*3RD PERSON's POV* ~~~ NANATILING tahimik ang dalaga, hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig dahil sa takot. Kahit ang lamig na dito sa opisina ng ginoo, pinagpapawisan siya ng malalaki sa kanyang noo. "Kailangan ko pa bang ulit Miss Ruiz?" Malamig na tanong ng ginoo, dahil tila walang balak sumagot ang dalaga. Nauubos na yung pasensya ni Freddy, ayaw niyang madaya ang dalagang na sa kanyang harapan. "Pa-pasensya na po." Paghingi niya ng tawad, huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "Pagpasok ko po sa comfort room, nadatnan kona silang nagaaway. Hanggang sa lumabas at ipinagpatuloy ang pag-aaway sa labas. Ang sabi po si Farrah, si Shella ang unang sumabunot sa kanya. Boyfriend po kasi ni Shella si Merced, lagi po kasing nilalapitan ni Farrah at minsan na din silang kumai

