" Lulu pwede mo naman na akong hindi ihatid sa trabaho ko kasi kaya ko na naman ang sarili ko, atsaka nagpahinga ka nalang sana sa inyo." mahabang pagpapaliwanag ko sa kanya habang naka tingin lang sa bintana ng sasakyan habang si Lulu naman ay seryosong nakatingin lang sa daan ng kalsada
" Ano ka ba babe, hindi kita pweding hayaan na pumunta sa unang araw ng part time job mo na ikaw lang magisa, kasi kailangan ko ring masiguro at malaman kung okay ba yung papasukan mong trabaho at kung hindi ka ba mahihirapan dun at lalong lalo na kung safe ba ang babe ko dun." mahabang paliwanag nya sa akin habang hinawakan ang kamay kong nakalagay sa hita ko.
" Atsaka para malaman ko rin kung kung sino-sino yung makakasama mo sa trabaho."
" Ang Oa mo nalang Lulu eh! sa coffee shop lang naman ako ng pinsan mo mag tratrabaho, Hindi naman sa bar." sagot ko sa kanya sabay tawa.
" Kahit na, gusto kung makita kung pano magtrabaho ang girlfriend ko at para masiguro ko rin na mababait ang mga magiging kasama mo ."
" Okay okay sige na, pero hindi ka magtatagal ha? kasi kung magtatagal ka baka hindi ako maka pagtrabaho ng maayos."
"Opo ma'am, hindi po ako magtatagal kasi pagkapatos ng paghatid ko sayo bababa lang ako saglit para makita ang working place mo. Tapos ay pupunta na ako kila Dexter kasi may tatapusin pa kaming plate at report na malapit na ang submission." wika nya sabay hawak ng mahigpit sa kamay ko sabay ngiti.
" Ah babe, may paper bag pala jan sa backseat pakikuha naman oh." utos nya kaya agad ko naman itong inabot
" Bakit ano ba ito at para kanino? regalo mo sa mama mo?" sunod sunod na tanong ko.
" Hindi para sayo yan, binili ko kahapon regalo ko yan kasi may trabaho ka na." wika niya sa akin kaya excited ko itong binuksan at nakita ko sa loob ang isang t-shirt, bimpo at bagong tambler na may nakalagay na "you did a god job" kaya na pa ngiti ako at kinilig ng konti. Ang swerte ko talaga sa lalaking to mapagmahal na ma-alaga pa wala na talagang makakatalo pa sa kanya kaya mahal na mahal ko to eh.
" Wow, ang sweet naman ng boyfriend ko talagang may pa regalo pa talaga para sa akin, Thank you babe." pasalamat ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya kaya tuwang tuwa naman ang baliw.
" Isa pa nga babe dito naman oh." sabi nya sabay turo sa labi nya.
"Mamaya nalang pag na ka baba na tayo ng sasakyan babe, baka mabangga pa tayo."
" Talaga ba sure yan ha!" excited na sabi nya.
Natanggap ako sa trabaho ko ngayon dahil narin kay Lucas kasi nung nalaman nya na naghahanap ako ng trabaho para matustusan ang pagaraw-araw ko pati narin ang bayad ko sa apartment buwan-buwan kaya nung sabi nya na may kilala daw sya na naghahanap ng part time job kaya pinatus ko na kaysa naman maghintay pa ako ng tawag sa mga naapplayan ko. Okay narin to, basta may pera lang akong pangtostus sa sarili ko.
At kung nagtataka kayo kung bakit ako lang ang bumubuhay sa sarili ko.kasi matagal ng pumanaw ang mga magulang ko bata pa ako noon ng nasangkot kami sa isang car accident at sa kasamaang palad ako lang ang nakaligtas dahil wala namang mag aalaga sa akin kaya na punta ako sa bahay ampunan sila ang nag-aruga, nag-alaga at nag-paaral sakin.
Pero noong nasa tamang edad na ako hindi na ako pwede sa ampunan kaya kailangan ko na daw umalis sabi ni sister kaya wala na akong nagawa kahit na labag sa loob ko na umalis kasi napamahal na silang lahat sa akin.
Pero bago ako umalis may binigay si head sister sakin na na sobre para daw pang panimula ko sa labas ng orphanages at may nagbigay din daw ng scholarship sa akin para daw makapag-aral daw ako sa college sila na daw bahala sa lahat ng gastos hanggang makapagtapos ako sa kursong kukunin ko ang proproblemahin ko nalang daw ay ang pang araw-araw ko kaya pumayag na ako.
At iyong ang dahilan kung ba't ako na punta sa Saint. Mary State Of College at nakilala ang isang Lucas Perez.
First Year ako nun at nagtitinda ako ng nag mga home made na ulam, nagpaalam naman din ako sa head ng schools at pumayag naman sila tulong nalang din daw nila sakin.
Isang araw napadaan ako dun sa architect building ng school para sana maghatid ng order ng isa kung costumer, pero nabangga ako ng isang lalaki na kasamahan ni Lucas kaya natapon ang mga paninda ko pero binayaran naman nila lahat ang na sayang na ulam at dun nga nagsimula. Hiningi ni Lucas ang number para daw maka order siya nang mga panindang ulam ko kaya binigay ko naman. Pero yung akala kung costumer ay ayun nagligaw at palagi siyang umoorder sa akin para makita at mainis narin ako at yun nga tumagal ng ilang buwan naging close na kami at nahulog narin ang loob ko sa kanya. Kaya hindi nag tagal ay sinagot ko na at ngayon nga, ito na umabot na kami ng dalawang taon ni Lucas minsan nag aaway pero ng kakaayos naman agad kami. Dahil hindi naman lahat ng relasyon ay perpekto diba?.
Natigil lang ako sa pagbalik tanaw sa nakaraan ng bigla nalang nagsalita si Lulu.
" Ouh, andito na tayo asan na yung kiss ko dito?" sabay turo sa labi nya, kaya na pa ngiti naman agad ako sabay mabilis na lumapit sa kanya at agad na hinalikan siya sa labi pero smack lang at mabilis na lumabas sa kotse at naglakad papunta sa butter sweet coffee shop kung saan ako magtratrabaho. Pero wala pang ilang minuto sumuod na agad si Lulu sabay sabi ng
" Huy babe, kiss ba yun? hindi naman eh." inis na wika nya.
" Kiss yun ano kaba, atsaka bilisan mo oh!, Anong oras na malalate na ako." wika ko sabay turo sa relo ko. Kaya wala na syang nagawa kaya sumuod nalang sa akin.