3RD PERSON'S P.O.V. ---- DAHIL sa nangyari kay Farrah, nagalit ang kanyang ina. Ayaw niya sa lahat ay ang nakikitang umiiyak at nasasaktan ang kanyang anak. "Sino sa inaakala mo, Augustus Merced, para saktan ang aking anak? Pagsisisihan mo kung anong ginagawa ninyong dalawa ng iyong kasintahan." Mariin niyang sabi habang nakatingin sa malayo. Sinang-ayunan lang niya ang mga sinabi ng dalaga kanina, pero ang totoo ayaw niya kay Augustus. Hindi maaaring magkagusto ang kanyang anak sa isang Mafia. Lalong malalagay sa panganib ang buhay ng dalaga. Lumabas ang ginang sa silid nilang mag-asawa. Kailangan niyang gumawa ng paraan para maipaghiganti ang kanyang anak. Lumapit ang ginang kay Mr. Ogame, ang butler nila. Nagulat naman ang ginoo dahil unang beses siyang nilapitan ng ginang. "Ogame

