Tatlong taon na ang lumipas simula nung araw na yun, Ang araw na hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko.
Ang araw na nagbigay nang sobrang sakit, lungkot at saya na hindi ko makakalimutan.
Sakit kasi naloko nya ako.
Sakit kasi nagtiwala ako sa kanya.
Sakit kasi binigay ko lahat pati sarili ko.
Sakit kasi naging tanga ako.
At lalong-lalo na ang sakit kasi nawala sya sa buhay ko.
Pero kahit ganon may iniwan din naman siyang isang magandang regalo na naging dahilan para lumaban ako sa buhay. Ang dahilan kaya nagsusumikap ako ngayon sa buhay.
Isang munting regalo na kailangan kung mahalin at ingatan hanggang sa aking makakaya. Ang nagiisa kung alaala na naiwan mula sa kanya.
Muli akong naibalik sa reyalidad ng bila nalang may nagsalita sa harap ko kasabay nun ay ang malakas na tugtog na nagmumula sa harap ng stage sa bar.
" Excuse me miss. isang tequila nga."
Order ng lalaki sa harap ko. Kaya agad ko naman kinuha ang order nya at ilapag ito sa mesa.
" Ito na po sir." sabay ngiti.
" Ngayon ko lang nalaman na hindi lang pala ang mga customer ang magaganda dito pati rin pala ang mga waiter, miss pwede ka bang matable?" bulalas nya sabay kindat sa akin.
" Thank you sa complement sir I appreciate it, Pero sayo na rin po mismo galing na waiter ako, at hindi table girl magkaibang trabaho po yung sir bobo po ba kayo? ." deriktang sagot ko sa kanya.
" Ito naman ang sungit- sungit nag ta-tanong lang naman ako, at tsaka ganyan ba kayo trumato nang mga customer ha?" inis na bulalas nya sakin sabay hampas sa mesa.
" Hindi naman po sir mababait naman po ang mga nagtratrabaho dito, hindi nga lang sa mga katulad nyo." pa-balang ko naman sagot sa kanya sabay kuha nang drinking glass na nasa gilid nya.
" At sir mawalanggalang na po kung wala naman na po kayong kailangan pwede na po kayung umalis kasi nakaka desturbo na po kayo sa trabaho ko." wika ko bago umalis para kumuha ng ice cubes.
Bwisit na yung ang kapal nang mukha ang pangit na nga ang manyak manyak pa pasalamat talaga sya nasa good mood ako ngayon kung hindi baka nasapak ko na sya nang wala sa oras.
Habang busy ako sa pag lalagay ng ice cubes sa baso bigla nalang may nagsalita sa gilid ko.
" Sandra pwede bang pa suyo muna? paki dala naman ito sa V.I.P sa taas oh! may customer pa kasi ako dito please."
wika ni Micca katrabaho ko sabay lapag ng isang bote ng red wine sa harap ko.
" Sus! Yan lang naman pala, Saang room bato ihahatid?."
" Sa room 008 Sandra pasensya na talaga ha!"
" Naku, wala yung trabaho ko rin naman to ano kaba, sige una na muna ako at ihahatid ko lang to." sabi ko sabay alis upang ibigay natong bote ng red wine sa V.I.P room.
Nang makarating na ako sa harap nang room 008 kumatok muna ako bago buksan ang pinto.
* Tok *Tok* Tok
" Excuse me Sir. Your red wine is here may i come in?" sigaw ko pero wala naman sumagot kaya pumasok nalang ako. at pagbukas ko palang nang pinto tanaw ko na ang apat na lalaking masayang nagiinuman.
" Oh, the red wine is already here, just put it here Miss. Thank you. " sabi ng lalake sabay turo dun sa gilid nang mesa kaya walang alinlangan ko naman inilagay dun ang bote at sabay sabing,
" Sir. wala na po ba kayong kailangan kasi aalis na po ako."
" Ah! nothing na ganda thank you." - sagot naman nang isa nilang kasama sabay pakita nang maganda nyang ngiti sa akin. kaya naman ngumiti na rin ako bilang bigay galang na lang din sa kanya.
Pero infearness ang gwa-gwapo nilang mag ba-barkada. Mukha nga lang mga playboy sa porma at tindig pa lang alam mo na suki sila sa pagpapaiyak ng mga babae. Hay naku! mga lalaki nga naman, maka-alis na nga dito at baka kung ano pa ang masabi nang bibig kung ito delikado na.
Naglalakad pa lang sana ako panuta sa pinto nang bigla nalang itong bumukas at may pumasok na lalaking na ka business suit. kaya napatigil ako at napatingin sa kanya, pero mukhang mali ata ang ginawa ko kasi nagtama ang mga mata namin dalawa para akong nakakita nang multo.
Pero bakit nandito sya? Anong ginagawa nya dito? akala ko ba nasa america na sya?.
Natauhan lang ako sa pagtitig sa kanya nang bila nalang magsalita ang lalaking nasa likod ko.
"Oh, Andito na pala si Lucas. Ba't ang tagal mo pre? san kaba galing ha?" sabi nito sabay lapit at akbay sa kanya. Pero parang walang narinig si lucas kasi hindi man lang niya ito sinagot at nakatitig parin sa akin na para bang sinusuri ako mula ulo hanggan paa na para bang may mali sa akin eh wala naman naka damit naman ako maong short at sexy sleeve nga lang. Pero bago pa man magsalita ulit ang lalaking kumausap kay lucas ay nagsalita na ako.
" Excuse me po mga sir. aalis na po ako pero nakaharang po kasi kayo sa pinto." wika ko sabay yuko ng ulo para hindi mas mailang sa titig na ginagawa ni lucas.
" Ay, Sorry Miss, ganda sige daan ka na." sabi nya sabay hila kay lucas sa tabi. Pero bago pa man ako maka hakbang papalabas ng kwarto ay nag salita naman si lucas.
" Hindi! hindi ka aalis! Dito ka lang." wika ng malalim niyang boses.
" Po? Pero hindi po kasi pwede sir, may mga customer rin po kami sa baba pwede nyo naman pong itawag nalang sa telephono na nakalagay dun sir." sagot ko sa kanya sabay turo kung saan nakalagay ang telephonong tinutukoy ko.
" Sige po sir mauuna na po ako, tawag nalang po kayo pag may kailangan pa po kayo excuse me." sabi ko sabay dali- daling naglakad papalabas nang kuwartong yun at mabilis na bumalik sa trabaho ko na parang walang nangyari.