FARRAH's POV Nagising ako na masama pa rin ang pakiramdam, pero hindi na kasintundi kagaya kahapon. Iginala ko ang aking paningin—paano ako nakauwi? Wala akong maalala. Ang huli kong alam ay sinubuan ako ni Augustus, pero sadya yatang KJ itong lalamunan ko! Talagang sumakit pa. Ayun na, eh, sinusubuan na ako ni Augustus. Napapangiti ako, kilig na kilig pa rin dahil sa pagiging caring ni Augustus. Kung ganoon ka-sweet ang maging pangarap ko, mas gugustuhin ko na lang araw-araw magkasakit. Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito. Si Lillian. Agad niya akong nilapitan nang makitang gising na ako. “Okay na ba ang pakiramdam mo?” May pag-aalala niyang tanong bago idinampi ang palad nito sa aking noo. “I’m fine, Lillian. Papasok ako ngayon,” naiirita kong sabi sa kanya bago inalis ang kama

