3rd Person's POV Nagbangon si Farrah sa kanyang kama na may masamang pakiramdam. Mainit ang kanyang hininga na lumalabas sa bibig niya at napakainit ng katawan. "The fvck, nilalagnat na nga ako, kailangan ko pa ring pumasok." Mahina niyang sabi habang naglalakad papuntang banyo para maligo. May usapan silang mag-ama. Hindi niya pwedeng balewalain iyon dahil nakasalalay si Augustus. Halos manginig si Farrah dahil sa lamig ng tubig. Tiniis niya ang lamig upang makaligo. Pagkatapos niyang maligo ay nagpalit na siya ng uniform. Nagsuot na lamang ng jacket si Farrah. Bago tuluyang lumabas sa kanyang silid ay uminom muna siya ng gamot. Agad lumabas ng mansyon si Farrah, dahil mala-late na siya kailangan niyang patunayan sa kanyang ama na hindi ito magsisisi sa pagtulong kay Augustus. Nagulat

