Matapos dalhin ni Augustus si Farrah sa orphanage, naging abala ito sa kanilang transaksiyon at sa pagpunta sa ospital para bisitahin si Shella. “Kumusta ang pag-iimbestiga mo kay Farrah?” Tanong ni Shella sa kanya habang pinapakain siya ng lunch. “Wala pa akong nakikitang kahit anong kahina-hinala na may alam siya sa nangyari,” sagot niya. Tumango naman ang dalaga bilang sagot. Muli niya itong sinubuan para kumain nang maayos. “Dinalaw ka na ba ng parents mo?” Tanong niya sa dalaga. Huminga ito nang malalim bago nagsalita. “Wala naman silang pakialam sa akin, ‘wag mo na lang aksayahin ang panahon mo. Dahil problema lang ang lagi kong binibigay sa kanila, ‘yun kasi ang nakikita nila,” naiiyak na sagot ng dalaga. Umiling naman si Augustus. “Magpagaling ka, iuuwi na kita sa bahay. Hindi

