FARRAH’s POV Nagmulat ako ng mata dahil ramdam kong hinagkan niya ang aking noo. Ay, bakit doon? Dapat dito sa labi. Ang hina mo naman, Augustus! Kanina pa ako naghihintay. “Di ba sabi ko sa'yo last time, pag gumaling ka na, may pupuntahan tayong dalawa.” Pagpapaalala niya. Meron ba siyang sinabi? "Saan ba tayo pupunta na dalawa?" May pagtataka kong tanong, dahil baka itatanan na niya ako. Hindi na ako magpapakipot pa, kusang loob akong sasama. "Sa Linggo, free ka ba?" Pabalik niyang tanong. "Lalabas tayong dalawa, kung gusto mo lang naman. Kung ayaw mo, ay okay lang." Dagdag pa nitong sabi. Aww, ang tagal ko nang hinintay ang pagkakataong ito! “Sure, free ako! Kahit saan ‘yan, gora!” nakangiting sagot ko. Lumayo na siya sa akin. Walang kiss? Seryoso, Augustus?! "May tanong ako, Farr

