ICE'S POV -Kinabukasan- Monday. Grabe ang sakit ng ulo ko. Ito ang dahilan kung bakit nakakatamad na din uminom ng alak eh! Tsk. Marahan ako nagmulat ng mga mata at hindi na nagulat ng makitang nandito sa loob ng kwarto ko si Hydra. Malamang sya ang nag-asikaso sa akin, at magmamaktol, mangungulit na naman ang isang yan tungkol sa mga nangyare kagahapon...t-teka ano nga bang nangyare kagahapon? Tsaka pano ako nauwi dito sa kwarto ko? Shems! Wala akong maalala na kahit ano! "Nako, nako, nako. Sinasabe ko na nga ba't wala kang maiisip na kahit ano kagabi since masyado kang lasing! Oh! Inumin mo muna yan para magising ka kahit papano!" nakangiwing usal ni Hy at inabot sa akin ang isang mug na kape na sya namang kinuha ko din. Mas masaya sana kung shake na lang ang inabot nya sakin. "How

