bc

The Last Petal on the Daisy

book_age16+
33
FOLLOW
1K
READ
second chance
drama
bxg
campus
childhood crush
first love
school
like
intro-logo
Blurb

The daisy oracle is a game of plucking the petals of the daisy one by one and saying he loves me and he loves me not repeatedly until the last petal where you will find out if he truly loves you or not ...

chap-preview
Free preview
Simula
"He loves me...He loves me not..." The little maiden plucks the last petal of the daisy hoping that he at the end of the day will finally loves her, but time passes by and the result remains the same. He can't love her but what if one day he will? Day and day and day will pass but nothing happens. She still hopes for a miracle to happen. Everybody adores her because she is a beauty, everybody envies her because she came from one of the wealthiest family in her city and everybody loves her because she have the purest heart. But she doesn't care any of that because the only person she cares about doesn't even give a glance of her, he doesn't care about her being wealthy and he hates her because of that. And even if nothing happens and if he hates her every single day, she would still hope for a miracle to happen that maybe someday when she plucks the last petal of the daisy he will finally love her "That's a very nice essay Mira. That is really inspiring" nagpalakpakan ang mga kaklase ko sa sinabi ng literature teacher namin. I just finished reciting my essay, ngumiti ako. Pinaghirapan ko iyon kagabi, its about how a maiden hope for a love that will never comes. "Hindi ata nagustuhan ng fiancee mo" bulong sa akin ng kaklase ko. "Kith never likes anything when it comes to Mira" malungkot na sabi ng isa ko pang kaklase. Napatingin tuloy ako sa lalaking nasa pinakagilid. He is looking at me while shaking his head. Napangiti ako nang mapait, its not surprising anyway. Kasabay nun ay ang pagtunog ng bell hudyat na p.e. subject na namin. Sports ang pinag-aaralan namin ngayon at may practicum kami, As for me, when it comes to physical activities lagi akong hindi kasali because despite of everything, I have a fragile heart. Excuse ako lagi at binibase lang ang grades ko lagi sa exam o hindi kaya ay sa written works. Although my doctor always recommend exercising but not too much. Kaya parati lang akong nasa bench, nanonood at nagchecheer lang ako. Naka p.e uniform nga ako pero hindi naman ako nakakasali. Hinanap agad ng mga mata ko si KJ or Kith Joaquin but I call him KJ and he hates it lalo na kapag ako ang tumatawag nun. Its just because he hates me that's it pero wala akong pakialam. Natagpuan ko siyang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya at nakikipagtawanan. I would love to always see that smile pero pag sa akin napakasungit niya pero mas lalo siyang gumagwapo. "Puwede po bang sumali ako ngayon?" Tinanong ko yung teacher namin na nagbibigay na ng instruction sa mga babae. Basketball shooting kasi ang activity namin. Ibinibigay na ang rules at kung saang mga banda lang puwedeng pumwesto kapag magshoshoot na ng bola sa ring. Hindi na niya binigyan ng instruction ang boys dahil basic na lang sa kanila ito at alam na nila ang mga rules dito. "Mira, alam mo naman na hindi ka pinapayagan dahil bilin ng mommy mo hindi ba?" malungkot na sabi nito. "Shooting lang naman po sir, hindi naman po mismong maglalaro sige na po" bumuntong hininga siya at saka tumango na. Tumayo agad ako at saka nagpunta sa mga kaklase ko. Masaya nilang binigay ang bola sa akin para subukan. I tried it pero hindi naipasok iyong bola, first time ko lang naman e oh well, this will be fun! "What are you doing?" Natahimik kaming lahat nang marinig namin ang boses niya. Nilingon ko si sir para sana magpatulong magpaliwanag sa kaniya pero bigla siyang nawala, may kinausap siguro sa labas ng gymnasium saglit o hindi kaya nagpakuha pa ng ilang bola. Lumingon ako and I can see how dark his face is towards me. Galit na naman siya pero ang gwapo niya pa rin. Minsan naiisip ko na lang na hindi kaya concern siya sa akin kaya lagi siyang galit? "Sinusubukan ko lang naman" kinagat ko ang pang ibabang labi ko. Oh no, people are staring. Imbes na sumagot siya ay hinatak niya ako palabas ng gymnasium. Walang umapela because every kid in this school knows whats my relationship with him is, even the teachers , because they simply own the school. "What are you doing Mira Kelle Vedano?!" Tila kulog ang mga salitang binibigkas niya sa tuwing ako ang kausap niya. "Susubukan ko lang naman" pag-uulit ko, ang sungit niya talaga. "And what? You'll make your heart weak again? At itatakbo ka na naman sa hospital?" Seryoso niyang sabi. "You are such a bother! Alam mo naman na sa tuwing inaatake ka kailangan lagi akong nandoon?! I know you like me well obviously because you are the reason for this f*****g engagement to happen but stop using your illness to get to me!" Umiling siya at saka bumalik na sa gymnasium. Napakagat ako lalo sa ibabang labi ko, nalasahan ko na ang dugo kong lasang metal. Hindi ko na din mapigilang umiyak. Yup, he is not really concern or worried of me, he just hates being with me. Naramdaman ko ang bigat ng dibdib ko, God no! Not this time please. Mas lalo lang akong umiyak, mas lalo lang ding bumibigat ang nararamdaman ko. I tried calming myself pero hindi na siya natatanggal and without knowing it everything just turn black. I woke up not surprisingly na narito na naman ako sa hospital, lying on the hospital bed wearing a hospital gown and there is a needle in my arm. I blinked several times para lang mag-adjust yung paningin ko in this room. Hinanap ko agad kung nandito na si mommy pero I guess not dahil si KJ ang nakita ko, he is standing on the side nakasandal siya sa wall at kasalukuyang nagtitipa sa cellphone at nakaearphones. Hindi niya parin napansin na gising na ako kaya gumalaw ako. Nang napansin niya ang paggalaw ko ay tumingin siya agad sa akin at saka tinanggal ang earphones niya. Hinilot nito ang sintido at saka naglakad patungo sa pintuan. "You are awake now so I'm leaving just wait for tita to arrive, nandiyan na siya sa ibaba" malamig niyang sabi at saka tuluyang umalis. Hindi man lang tumagal ang tingin niya sa akin. Bumuntong hininga ako, sanay ako na siya lagi ang nadadatnan ko sa tuwing gigising ako sa hospital. Sanay din ako na lagi siyang umaalis agad kapag nagigising na ako. Papagalitan kasi siya ng mommy niya kapag iniwan niya akong hindi pa nagigising o okay. That's the only reason. Maya-maya pa ay dumating na ang isang nurse at ng doctor ko, Dr. Val Saguin. Our family doctor. "I told you to be careful about stress and emotions" he smiled a bit. "Sorry po doc" mahina kong sabi. "Well, fortunately it's just a mild one pero sa susunod mag-ingat ka talaga" tumango ako at saka niya tinignan ang kung ano mang naroon sa hawak niyang papel. Bumukas ang pinto at iniluwa noon si mommy. My mom, Audrey Vedano, is the only family I have, my dad died because of the same disease I have kaya naman ingat na ingat si mommy sa akin. Well, I have tita Kelly Yuchengo, ang mommy ni KJ at bestfriend ni mommy. Both our dad dies two years ago, sa akin sa sakit sa puso while he's dad died in an accidental car crash. Lumambot ang mukha ni momny ng makita ako. Agad niyang kinausap si doc pero hindi ko na narinig. I've never really heard anything na pinag-uusapan nila tungkol sa sakit ko kahit 18 na ako. My mom will always say it will just stress me out kaya okay na ang alam ko lang ay may sakit ako sa puso. Pinagmamasdan ko silang nag-uusap nang mahina, you can see how worried my mom is and she just nod to everything my doctor say. "I told you to take it slow" mahina niyang sabi at hinaplos ang kamay ko na malapit sa may pinagtusukan ng karayom. Ngumiti lang ako. She have restrictions for me pero she will always give me what I want kasi ang lagi kong sinasabi, I want to be a normal teenager and yolo lang, you know I only live once and hindi ko pa alam kung hanggang kailan talaga ako mabubuhay. Si mommy din ng dahilan kung bakit nangyari ang engagement namin ni KJ, my mom owns our family company lalo na nung nawala si daddy and KJ's family own the school and some businesses. I told my mom I want to marry KJ. umiyak ako isang gabi sa kaniya at nagmakaawang ipakasal ako sa kaniya and she did, kinausap niya si tita Kelly with a promise to merge our company and to invest in their school. He hates me because of that, he hates everything about me. "We can go home now" bulong niya sa akin at inaalayan akong umupo. Tumango ako. Tinulungan niya akong mag-ayos at saka pinahintay saglit para magbayad ng bill at kung ano pa. While waiting, I got my phone and texted KJ. "Uuwi din daw kami ngayon. Salamat sa pagbabantay :)" and I clicked send. Nangiti na lamang ako ng mapait nang makita kong kahit isa sa mga text ko ay hindi niya nirereplyan. Himala nga na hindi nakablock ang a numero ko sa kaniya. I'm trying to call him sometimes pero lagi niya lang pinapatay. He is so distant, sobrang lapit naman niya pero hindi ko siya kahit kailan naabot. Magkaibigan naman kami noon, noong 6 years old kami o kung kaibigan bang matatawag iyon noon na nanatili na hanggang doon na lang. The next day I still went to school, iyong mga ganitong heart pains at faints ay normal na para sa akin. Ilang beses na akong nagpabalik balik sa hospital. Sanay na rin ang mga kaklase ko o ng buong paaralan namin sa akin. It's nothing new and surprising. "Okay ka na?" Tanong ni Heather, iyong isa kong kaklase. I don't have a lot of friends. Nabibilang lang ang mga sinasamahan ko. One of them is Heather, bukod kay KJ, kaklase ko na siya simula elemetary kaya medyo kilala ko na talaga. Heather is always there, lagi niya akong tinatanong kung okay lang ako o laging tinatanong kung may kasabay ba akong kakain lalo na nung naghigh school kami. She is really nice and I consider her a friend but not a bestfriend, si KJ pa rin ang bestfriend ko well can I say one-sided bestfriend. "Oo Heather, salamat" ngumiti ako sa kaniya, tumango siya at bumalik na sa upuan niya. Sinulyapan ko si KJ, nakaearphones lang ito at saka nakapangalumbaba. Ang gwapo niya talaga pero lagi na lang seryoso at masungit iyong mukha niya. Kailan ko kaya makikitang ngingiti siya para sa akin. Maya-maya nagring na iyong bell namin hudyat sa first period at home room namin. "We will have our yearly friendship trip" masayang anunsyo ni ma'am. Nagsimula na tuloy silang mag-usap usap sa kung gaano excited ang lahat para doon. Hindi ko alam kung papayagan ako ni mommy dahil hindi naman ito required pero baka puwede na rin dahil mayroon naman si KJ. "Its going to be in Ilocos Vitalis Villas. I'll give the waiver to your president para siya na ang magdistribute nito" Mas lalo tuloy umingay ang buong classroom. Siguradong walang hindi pupunta, sigurado ring bawat parents magplepledge ng iba't ibang puwedeng ishoulder na gagastusin. Pagkatapos nun nagproceed na si ma'am sa discussion. Ganun ang ginawa namin hanggang recess. Hindi naman ako lumalabas pag recess talaga o hindi masyadong kumakain. Nagbabaon lang ng inuming juice tas nagbabasa na lamang ng novel o ginagawa na iyong mga assignment namin na kasasabi lang sa mga naunang subject para walang gagawin. "Look at Grace, akala mo naman nagpapaturo talaga kay Kith pero nagpapacute lang naman" umiiling na kalabit ni Heather. Nilingon ko tuloy si KJ, willing na turuan ang mga kaklase kapag nahihirapan. Masungit at suplado pero siya din kasi ang president ng classroom namin kaya wala siya minsan magawa kapag humingi ng pabor ang mga kaklase. Napansin ko kung gaanong hinahayaan niya lang na magkadikit ang mga braso nila pero kapag sa akin ay parang nandidiri pa siya. Nagseselos ako na hindi siya naging ganiyan sa akin. Sinubukan ko naman minsan magpaturo pero binara lang niya ako at sinabing hindi ko naman kailangan nun dahil magaling naman daw ako at napagalitan pa. "Alam naman niyang fiancee na niya si Mira a" sabi pa ng isa kong kaklase. "Pinanghahawakan niya sigurong Kith hates Mira kaya akala niya may pag-asa" umiling pa ang isa. Tahimik na lang akong nagsolve ng assigment sa math. Hindi ko to naiintindhan minsan pero wala naman akong mapagtanungan kaya mas nageeffort akong mag-aral at saka nasa top 3 ako lagi ng ranking, gusto ko ding maging proud si mommy. Ngumiti si KJ nang magpasalamat si Grace, napasulyap siya sa akin at nahuli niyang nakatingin ako sa kaniya. Tinaas niya lang ang kilay niya at saka umiling. "Tss, swerte na nga dapat si Kith sayo Mira. Maganda ka, matalino, mabait tas ang dami pang nagkakagusto sayo" Heather said. "May sakit naman sa puso" mapait kong tugon sa kaniya. "Gwapo rin naman si Kith, siya ang top 1 natin at class president, ng basketball player din ng varsity team, masungit nga lang pero approachable naman kapag magpapaturo ka ng studies mo" counterpart nung isa kong kaklase. "Mira, hayaan mo na lang. Isang araw makikita din ni Kith yang worth mo. Magsisisi siya na hindi ka niya pinapansin ngayon at kinaiinisan" ngumiti si Heather sa akin. Ngumiti na lang din ako sa kanila. Darating kaya iyong araw na magsasawa ako sa kakahabol sa kaniya? darating kaya iyong araw na hindi ko na siya mamahalin? Pero siguro mahihirapan ako. Nang natapos ang klase umuwi agad ako at saka deretsong nagpalit para makagawa na ng assigment, ito