig sa akin. "85 pesos po..." nauutal pang usal n'ya nang makita akong nakatingin sa kan'ya. Tumango nalang ako bilang sagot. Pagbalik ko do'n ay nagtatawanan pa din sila. Hindi nga ata nila napansin naupo na ako ro'n. "So, pa'no nga kayo nakapasok dito? Ang alam ko kasi pribado ang University na'to at 'di pwede makapasok ng basta basta." si Sky. "Humingi kami ng tulong syempre," nakangising sagot ni Samantha. 'Sino naman kaya ang nauto nila para makapasok dito?' "Si Aien-" "Ehem..." nabilaukan ata ako dahil sa sinabe ni Emily. 'Ano kamo? Si Aien? So ibig sabihin alam n'ya ding andito ako? Eh bakit 'di nya ako pinupuntahan?' "Si Aien?" seryosong tanong ko sa kan'ya at tumango lang naman sya bago naiilang na magsalita ulet. "Sorry hehe...no choice na rin kasi kami eh hehehe," pagpapaliwanag n'ya pa. 'All this time? Iniignore lang n'ya ako? What a jerk!' "Ateng nakaaway ni Raydon! Pst!" dinig kong tawag sa akin ng isang binatilyong lalaki at binigyan ko naman s'ya ng nagtatakang tingin. "May pinabibigay po sya sa inyo..." sabi n'ya sabay abot sakin ng isang black card, kagaya 'to nung nasa locker ko pero may nakasulat sa loob this time.  Tatanungin ko pa sana kung bakit nagpadala ng letter 'yung baliw na'yon kaya lang tumakbo na 'yung batang lalaki. Mga nasa 1st year lang s'ya, mukhang natatakot ata sakin dahil nanginginig ang mga kamay n'ya kanina sa pag-aabot nento. 'May nalalaman pa s'yang letter eh bakla naman tsk!' "Sinong Raydon 'yon ssob?" tanong sa akin ni Christian. Lahat sila ay halatang nag-aabang ng sagot ko. Nagkatinginan nalang kami ni Sky at binigyan ko s'ya ng senyas na s'ya na ang magpaliwanag. 'Tinatamad talaga akong magsalita,' "Si Raydon, sya 'yung bully ni Ice. Kagahapon bigla na lang naglagay sa dadaanan ni Ice ng mantika at boom! Edi nadulas nga s'ya. Sinapak naman s'ya ni Ice pabalik, pero 'di pa 'yon do'n natapos, meron pa 'yung binato n'ya si Ice ng spaghetti at juice. Natapon pa nga sa damit na hiniram n'ya sa'kin eh, badtrip! Tapos ngayon? Hindi ko alam kung may nangyare na naman ba, hiwalay kasi ang dorm namin eh. Tapos salungat pa minsan ang sched ng klase..." "Eh bakit hinahayaan mo s'ya sso-Ice? Bakit 'di mo labanan?" tanong sa akin ni Emily. "Bakit ba parang kinakawawa ka ng mga students dito?" baling din sa akin ni Sam, habang yung dalawa tamang kinig lang. 'Bakit? Kasi gusto ko ng tahimik na buhay. Gusto ko lang naman makapagtapos para kay kuya.' "They called me old-fashioned. Pero tapos na ang pananahimik, he's inviting me into a duel. Me vs. His Gang. His stupid gang. Wanna join?" seryosong tanong ko at do'n sumilay ang mga ngisi sa kanilang mga labi. 'You've messed with the wrong person' TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD