CHAPTER 6

2173 Words
FARRAH's POV ---- Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Napahawak ako sa mukha ko dahil masakit pa rin. Darn it! Grabe ang sakit ng pisngi ko! Baka nasira na ang maganda kong mukha! Wala talagang puso 'yung matandang 'yon! Napatingin ako sa gilid ng aking kama. Nakasalubong ang aking kilay dahil nakaupo sa sahig si Mommy habang mahimbing na natutulog at hawak ang aking kamay. Bumalik ang galit na nararamdaman ko nang maalala ang ginawa niya sa akin. Ilang beses ko na silang nakitang nag-aaway, pero nang makita kong sasampalin na niya si Mommy, lalo akong nakaramdam ng galit sa kanya. "I will do everything, Mother, just leave here," I said weakly to her. I knew how she was suffering, even if she never told me. Maingat kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin. May oras pa ako para maligo at pumasok sa school. Pumunta ako sa banyo para gawin ang aking morning routine. I could see a bruise and swelling on the left cheek when I looked in the mirror at my face. I wiped away the tears from the corners of my eyes and said coldly, "I won't let you hurt me anymore! After bathing and changing, I exited the bathroom. I saw Mommy sitting on the edge of my bed. "Does your cheek still hurt? How are you feeling?" sunod-sunod niyang tanong habang tinitingnan ang aking mukha. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. "I'm okay, Mom. Hindi ko naman 'to ikamamatay." Sagot ko sa kanya at ngumiti, pero agad din akong napangiwi dahil sa sakit. Walanghiya, pati pagngiti hindi ko magawa. Paano ako magpapacute kay Augustus nito! "Mom, next time, fight back against Dad. Do not let him hurt you again," I said seriously to her before embracing her. "Kailangan ko nang pumasok, Mom. Iwasan mo na lang siya para hindi na naman kayo mag-away ulit." Pagkasabi ko noon ay kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya. Kinuha ko ang aking bag at lumabas ng kuwarto. Pagbaba ko ng hagdan, sakto namang nasa sala ang mga kuya kong walang silbi. "Akala ko pa naman hindi na magigising," pagpaparinig ni Frederick. "Hindi naman ako katulad mong isang suntok lang ni Dad, isang linggo nang tulog!" Sagot ko sa kanya bago sila tiningnan isa-isa. "Bakit kayo nandito? Wala na ba sa inyo ang mga binigay na kompanya? Kawawa naman kayong apat, mga palamunin lang dito!" pang-iinsulto ko sa kanila. Pagkatapos ay ngumiti ako. Lumabas na ako ng bahay. Nakaabang ang ama ni Lallian. "Good morning po, Senorita." Bati n'ya sa 'kin ng maayos bago buksan ang pinto. I was quiet on my way to work. I opened my Facebo0k. This video of a bakery shop engulfed in flames greeted me. Nag-scroll down na ako; wala naman akong pakialam diyan. Post naman ni Maxima ang nakita ko, bago kami mag-exam kahapon. Scroll down lang ako nang scroll down hanggang sa magsawa. Binulsa ko na lang ulit 'yung cellphone. Maya-maya pa ay nakarating na ako sa pinapasukan kong paaralan. "Mag-ingat po kayo, Senorita." I simply smiled before finally leaving. Tiningnan na ng guard ang aking bag at ID, nang okay na'y tuluyan na akong pumasok sa gate. Pinagtitinginan na naman nila ako. Wala naman bago doon. Kailangan ko ngang magbago, kailangan ko ng make-up sa mukha. Nagtungo ako sa comfort room naming mga babae. Pagpasok ko sa loob ay wala pang tao. Nagtali muna ako ng buhok bago naghugas ng kamay. Habang naghuhugas ako ng kamay, may pumasok. Nagkatinginan kaming dalawa. Parang kilala ko ang babaeng 'to. Pumasok siya sa isang cubicle. Kinuha ko ang aking suklay. Mamaya na ako magme-make-up. "Hays, kung minamalas nga naman. Nakasabay ko pa 'yung malanding babae." Pagpaparinig ng girlfriend ni Augustus. Hindi ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa aking ginagawang pagsusuklay sa mahaba kong buhok. "Kailan mo titigilan ang pagdikit sa boyfriend ko?" Tanong niya sa akin habang naghuhugas ng kamay. "Ako?" Pabalik kong tanong sabay turo sa aking sarili. "Sino ba ang nandito? 'Di ba ikaw lang naman ang malanding lumalandi sa kanya kahit pinagtatabuyan ka na!" Mataray niyang sagot. Ngumisi naman ako. "Wala akong balak tigilan si Augustus, dahil lahat ng aking gusto ay nakukuha ko. Kaya kung sino man sa ating dalawa ang dapat lumayo, ikaw 'yon." Tiningnan niya akong masama. "Wala ka talagang magawa sa buhay mo? Pati buhay ng ibang tao ginugulo mo. Maganda ka naman, hindi mo lang ginagamit ang iyong utak. Alam mo na ngang may girlfriend 'yung tao, sige pa rin ang dikit mo. Sabagay, kahit ano namang gawin mong panlalandi sa boyfriend ko, hindi ka papatulan no'n dahil ako lang ang mahal niya." Nakangiti niyang sagot. Natawa naman ako nang mahina. "Talaga ba? Kung mahal ka ni Augustus, una pa lang hindi na siya pumayag na kumain kaming dalawa sa labas. Saka huwag kang pakakampante dahil puwede pang magbago ang lahat. Puwedeng mahal ka ngayon ni Augustus, malay mo bukas ako na pala 'yung mahal niya." Kita ko ang pagdilim ng maamo niyang mukha. Akalain mo 'yon? May pagka-demonyo din pala ang babaeng 'to. "Kaya kung ako sa 'yo, itali mo si Augustus dahil baka mamayang paggising mo, hindi ka na mahal, kundi ako na." Dagdag kong sabi na lalong ikinagalit niya. Natawa ako sa kanyang ginawang paghila sa aking buhok. Mahigpit niya itong hinawakan at hinila. Hindi ako nagpatalo. Hinila ko rin ang kanyang buhok. "Ang landi mong babae ka! Mayaman ka nga, wala namang nagmamahal sa 'yo!" Sigaw niya sa akin. Aba't ang kapal ng mukha ng babaeng 'to! "Ito ang tatandaan mo, mapupunta sa akin si Augustus! Kukunin ko siya mula sa 'yo!" Ganting sigaw ko sa kanya at mas lalong hinila ang kanyang buhok. "Ano sa tingin mo, papayag akong mangyari 'yon? Para sabihin ko sa 'yo, marami siyang plano para sa aming dalawa kaya huwag kang epal!" Pagmamayabang niya dahilan para lalo akong mainis sa kanya. "Lahat ng 'yon ay puro plano lang, dahil sa akin niya gagawin 'yon! Kami ang nakatadhana!" Binitawan ko ang kanyang buhok sa aking kamay at hinila siyang muli. Mas mahigpit ang pagkakasabunot ko ngayon sa kanyang buhok, gigil niya ako! Pareho kaming napatingin sa pinto nang bumukas ito. Nagulat ang kapwa naming estudyante nang makita kaming nagsasabunutan. Umatras silang magkakaibigan, dahil hinila ko siya palabas ng comfort room. "Malandi ka talaga! Bitawan mo ako!" Sigaw niya sa akin. Napadaing ako dahil muli niyang hinila 'yung buhok kong hawak-hawak niya pa rin. "Wala akong pakialam sa sinasabi mo! Alam kong malandi na ako since birth!" Gumanti ako sa paghila niya sa aking buhok. Mas malakas kong hinila ang buhok niya. Marami nang nanonood sa away naming dalawa. 'Yung iba ay kinukuhanan na kami ng video. Pareho kaming walang pakialam sa kanila. Wala kaming ibang ginawa kundi magsigawan at maghilaan ng buhok. "Kakalbuhin kitang bwisit ka! Ang kapal ng mukha mong sabunutan ako!" Sigaw ko sa kanya. Hindi ata ako kilala ng babaeng 'to. "Ikaw ang kakalbuhin kong malanding higad na linta ka! Ang daming lalaki riyan, boyfriend ko pa talaga ang napili mong landiin!" Ganting sigaw niya. Tumawa ako nang mahina. "What do you two think you're doing?" We both stopped in our tracks the moment we heard that familiar voice. "Augustus/babe" sabay naming tawag. Hindi siya umimik. Pinaghiwalay niya kaming dalawa ng kanyang girlfriend. Napatingin ako kay Shella dahil bigla itong umiyak. Ano 'yon? Biglang nag-drama? Walanghiya 'to! Kanina ang tapang-tapang, pero ngayon pabebe akala mo hindi makabasag pingan. "Ano ba problema mo? Wala ka na bang matinong magawa? Bakit pati ang girlfriend ko sinasaktan mo? Ganyan ka na ba kadesperadang makuha ako? Ilang ulit ko bang sasabihin na kahit ano'g gawin mo, hinding-hindi kita magugustuhan!" Malamig niyang sabi sa akin, lalong nag-init ang bungo ko. Nag-umpisa nang magbulungan ang mga nanonood sa amin. They are really gossipers! "Excuse me, siya 'yung naunang sumugod sa akin. Anong gusto mong gawin ko, hayaan siyang saktan ako?" Pagtatanggol ko sa aking sarili. "Sinungaling ka! Ikaw nga 'yung nauna! Naghuhugas lang ako ng kamay, bigla mo akong sinugod," umiiyak na sabi ng babaeng pa-victim na 'to. "Oras na sinaktan mo pa si Shella, kakalimutan kong babae ka. Puwede mong saktan ang iba, pero kapag si Shella na, ako, magdadalawang-isip akong saktan ka!" Mariin niyang sabi sa akin. "Teka, wala akong ginagawang masama." Tiningnan niya lang ako nang masama, bago hinawakan ang kamay ni Shella. "Augustus, pakinggan mo naman ako," habol ko sa kanya, pero tila wala siyang narinig. Tiningnan ako ni Shella at ngumisi. Lalo akong nakaramdam ng galit. Bwisit kang babae ka, hindi pa tayo tapos! "Augustus, please, pakinggan mo naman ako," pangungulit ko. Ayokong magalit siya sa akin. "Hindi ko kailangan ng paliwanag mong puro kasinungalingan! Saka puwedeng tumigil ka na sa pangungulit sa akin. Nakakairita ka!" Para akong tinusok ng maraming karayom dahil sa kanyang sinabi. Napako ako sa aking kinatatayuan. Naririnig kong pinagtatawanan nila ako. Sobrang sakit. Ngayon ko lang naramdaman 'to. ‘Yan ba ang tingin niya sa akin? Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Agad akong tumakbo palayo sa mga taong nanonood sa amin kanina. Bakit ganito? Hindi man lang niya ako pinakinggan? Dahil ba girlfriend niya ang babaeng 'yon kaya dapat niyang kampihan? Ang unfair! Kung hindi lang niya ako sinabunutan, wala namang mangyayaring gulo. Paglabas ko ng gate, agad kong pinara 'yung taxi na papalapit. Sinabi ko ang address namin. Iyak lang ako nang iyak habang pauwi sa bahay. Paano na niya ako magugustuhan? Sinadya ba ng babaeng 'yon para lalong magalit sa akin si Augustus? Dapat pala hinayaan ko na lang siyang saktan ako. Gano'n ba dapat ang ginawa ko? Ipagtatanggol at kakampihan niya ba ako kung sakali? Pagdating ko sa bahay, tumakbo akong paakyat ng hagdan. Nakasalubong ko ang aking ina. Nagulat siya nang makitang umiiyak ako. "What happened to you, Farrah? Bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa akin. Hindi ko siya pinansin. Ramdam kong sinundan niya ako. Pagpasok ko sa aking silid, dumapa ako sa kama. Umiiyak lang ako nang umiiyak dahil sa sama ng loob ko. "Farrah, anak, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" nag-aalala niyang tanong sa akin. Hinaplos niya ang aking likod. "Ang sakit, Mommy. Hindi man lang niya pinakinggan 'yung side ko. Dahil ba girlfriend niya ang babaeng 'yon? Tanggap ko namang hindi niya talaga ako gusto. Pero ang sakit na napahiya ako sa maraming tao. Kahit man lang sana hinayaan niya akong mag-explain, pero wala. Minsan lang ako magkagusto sa isang lalaki, hindi pa ako kayang mahalin," sumbong ko sa kanya habang patuloy pa rin sa pag-iyak. "Sino ba ang lalaking 'yan?" Muli niyang tanong. Kapag hindi ko sinabi, siguradong kukulitin niya ako. "Augustus Merced ang pangalan niya, Mom," agad kong sagot kay mom. Napahinto siya sa paghaplos sa aking likod. "I love him, Mom. I want Augustus to take me as his girlfriend," I almost whispered to her. I hugged her. I felt she did the same to me. "Shhh, tahan na. 'Wag ka nang umiyak, okay? Kung ayaw niya talaga sa 'yo, wala tayong magagawa dahil may nagmamay-ari na sa kanya. 'Wag ka nang umiyak. Subukan mong gayahin ang babaeng nagustuhan niya. Malay mo, balang araw, siya na ang papansin sa 'yo," payo niya sa akin. Napahinto ako sa pag-iyak dahil sa kanyang sinabi. "'Wag ka nang umiyak. Kung gusto mo talaga siya, ang una mong iwasan ay 'yung ayaw niya sa isang babae. Kapag hindi pa nag-work 'yan, itigil mo na. Marami pang lalaki na mas deserve sa 'yo. Kapag nalaman ito ng Daddy mo, magagalit na naman siya sa 'yo. Alam mo bang ang lalaking 'yon ay siya 'yung binabayaran ng iyong ama para pumatay." Nagulat ako sa aking nalaman. Alam kong may inuutusan si Dad na pumatay, pero hindi ko akalain na si Augustus 'yon. "Ayusin mo muna 'yang sarili mo, gulo-gulo ang iyong buhok," she said. I was taken aback. I told her what happened, how the girlfriend of Augustus and I fought. In an instant, her face became serious staring at me. "Walang masama sa ginawa mo, ipinagtanggol mo lang ang iyong sarili. Kung hindi man niya pinakinggan ang side mo, konsensya na ng lalaking 'yon. Ang dapat mo lang gawin ay ipakita na mas deserve ka niya. Kung kinakailangan baguhin mo ang iyong sarili para sa kanya, go. Basta masaya ka sa iyong ginagawa," mahabang payo niya sa akin bago punasan ang aking luha. "Basta huwag kang magpapahuli sa iyong ama. Lagi kang mag-iingat. Alam mo namang marami siyang mata sa paligid. Sige na, mag-ayos ka na ng sarili mo. Baka makita ka pa ng iyong ama." Tumayo na siya sa pagkakaupo. Seryoso ang mukha niya nang lumabas ng aking silid. Tama si Mommy. Gagawin ko ang lahat para magustuhan ako ni Augustus. Simula ngayon, babaguhin ko ang aking ugali. Gagayahin ko kung anong gusto niya sa isang babae. Kailangan kong makausap si Cornell. Siguradong alam niya kung anong mga tipo ni Augustus. "Humanda kang babae ka! Pinagmukha mo akong masama kay Augustus. Pwes, lalo kong lalandiin 'yang boyfriend mo! Don't me, b***h!" Mariin kong bulong habang nakakuyom ang aking kamay. ~ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD