ICE'S POV Pinabayaan ko nalang dun si Layus na nakahandusay sa sahig, mukha naman kasi syang nag-iinarte lang. Well, as always maarte naman pala talaga yun, wait---back to the main topic muna tayo. Hindi man ako nagpahalata pero nagulat ako ng makita ulit kanina si Lauren, matagal na din kasi ng umalis sya sa grupo. Nung mga panahon na yon kasi ay binabalak nya talaga umalis kaya lang walang makitang dahilan ang Impress para payagan sya kaya naman tinulungan ko syang gumawa ng gulo na aakalain ng iba na sya ang masama para magkaron ng valid reason. Magaan sa loob nyang ginawa ang bagay na yon kahit na alam nyang itatakwil sya nina Sky pag nalaman nila ang tungkol don at 'di nga kami nagkamali gano'n gano'n ang nangyare. Halata pa din naman sa reaction nila kanina pagkakita pa lang sa kany

