Nakaupo ako ngayon rito sa school bench habang inip na inip na naghihintay sa lalaking 30 minutes ng late, Ang sabi nya kanina sa text na malapit na daw sya. Pero mukhang puputi nalang siguro lahat ng buhok ko sa ulo hindi parin sya darating, Naku! lagot talaga sya sakin pag nagkataon makukurot ko talaga yun sa singit. Anong oras na oh! baka malate pa ako sa first day ng trabaho ko nakakahiya naman bwisit kasi tong is Lulu eh ang tagal tagal.
* Phone Ring*
Incoming Call
LuLu Mylabs
" Huy! lalaking pinag-lihi sa pagong asan ka na ba ha?" Pasigaw na tanong ko sa kanya.
" Pag ikaw wala pa dito in 5 minutes lalakad na ako at iiwan na talaga kita dito."
" Babe easy lang okay, baka ma high blood ka jan sige ka."
"Eh kasi naman, asan ka na ba ha? ba't ang tagal tagal mo? Anong oras na oh! baka malate na ako sa trabaho Lulu."
sunod sunod kung tanong sa kanya sa kabilang linya.
" Ito na babe malapit na malapit na wait ka lang okay, I will be there in 3 minutes."
" Siguraduhin mulang tala-----"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang niyang pinatay ang tawag.
Wow naman talaga sya pa yung may lakas ng loob na p*****n ako nang tawag lakas talaga ng apog nitong lalaking to, makakatikim na talaga sya sakin. Tatayo na sana ako ng bigla nalang may dalawang pares ng kamay ang yumakap sakin.
" Hi babe Mylabs." bulong nya sa tainga ko tapos ay naglakad papunta sa harap para maupo narin.
" Huy! Wag mo kung ma mylabs mylabs jan Lucas Perez ha! San kabagaling at ang tagal tagal mong dumating ha?" tanong ko sabay sa hampas sa braso nya.
"Ito naman hampas talaga agad ang salubong sa akin wala bang kiss jan babe? kahit dito lang oh!" sabay turo sa pisngi nya.
" Anong kiss kiss ka jan, pinag-antay mo ako ng matagal tapos ngayon hihingi ka pa ng kiss? kung hampasin ko rin kaya yang pisngi mo ha?" inis na sagot ko sa kanya.
" Ito naman kiss lang eh! high blood agad, diba pwedeng nagpapalambing lang ang babe mylabs mo?, kasi ubos na ubos na yung energy ko ngayong araw kaya kailangan ko na ng energy kiss mula sayo babaeng mahal ko."
sabi nya sabay yakap sa aking na parang bata hay! bahala ka ewan ko sayo.
" Wala na akong oras sa ganyan Lulu kasi may trabaho pa ako kaya dali na plsss." sabay hila ko sa kanya patayu pero ayaw nya talaga, ang tigas talaga ng ulo ng lalaking to sarap sapukin.
" Babe pwede bang 5 minutes mo na ohh? 5:30 pa naman yung pasok mo diba, tapos anong oras pa ngayon 3:30 pa may one hour pa tayong natitira sige na plss?" sabay yakap niya sa akin na naging sanhi ng pagkaupo ko ulit sa bench.
" Okay sige, magpahinga ka mo na jan 30 minutes lang lulu ha." Sabi ko sabay lingon at ngiti sa kanya. pasalamat talaga sya at nadala ako sa pagpapacute nya kung hindi higit pa sa hampas ang makukuha nya mula sa akin.
" Bakit ba kasi pagod na pagod ang baby Lulu ko? Ano ba kasi ang ginawa mo ngayon? wika ko sabay kuha ng tambler sa bag ko sabay abot sa kanya para maka inom na muna siya ng tubig.
" Siguro naglakwatsya ka no? pa-biro kung tanong sa kanya kaya napatigil sya sa pang inom ng tubig.
" Hindi ahh! Anong lakwatsya ang sinasabi mo? nag-aaral kaya ako ng mabuti, kaya nga ako na late ngayon kasi pinatapos pa ni prof. yung Plate na panagawa niya sa amin nuong nakaraang araw." mahabang pagpapaliwanag nya sa akin kaya na pa ngiti ako kasi may maganda palang dahilan kaya na late sya kanina.
" Talaga? eh natapos mo ba?"
" Oo, naman natapos ko na ako pa." wika nya na may malaking ngiti sa labi
Jan ako na inlove eh sa pa-ngiti ngiti nya. Hayy naku lucas ba't ba ang hilig hilig mong magpacute kahit hindi naman kailangan.
" Kaya wag kanang magalit Mrs. Maria Casandra Perez Sorry na!" wika nya sabay patong ng kanyang ulo sa balikat ko at pumikit na para bang natutulog.
" Huy Anong Mrs. Maria Casandra Perez ha? ehh Gomes ang apelyido ko." baliw talaga tong lalaking ang advance mag isip ipagsama ba daw yung pangalang ko at apelyido nya parang temang.
Pero bagay naman diba? Mrs. Maria Casandra Perez oh pak na pak pero self wag marupok di pa tayo sure jan.
" Bakit magiging apelyido mo rin naman yung apelyido ko ha! hindi pa nga lang ngayon pero soon diba mylabs?" sabi nya sa akin sabay taas baba ng kanyang kilay.
" Wait bakit ayaw mo ba? pag-tatakang tanong nya
" Pano kung sabihin kung sabihin kung Oo, may magagawa ka ba?" sagot ko sa kanya, hindi naman sa ayaw ko pero dapat pakipot muna tayo oyy at baka masabi nya na easy to get tayo hindi ako papayag jan no.
" Oh talaga bang ayaw mo? Sure ka na babe? kasi kung oo maghahanap na ako nang iba?" sagot nya sabay lingon sa paligid na para bang mayhinahanap.
Ah, ganon pala ha! edi maghanap sya ng iba bahala sya sa buhay nya.
" Edi simulan mo ng mag hanap ng iba! bahala ka sa buhay mo! " sabi ko sa kanya sabay tayu para umalis na sana pero si baliw hinila ako ulit papunta sa kanya na naging dahilan para mayakap na nya ako ulit.
" Ito naman, Hindi na mabiro ano ka ba! Ikaw lang yung babaing yayayain ko ng kasal kasal oyy, wala ng iba mylabs."
at mabilis na hinalikan ang pisngi ko, at dahil dakilang marupok ako, wala na hindi na ako galit bwisit na Lulu to alam na alam kung ano ang kahinaan ko yakap at kunting pagpapakilig lang wala na.
" Talaga ba? sure? ako lang wala ng iba?"
Sabi ko na para bang naninigurado talaga sa sinabi nya.
" Oo naman, atsaka ikaw rin naman ang lugi sa atin pagnagkataon kasi mawawalan ka ng chance magkaroon ng mabait, matalino, loyal at masipag na future asawa, bunos nalang yung gwapo at mayaman diba?"
" Wow talaga ba? Ang yabang natin ngayon ah! ako pa tagala yung lugi sa atin dalawa?" tanong ko sa kanya, pero ang baliw tawa lang ng tawa parang tuwang tuwa pa kasi na inis na naman nya ako ngayon bwisit talaga tung lalaking to.
Pero may tama rin naman si Lulu, Kasi ikaw ba naman mawalan ng isang Lucas Perez sa buhay.malaking lugi yun tagala non, kasi hindi kalang mawawalan ng lalaking baliw, mawawalan karin ng lalaking magpapakita sayo kung gaano ka kaimportante at kahalaga sa mundo.
At sa isang Lucas Perez ko lang naranasan ang ganitong klase ng pagmamahal na ito.