naman kasi lagi kong ginagawa pagkatapos hihintayin din si mommy para sa dinner. "Mira, baba ka daw nakauwi na si mommy mo at kasama niya ang tita Kelly mo" tumango ako at inayos na mga gamit para bumaba. I don't think KJ would come, he never comes laging sinasabi ni tita Kelly na nagprapractice sa basketball o meeting sa student's affair o nag-aaral pero ang totoo, hindi niya ko gustong makita. He will find it ridiculous at hindi niya iyon tinatago sa akin. Kaya naman nang makita ko siyang nakapamulsa at nakasandal sa may pintuan papuntang labas ng pool ay nagulat ako. Pinapanood nito sina mommy at tita Kelly na nagtatawanan habang nag-aayos ng mga biniling pagkain. Huli na nang mapansin kong nakapajama na ako. Nang mapansin niya ako ay nagtaas siya ng kilay. Umiwas na lamang ako ng tingin at saka lalapitan na sana sina mommy nang mapansin nila ako. "There you are iha, namiss kita" nilapitan ako ni tita Kelly at saka ginawaran ng halik sa noo. "Good evening po" bati ko kay tita Kelly She really looks like KJ, from his doe eyes to his smile. Ang nakuha lang ata niya sa daddy niya ay ang tangkad. "Kith give your gift to Mira" inilabas niya sa kaniyang bulsa ang maliit na box at saka inabot sa akin. Ito lagi iyong mga pagkakataong gustong gusto ko, mabait kasi siya sa akin kapag mayroon ang parehong mommy namin. He smiles at me, he gives me gift although I know tita chooses and buys those gifts, he never gets mad when we are infront of our mom. "That's so nice of you Kith to give Mira a gift" ngumiti sa akin si mommy kaya nginitian ko din siya pabalik. "Let's eat" anyaya na ni mommy sa kanila sa hapag para kumain. "How's school Kith? Balita ko top 1 ka pa rin. Soon enough you will both manage your family's company and our company" anunsyo ni mommy. "Thank you tita, top 3 din naman po si Mira and she is really good specially on her essays and poems" ngumiti si KJ "I know although I always tell her, on top or not I will still be proud of her. You know I just want her to always be safe and take care of her heart" tumingin sa akin si mommy at hinawakan ang kamay ko. "Alam mo naman iyang si Mira, she always wanted to do her best for you Audrey" tumango tango si mommy. "Anyway, about your frienship trip, Kelly don't worry I'll handle the accomodation" anunsyo ni mommy. "May parent's meeting on saturday kaya doon mapag-uusapan pa ang mga pledges pero sige sasabihin ko na agad ang accomodation" cheerful na sabi ni tita. "Kith, please look after Mira on that trip. Hindi ko siya mapipigilang sumama kaya magtitiwala ako saiyo" ngumiti nang tipid si mommy kay Kith. Napatingin tuloy ako sa kaniya, nagtama ang mga mata namin. He just smiled to my mom. "Of course tita, makakaasa naman po kayo lagi sa akin" and he look at her mom. "I'll make sure walang magiging problema" si tita Kelly. We continued eating while both our mom shared so many stories na silang dalawa lang ata ang nakakarelate, sumasagot lang kaming dalawa ni KJ kapag ka may itatanong sila. "Mauna na ako sa kotse Kith, I'm sure mag-uusap kayo ng kaunti. I'll wait for you there" nagpaalam na si tita Kelly kay mommy at sa akin. Nagpaalam na din si KJ kay mommy pagkatapos. Sumunod lang ako sa kaniya habang palabas na siya ng bahay. "Don't be happy about the gifts and all of that, you know I only said that to please my mom" napayuko agad ako. "I know" mahina kong sabi. Balik lungkot na naman tayo. "Mira, stop using your disease to get me because I tell you now and I will tell you over and over again that I will find a way to break this engagement off" his dark expression lingers into mine. Alam ko din iyon, alam ko na darating iyong araw na siya mismo ang gagawa ng paraan para matigil ang kahibangan ko sa kaniya. Hindi ko naman siya masisisi, napakaselfish kong tao. Sarili ko lang iyong gusto kong mapasaya. Naglakad na siya palayo, hindi na hinintay ang sasabihin ko. Pinagmasdan ko lang siyang binubuksan ang sasakyan nila at pumapasok sa loob. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon na mawala na iyong nararamdaman ko para saiyo. Hindi rin naman siya magiging masaya sa akin. Sinong gustong mahalin ang isang kagaya kong may mali sa puso niya. Pagtyagan mo lang ako ngayon kasi darating din naman iyong araw na hindi mo na ako makikita uli.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.2K
bc

YAYA SEÑORITA

read
12.2K
bc

His Obsession

read
104.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook