CHAPTER 11

2109 Words

3RD PERSON'S POV ---- DAHIL sa ginawa ni Farrah sa restaurant, pagbaba nila ng sasakyan ay kinaladkad ni Freddy ang dalaga papasok ng bahay nila. Napadaing naman si Farrah, dahil halos humiwalay na sa kanyang katawan ang kaluluwa niya. "Tama na iyan, Freddy, hindi ka pa ba napapagod!" Sigaw ng ginang sa asawa habang hinihila si Farrah. "Tumahimik ka diyan! Kung ayaw mo, pati ikaw ay madamay! Dapat ang sungay ng batang 'to, pinuputol na!" Malamig na sabi ng ginoo. Humigpit ang hawak niya sa braso ng dalaga. Nagulat naman ang mga kapatid ni Farrah dahil sa narinig nilang sigawan mula sa sala. "Ano na namang ginawa ng babaeng iyan, Dad?" Tanong ni Frederick habang pababa ng hagdan. "Huwag na kayong makialam dito!" Malamig niyang sagot bago hinila si Farrah papasok sa bakanteng kuwarto.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD