FARRAH'S POV --- MAAGA akong nagising. Tahimik ang buhay ko ngayon; hindi ako pinag-iinitan ng mga kapatid kong kupal. Maging si Dad ay tahimik. Hindi ba siya hihingi ng tawad sa nagawa niya? Tsk, nakalimutan ko, si Freddy Fukuda pala ang isang 'yan. Kahit minsan ay hindi ko pa nakitang humingi ng tawad. Masyadong mataas ang tingin sa sarili, at pati pride niya ay hindi kayang masukat sa sobrang taas. "Ayusin mo ang iyong pag-aaral, Farrah, dahil balang araw, ikaw lang ang aasahan ng kumpanya. Yang mga Kuya mo, wala silang ibang ginawa kundi bigyan ng problema ang **kumpanya** na binigay ko sa kanila," seryoso niyang sabi habang nakatingin sa apat na kupal. "Edi lalo na silang nagalit, kung sa akin mo ibibigay ang kumpanyang matagal na nilang gustong makuha," nakangisi kong sabi haban

