ICE'S POV
Linggo na pala ngayon. Napamulat ako ng mata nang tumunog ang cellphone ko. May nagtext yata.
'Di na talaga ako makatulog ng mahaba. Langya!'
From: Sky
Pumunta ka dito sa quadrangle, kailangan natin mag-usap about sa mangyayare bukas, at sabi nina Sam may update na daw.
Mabilis akong kumilos pagkatapos mabasa ang text n'ya. Wala namang pasok ngayon kaya sigurado akong wala masyadong tao sa quadrangle.
"May lakad ka? Kain ka mu---"
"Ikaw nalang, salamat." hindi ko na s'ya pinatapos at nagmamadaling lumabas ng dorm.
'Sana magandang balita na 'yung sasabihin nila sa akin. Six months na rin akong naghahanap ng sagot, pero hanggang ngayon wala pa rin! Tsk!'
Kumpleto na silang lahat ng nakarating ako do'n. Sabay-sabay naman silang napalingon sa pagdating ko.
"Late ka na naman!" sinamaan ko lang ng tingin si Sky dahil sa pag sigaw n'ya sa akin.
"Anong balita?" atat na talaga akong malaman ang sasabihin nila. 'Wag lang sana kalokohan, kun'di yare talaga sila sa'kin!
"Ang sabi sa akin ni Time, medyo okay na raw ang kuya mo. Nakakagalaw na ang kamay n'ya 'pag kinakausap pero kritikal pa rin." napahinga na lang ako ng malalim dahil akala ko naman gising na si kuya, gano'n pa rin pala.
'Teka? Kung si Time ang nagsabe, ibig sabihin andito s'ya!?'
dO__Ob!?
Kung andito nga talaga s'ya bakit 'di man lang pinaalam sa akin? Hays. Ang sarap talaga minsan pagalitan ang isang 'yon.
Inilabas ko naman ang cellphone bago idial ang number n'ya,
"Hello, Time speaking..." sagot n'ya pa kaya naman napairap nalang ako sa hangin.
'Pati ba naman number ko? 'Di nakasave sa kan'ya? Tsk!'
"Tsk!" singhal ko kaya sandali naman syang natigilan.
"Ice! Why did you call me? Haha!"
'Nagawa pa talaga tumawa nang loka-lokang 'to!'
"Magkita tayo mamaya."
"Huh? Saan naman? And how will you go outside that University? "
"Ako ng bahala do'n, tsk."
"Sige sige, pero saan naman tayo magkikita?"
"Sa GHO. Bye!" sabi ko bago ibinaba ang tawag. Bumaling naman ako sa kanila na 'tila inaantay ang mga salitang lalabas sa bibig ko.
"Oh?" maang-maangang tanong ko sa kanila kaya lahat naman sila ay sinamaan ako ng tingin.
"Anong sabi ni Time? Si Time 'yon 'diba? Tsaka bakit kayo magkikita? Isasama mo ba kami Ice? Pa'no naman tayo lalabas dito aber?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Emily, kaya nag-init na naman bigla ang ulo ko.
d>>__
'Sobrang matanong! Ang kukulet!'
"GHO tayo mamaya. Kung pa'no tayo lalabas? Ako nang bahala gumawa ng paraan..." paliwanag ko at tatango-tango naman silang nangalumbaba.
"Si X ba nagpaparamdam pa sa'yo?" tanong naman bigla sa akin ni Jonathan at tinanguan ko naman. "What? Kailan pa?"
"He just called me."
"Eh? Ano na namang kailangan ng baliw na 'yon!?" si Christian.
'Ano nga bang kailangan na naman no'n?'
Ang natatandaan ko lang ay galit na galit s'ya dahil natalo namin ang grupo n'ya sa isang GW. Hindi naman na nakakapagtaka ang bagay na 'yon, marami kaming nagiging kagalit dahil sa pagkatalo na natatamo nila.
"Baka di pa ren matanggap ang pagkatalo HAHAHAHA!" todo tawa namang usal ni Sky, kaya natawa naman silang lahat.
"Oo nga pala 'no? 'Yun ata ang ipinuputok ng buchi no'n eh HAHAHAHAHA!" dagdag pa ni Emily.
"Siguro, hayaan n'yo na nababaliw na talaga ang lalaking 'yon HAHAHAHAHA," si Sam.
Hindi naman ako makasabay sa tawa nila dahil inaantok ako! Ang aga-aga nila akong ginising, eh 2 na ako ng madaling araw nakatulog sa sobrang pag iisip! Tss.
'Kasalanan ko naman eh pero-mga istorbo talaga! Palagpasin na nga lang hays!'
Sandali pang namayani ang katahimikan sa pagitan namin pero 'di rin iyon nagtagal masyado nang magsalita si Sky,
"So ano nga? Pa'no tayo makakalabas dito mamaya?" biglang tanong n'ya, pumasok naman sa isip ko 'yung usapan no'ng mga babae habang nasa banyo ako at nagpapalit ng damit nung unang araw palang ng pasukan.
Flashback
Pumasok ako sa loob ng CR para magpalit ng damit kong namantsahan dahil sa mantika. Hiniram ko lang kay Sky ang damit na'to.
"Oy alam mo ba? Gusto ko gumimik mamayang gabi! Hihihi." malanding sabi naman nung babaeng nasa labas.
'Tsk! Nakakadire lang promise.'
"Saan naman tayo lalabas, aber?! Gusto mo bang masapak tayo nung guard dyan" kinakabahang usal naman no'ng kasama n'ya pero bakas pa din ang pagtatataray do'n.
"'Wag ka maingay sa sasabihin ko ah? Merong sikretong daan palabas ng University na'to. Dun sa likod ng mga building para sa mga 4th year students, may garden na malaki do'n at sa dulo daw no'n gubat na malaki. Pagkalagpas mo ro'n ay labasan na agad, kaya lang delikado raw," pagdedescribe naman nung babae na gusto daw gumimik kuno!'
"Eh alam mo na palang delikado lalabas ka pa rin!?" reklamo naman nung isa.
'Bakit ba nakikinig ako sa kanila? Tsk!'
Lumabas na ako at nanlalaki naman ang mga mata nilang tinignan ako-
"N-Narinig mo lahat ng pinag-usapan namin?" natitigilang tanong sa akin no'ng babaeng gustong lumabas ng University.
"Wala akong pake do'n..." anas ko bago lumabas na ng banyo.
End of Flashback
"Do'n sa garden," maikling tugon ko.
Hindi naman na sila sumagot at kinaladkad na agad ako papuntang garden. Takte walang sali-salita pumunta ka agad. Tsk.
Hindi pa ako nakakapunta dito dahil di naman ako gala. Isang malaki at malawak na garden ang bumungad sa amin. Ang gaganda ng mga bulaklak at may matatayog din namang puno. Nagdire-direcho kami sa paglalakad at mahinto ng isang masukal na gubat na ang nandito sa harapan namin.
'Eto na ba 'yon?'
"Ice, mukhang mahihirapan naman tayong makalabas dito!" angal na naman ni Sky.
"Psh," singhal ko bago nauna nang maglakad. Walang makakapigil sa akin ngayon, mahalaga ang dahilan kung bakit kailangan kong makalabas. Inabot kami ng ilang oras bago maaninag ang liwanag na galing sa labas.
"Mukhang ayun na ata yung labas!" malakas na sigaw ni Christian at 'di nga kami nagkamali. Ayun na ang labasan pero---
'The heck? Sino naman ang mga 'to!?'
d>__
Isang grupo ng kalalakihan ang bigla na lang nangharang sa amin.
"Brad, makikiraan kami ng maayos. Ayaw namin ng gulo..." pakiusap sa kanila ni Jonathan pero wala sa mukha nila ang makinig sa kahit anong pakiusap.
"What do you want?" seryosong tanong ko kaya naman sumilay ang ngisi sa mga labi nila at lumapit naman yung leader nila kuno'.
"Mga taga loob kayo 'diba? HAHAHAHA 'di nyo ata alam kung anong daan ang tinahak n'yo," mayabang na asta pa nya.
'Ah? So bale yung kinatatakutan pala dito eh, ang mga 'to? Hindi 'yung gubat?'
"Huwag kayo humara sa daanan namin," matiim na sabi ko ngunit hinawakan n'ya lang ako sa panga.
"Don't you dare touch her." biglang sumeryoso ang tono ng pananalita ni Christian. Halos lahat naman sila ay seryoso na ngayon.
"Bitawan mo s'ya..." dagdag pang banggit ni Samantha.
'Sige lang, intayin mo lang maubusan ako ng pasensya lintek kayo!'
Sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa labi n'ya dahilan para mag init na ang ulo ko! Istorbo lang sila sa plano namin. Matatagalan lang kami dito. Mga peste!
Nakaabang ang mga bata ng mokong na'to sa likod nya. Sa mga tantya ko ay nasa 15 ang dami nila. At kami? anim lang naman.
"Nakikiusap kami ng maayos." si Jonathan.
"Ha?" 'di makapaniwalang singhal n'ya tsaka padarag na binitiwan ang pagkakahawak sa panga ko.
"'Di natin madadaan sa santong pakiusap edi daanin sa mademonyong dahas," inis na sabi ni Emily tsaka nagpaumunang sumugod. Naglabas s'ya ng dalawang dagger at nanlaki naman ang mga mata ng grupong nandito ngayon.
dO__Ob!?
Pero syempre 'di ren sila magpapatalo. Si Emily palang ang sumusugod sa amin at tahimik lang kaming nakamasid sa kan'ya. Ang laki ng iginaling pa ni Ly sa pakikipaglaban. Hindi n'ya naman pinapatay ang mga ito, nilalagyan n'ya lang ng tanda nang pagiging inutil.
Dala-dalawa kung sumugod sila, pero dahil dalawa ang dagger na hawak n'ya madali lang sa kan'ya ang paikutin ang mga ito at sugatan. Lima na ang napapabagsak n'ya, habang s'ya palang mag-isa.
'Mahihina lang din pala kayo...'
Paulit-ulit lang ang taktika na ginagawa ni Ly. Yuyuko at sisipain ang isa sabay tatalunan naman ang isa pa. Bago sabay na hihiwain sa bandang tyan. Alam kong hindi malalim 'yon dahil kung oo, patay na ang mga 'yan kanina pa. Sapat lang ang sugat na binibigay n'ya para matakot sila.
"This is impossible." namamanghang usal nong leader nalang gunggong! Tsk!
"It's possible," pangalawang sumugod naman ay si Sam. Iba naman ang paraan nang pakikipaglaban ng babaeng 'to. Dala nya ang isang makapal at 'di kahabaang kadena. Bawat kalaban na tumatakbo papunta sa direksyon n'ya ay pinupuluputan ng kadena sa paa bago ibabalibag. Sinasabayan n'ya rin ito ng suntok at sipa. Kung kaya't halos 3 nalang ang natira sa kanilang nakatayo. 2 bata at 'yung leader.
Wala na sana akong balak makialam pa dahil baka mapatay ko lang ang mga 'yan kaya lang-naalala ko 'yung lintek na paghawak nung leader nila sa mukha ko. Hinayaan ko na dun sa dalawa 'yung dalawa pang natitira tsaka humakbang papalapit dun sa leader nila.
'Mukha pa silang bata, wala lang sigurong magawa sa buhay nila ang mga ito.'
"A-Ang lakas ng loob mong ako pa ang piliing kalabanin," nanginginig na ang boses n'ya, nagagawa pa ring magyabang!
"Maswerte ka nga eh, dahil mararanasan mo'kong makalaban!" nakangising sambit ko at nauna naman s'yang sumugod. May dala rin s'yang dagger, gusto ko rin sanang maglabas kaya lang tinatamad ako. Sunod-sunod kong iniilagan ang tira n'ya habang titig na titig sa kan'yang mga mata, na s'yang ibinubunyag ang mga susunod ng ikikilos.
'Ang lakas n'yang hawakan ang mukha ko tapos 'di lang s'ya makakatama? Anong klaseng katangahan 'yon?'
d--,b!
Pagkatira nya sa bandang kaliwa ko ng dagger ay mabilis kong pinaikot ang mga braso n'ya bago sikuhin ang kan'yang tagiliran. Napangiwi naman s'ya sa sakit, na mas ikinangisi ko. Diniinan ko rin ang pagkakahawak sa kamay nya para mabitawan n'ya ang kanyang dagger na agad ako namang sinalo gamit ang kaliwang kamay ko. Ginamit ko ang kamay nyang nakaikot na sa likod n'ya upang paikutin ulit nang makarating ako sa kan'yang likuran.
"Ahh!" sobrang lakas na sigaw ang umalingaw-ngaw galing sa kan'ya ng mabali ang kanang braso n'ya sa dalawang beses na pagpapaikot ko. Nakatutok sa leeg n'ya ang dagger na mismong 'pag mamay-ari n'ya rin.
"W-Wag mo'kong patayin, maawa ka..." natatakot at kinakabahang pagmamakaawa n'ya. Huminga naman muna ako ng malalim.
"Go!" sigaw ko at tsaka binitawan s'ya. Nakita ko naman kung ga'no kabilis s'yang tumakbo papalayo na s'yang sinundan naman ng mga bata n'ya. Wala ng buhay ang kanyang braso dahil malamang nabali nga eh.
d-.-b,
'May angal? Buti naman wala,'
"Ba't 'di mo pa pinatay 'yon ssob?" tanong sa akin ni Chris pero 'di ko nalang s'ya sinagot at idinial na lang ang isang number.
"Sunduin mo kami dito sa likod ng M's University." sabi ko kay Butler Chang.
"First time ko yatang makitang may pinalagpas ka?" sarkastikong sambit ni Sky na ikinakunot naman ng noo ko.
"Oo nga ssob!" 'pag sang-ayon naman nila Sam, Ly, Chris at Nathan.
'Anak ng...bakit ba napaka big deal sa inyong may binuhay ako? Mukha na ba akong mamamatay tao lagi? Tsk!'
"Ano bang problema n'yo? Parang binuhay ko lang yung tao!" inis kong iniiwas ang tingin sa kanila. Nakakaurat naman kasi eh, pag pumapatay ako ng tao parang tuwang-tuwa pa sila tapos ngayon binuhay ko 'yon? Ganito reaction nila!? 'Diba dapat baliktad? Psh!
"Sino ba kasing hindi magugulat do'n!? Buhayin mo ba naman ang lapastangan humawak sa'yo, eh 'diba ayaw na ayaw mong hinahawakan ka?" Sabi naman ni Sky kaya natigilan ako.
'May p-point nga naman sya pero basta! Grr! Ngayon ko na nalang 'to gagawen para wala na silang masabe pa...'
"Oh, eh ano naman ngayon? Eh sa wala ako sa mood eh? Tss!" Naiinis na anya ko bago umirap nalang sa kanila. Minsan ay nakakaubos din ng pasensya kapag ganito kakukulit ang mga kaibigan mo, parang ang sarap na lang biglang manapak!
"Eh ssob bakit nga!?" pangungulit naman ni Chris.
'Jusko naman, kanina pang tanong 'yan! Kinginang 'yan, paulit-ulit!'
"Anong bakit ba!?" nauubusan na talaga ako ng pasensya sa kanila ah!
"Bakit nga 'yon? Bakit 'di mo tinuluyan 'yung leader ng mga baliw na 'yon!?" tanong naman ni Emily,
'Nasagot ko na 'yan kanina eh! Badtrip,'
"Wala nga kasi ako sa mood." mahinahong sagot ko.
'Isa pa talaga,'
'Isang tanong pa ulet, kekeltukan ko na talaga silang lahat!'
"Eh bakit naman wala ka sa mood?" si Samantha,
"Basta!" inis na sigaw ko sa kan'ya pero hindi talaga sila natitinag no'n.
"Anong basta ssob? Ano bang nangyare!?" si Jonathan naman ngayon!
'Kailan ba titigil ang mga 'to katatanong?'
"Tumahimik na nga kayo." napapapikit na utos ko sa kanila dahil baka kung ano pa'ng magawa ko 'pag sumabog ang inis ko.
"Sagutin mo muna kami!"
"SHUT UP!" malakas na sigaw ko kaya natigilan naman sila bago...
"HAHAHAHAHAHAHAHA! NAGIGING ANGHEL KA NA ICE AHH!" Imbis na matakot ay lalo lang nila akong inasar! Ano bang kinain ng mga 'to!?
Napatakip nalang ako ng tenga ko nang wala silang tigil sa kakatawa! Tsk!
'Damn it! They're out of their minds!!'
-BEEP! BEEP! BEEP!-
Bumusina at huminto sa harapan namin ang isang itim na sasakyan.
'Ferrerari? Hmm, dapat yung isang kotse ko na lang ang dinala ni Mr. Chang. Tutal makukulit naman ang mga 'to, madudumihan lang ang paborito kong sasakyan. Tsk!'
'Ano pa bang magagawa ko? Eh 'andito na? Alangan naman ipabalik ko 'yan sa bahay!'
"Oy, ayan na 'yung kotse ni ssob! Ang ganda 'no? Sa pagkakaalam ko 'yan ang paborito n'yang sasakyan, 'diba? Tara dumihan natin!" pang-aasar pa ni Chris!
'Gago talaga amp!'
"Subukan n'yo lang talaga, makakatikim kayo sa akin ng ultimatum!" nanlalaki pa ang mga matang pananakot ko sa kanila.
d^__^b!
"Joke lang naman ssob eh, di ka naman m-mabiro eh," nangingilag pang anya.
"Ayan yare ka HAHAHAHAHA!" pananakot pa ni Ly sa kan'ya at sinamaan n'ya naman ito ng tingin.
"Kayo 'diba!? Kayo ang sinabe ni ssob! So it means kasama kayo! Tch!" naiinis na sigaw n'ya sa kanila pero tinawanan lang sya ng mga ito kaya lalo naman s'yang nagpapapadyak, parang batang inaagawan ng candy!
"Abnormal ka kasi eh, HAHAHAHAHA!" si Jonathan.
"Oo nga HAHAHAHAHA, alam mo ng favorite ni ssob ang kotse na 'yan balak mo pang dumihan? Aba eh tara! HAHAHAHAHA!"
'Takte ginatungan pa lalo ni Sky! Pa'no ko ba naging kaibigan ang mga 'to? Daig pa mga batang paslit kung magsi-asta! Tss.'
"HAHAHAHAHAHA, gusto n'yo pagkain? Meron ako sa bag ko!" isa pa 'tong si Sam! Putakte!
"Sige!" sabay-sabay nilang sigaw habang mapang-asar na nakatingin sa akin.
'Damn it! Alam ko na ang binabalak nila! Noooo, 'yung kotse ko! Huhu...'
Balak ko pa sana silang pigilan sa pinaplano nila pero nauna na silang makasakay sa kotse ko.
'Ang kakapal ng mga mukha! Baka ako ang may ari ng kotse, nauna pa kayo mga hangal!'
"H-Hoy!" habol ko sa kanila pero dinilaan lang nila ako tsaka isinara ang pinto ng sasakyan ko.
'Demmit! Demmit!'
"It's nice to see you again, Ma'am Ice," nakangiting bati sa akin ni Butler Chang.
"Tsk!" singhal ko nalang at bahagya naman s'yang natawa.
'What now? May nakakatawa pa rin ba!?'
"You're still the same haha. Sa'n tayo ma'am?"
"GHO tayo..." tango nalang ang iginante n'ya at nakangiting ibinaling sa daan ang paningin.
'They're all freakin' weird!'
-
"Good Morning ma'am," bati sa akin ni Steve isa sa mga ka gang-mates ko.
'Yes, I'm a leader of a gang. But unlike those gangs sa loob ng University ko, namin, hindi kami nagyayabang basta basta lalo na pag 'di namin tanchado ang kalaban...'
"Si Time?" tanong ko sa kan'ya, nauna naman na sina Sky dun sa meeting room namin para ayusin lahat nang nando'n.
"Nasa bahay n'yo ma'am,"
"Saang bahay?"
"Sa Batangas po..."
"Sige, tawagin mo 'yung iba. Mag memeeting tayo ngayon," maawtoridad na sabi ko tsaka dumiretso sa investigatory room. Doon lahat nakikita ang CCTV footage. Chineck ko naman ang mga 'yon baka kasi nag-uumpisa ng kumilos si X. Buti nalang at wala pa naman akong nakikitang kahina-hinalang tanong nagmamanman dito sa GHO.
"Kumpleto na silang lahat do'n! Pumunta ka na..." yaya sa akin ni Sky at tumango naman ako.
"Kumikilos na ba ulit si X?" tanong n'ya habang naglalakad kami papunta ro'n at umiling naman ako, "Kaya mo na ba ulit s'ya harapin?"
'Bakit naman ngayon n'ya pa naisipan itanong 'yan? Tsk.'
"Ayoko munang pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yan Sky," seryosong usal ko at tumango naman s'ya.
Tahimik ang lahat ng makarating kami doon. Kumpletong kumpleto, walang sobra at walang kulang. Ang gang ko ay mayroong mahigit benteng members, at ang lima doon ang syang lagi ko ngang kasama. Sila ang pinakamagagaling sa lahat. Samantala 'yung iba naman nagsisilbing taga bantay ng GHO namin, at body guard kapag may umaalis ng mag-isa.
"May balita na ba doon sa pinaaasikaso ko sa inyo?"
"Yung about ba kay X, ssob?"
"Oo," huminga muna ako ng malalim bago blankong tumingin sa kanila.
"Ang sabi ay sa loob daw ng M's University kasalukuyang nag-aaral 'yon..."
'So? Nakapaligid na pala s'ya sa akin, sa umpisa palang?'
"What? Ibig sabihin minamanmanan n'ya na kami simula pa lang?" tanong ni Samantha at tumango naman sila.
"Ang hindi namin alam ay kung sino s'ya doon sa loob ng University. Minsan lang natin nakita ang mukha n'ya, kaya't mahihirapan tayong hulihin s'ya..."
"Sigurado naman akong magpapadala na naman 'yon ng mga black mails eh," si Sky.
'Tama naman ang sinabe n'ya, sa lahat ng gagawin ni X lagi s'yang may babala. Hindi ko nga ba maintindihan kung bakit n'ya ginagawa 'yon gayong kalaban ang turing n'ya sa'kin. Tsk, may sira sa utak!'
"Hindi pa rin tayo sigurado, baka mamaya palihim na pala s'yang umaatake satin," opinyon naman ni Jonathan.
"Baka mamaya ay masalisihan tayo ng lintek na X na 'yan!" si Emily.
'Yan naman ang bagay na 'di ko hahayaang maulit na naman. Naisahan n'ya ako nung unang beses, 'di na 'yon mauulit pa,'
"Hindi sa pinangungunahan kita ssob, pero sana kung ano man 'yung nangyare sa 'NAKARAAN'. Kalimutan mo na."
dO__Ob!
'Pinagkadiinan pa talaga yung sa nakaraan eh 'no? Sira talaga ang ulo netong Christian na'to!'
"Matagal ko ng kinalimutan 'yon..." pagsisinungaling ko pa. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko eh, ayoko rin namang umamin.
'Tingin nya ba gano'n ko nalang makakalimutan ang nangyare noon? Eh kung 'yun nga ang motibasyon ko para patayin ang lalaking 'yon ngayon!'
"Kailangan ko kayong maging handa kasi kahit anong oras maaaring magkaroon ng labanan sa pagitan ng dalawang grupo. Grupo naten at grupo nila. Sa madaling salita mauulit ang malawak na GW noon at maaaring mas lumala pa ngayon..." seryosong pahayag ko. Alam ko naman kasing mangyayare talaga ang bagay na 'yon ang hindi ko lang alam kung kailan.
Nag-usap usap pa kami ng ibang plano kung sakaling dumating ang araw na 'yon bago tapusin ang meeting. Nakita ko pang nag-unat sila Sam sa dami ng napag-usapan,
"Sa tingin mo? Isa kaya sa mga tinatawag na 7 kings si X?" tanong ni Sky kay Sam.
'7 kings? Ano naman 'yon?'
"Hindi ko alam, pero may posibilidad. Dahil mas lalakas ang powersa n'ya kung kasama sya do'n," sagot naman ni Samantha sa kanya.
"'Di kaya 'yun 'yong sinasabe mong naglagay ng mantika sa daan!?" pasigaw na tanong ni Emily, nakakarindi ang bibig.
'Sino? 'Yung parang nginudngod sa harinang lalaki? Sobrang puti amp! Imposible napaka-isip bata naman ng isang 'yon, hindi. Malabong s'ya 'yon, tss. At isa pa, hindi naman gano'n ang mukha ni Xein...'
"Hindi sya 'yon," singit ko sa usapan nila kaya napalingon naman silang lahat sa'kin.
'What?!'
"Pano mo naman nasisigurado? Eh halos dalawang araw mo palang s'yang nakikilala?" si Nathan.
'Ngayon pa sila nagduda?'
"Masyadong isip-bata ang isang 'yon para maging si X. Wala din s'yang kakaibang kilos, normal 'yung ginagawa n'ya. Pati yung pagkilos n'ya ng pagiging abnormal, normal lang din. Tsk, alam ko ang hitsura ni n'ya, 'wag kayong praning..."
"Pano naman kung nagkukunwari lang s'ya? Ha! 'Di mo ba naisip 'yon?"
'Eh? Ang OA naman ata ngayon ni Christian? Mukha ba 'kong tanga ha? Kung makapagsalita ang mga 'to! Tsk!'
"Mukha ba 'kong 'di nag-iisip?" inis na baling ko sa kan'ya. Pakiramdam ko kasi minamaliit n'ya ang kakayahan ko. Baka nakakalimutan n'yang kahit sila ang pinakaclose ko, ako pa din ang pinuno nila.
"Hindi sa hindi ka nag-iisip! Pa'no kung tirahin ka no'n patalikod? Hindi sa lahat ng oras kaya mo kasi Ice! Oo, kasama mo kami pero hanggang saan? Hanggang kailan? Nag-aalala lang naman kami sa'yo! 'Di mo ba maintindahan 'yon?"
Hindi naman ako agad nakasagot sa mga sinabe ni Chris pero mas umaapaw pa rin sa sistema ko ang inis sa mga tinuran n'ya, hindi maganda sa tenga. Para sa akin ay talaga namang nakakasira ng mood.
'Ano ba'ng pinapalabas n'ya? Na ano? Mahina ako? Bobo ako? Hindi ko kayang lumaban mag-isa? Pinalagpas ko na ang mga ginagawa nila kanina pero ang pag sigaw n'ya sakin ngayon parang 'di naman na yata tama! Ang OA na masyado!'
Tumayo ako at inis na nilingon s'ya, bago magsalita. "Nagsimula ako ng mag-isa, kaya kaya ko'ng nag-iisa. Hindi naman ako tanga Chris! May utak ako oh!" pagtuturo ko pa sa sintido ko, "Kaya makakapag-isip ako! Tapos sasabihan mo ako ng gan'yan? Ano bang gusto mong iparating? Ha? Baka nakakalimutan mong mas mataas pa rin ako sa'yo! Hindi lang ikaw at kayo ang namomroblema, okay? So shut the f*****g up!" inis na sigaw ko bago lumabas ng kwartong 'yon. Bigla nalang nauwi sa gano'n 'yung usapan namin! Tsk.
Ang ayos-ayos kasi 'diba? Matino 'yung pag-uusap namin tapos sinabayan n'ya ng pagiging OA! I hate it, lalo na pag gano'n ang paraan ng pakikipag-usap sa'kin! Ayaw ko ng minamaliit ang kakayahan ko and worst pinagmumukha akong kawawa.
'Nakakapang-init ng ulo! Tss.'
TO BE CONTINUED...