01: Scalding
Veronica
UMAATIKABONG init ng araw ang bumati sa kumpulan ng taong naghihintay sa harapan ng mataas na gusali ng Frederico Co., ngunit hindi ito alintana ng mga katulad ko na naghahangad ng pagkakataong mapili sa alok nilang trabaho.
"Ang taas naman ng pila! Nababagot na ako!"
"Oo nga! Tapos ang iba diyan, may kapal ng mukha pang maki-insert!"
Inirapan ko na lamang ang dalawang atribida sa likuran ko, habang inaayos ang nakalugay kong buhok na nanlalagkit na sa pawis.
God forbid this scorching heat! I wiped the sweat dripping down my nape before rubbing cologne on it, as I continued to roll my eyes at them.
What can I say? Pinayagan ako ng guard na pumasok sa entrance gate kahit iilang minuto na akong late sa pila papuntang interview hall.
Nang nakapasok naman na ako, may isang lalaki na nag-a-apply din para sa ibang posisyon sa kompanya na gustong magpaliban muna sa job interview sa kadahilanang hindi ko alam, kaya kinuha ko ang pagkakataong iyon para tanungin siya kung maaari kong kunin ang kaniyang puwesto sa mahabang linya.
Being reminded of the encounter earlier, I took my lipstick and makeup kit before dabbing them on my face with a smirk.
Matapos akong hinagod ng tingin ng lalaki mula ulo hanggang paa, umayon siya sa aking suhestiyon at nakangiting itinipa ang numero niya sa phone ko. Pinaliwanagan naman nito ang mga babae sa kaniyang likuran na kukunin ko ang posisyon niya sa linya, kaya hindi ko alam kung bakit pumuputok pa rin ang buchi ng mga ito hanggang ngayon.
I understand exactly why they feel slighted by my taking advantage of the situation, but what can I do? It's a dog eat dog world, and it's not my fault I am ahead of the competition. By all means, anyone in their right mind will be convinced that I earned my spot here.
"Aba, sinusubukan tayo nito ah!" I peeked at the other girl standing behind the one stationed at my back using my periphery. As I noticed her fiercely glaring at me, I smirked wider.
Frederico Co. is a large jewelry conglomerate owned by the richest families in the country, and they're actively searching for a secretary for their CEO, although other job positions are also open for the public.
Ngunit ang posisyong sekretarya ang pinaka-big deal sa lahat, dahil maliban sa suweldong inaalok nito na mas malaki pa sa sahod ng senior managersa pinakasikat na five star establishment sa siyudad, you'd get a prestigious career experience like no other by working here.
Even if you decide to leave the company sooner, other reputable companies will scramble at their feet to hire you. You'll be set for life.
Because of that, I can only imagine how fierce the competition is with the other women now. Pinasadahan ko ng tingin ang matangkad at balingkinitang babae na may kausap sa unahan namin, at hindi nga ako nagkamaling nag-a-apply din ito bilang sekretarya. I felt her heavy stare on me when I looked away, as the others accompanying her also bobbed their head up and down.
Nang tumingin akong muli sa gawi nila, kinindatan ako ng lalaking kasama niya, habang ngumiti nang may kahulugan ang isa pa. The lady beside them, though, only grimaced at me.
I scoffed. Niligpit ko ang make up kit at lippie bago tumingin nang diretso sa entrada ng Frederico Co. With my long luscious hair, clear bronze skin, and clean yet lavishly professional wardrobe, I know and they know that I belong here by looks alone - which is why they're so threatened.
"Hey, Miss! I think you're lost. Sa likuran ka dapat pipila, kasi kakarating mo pa lang!"
Hindi pa pala tapos ang babaeng 'to? Dahil sa saway niya, I was left with no choice but to face her and be irritated once again. Nakakunot ang noo niya, habang tagaktak mula sa itaas ang mga butil ng pawis. Halatang ginagatungan ng sikat ng araw ang inis niya sa akin.
"I'm sorry, but I thought the guy who stood in front of you clearly explained that I'm taking his position in this line, because he has other matters to attend to?" My left eyebrow shot up despite my calm tone. Hindi na naitago ng isang babae ang galit sa kaniyang mukha.
"I'm sorry, too, but isn't it unfair for us who waited long hours to get a spot in this line, and you're just going to snatch one by flirting your way in?!"
"Excuse me?" Pinagtitinginan na kami ng ibang aplikante, dahil tumataas na ang boses namin pareho.
"Totoo naman, hindi ba? Nakita kong may binubulong ka sa lalaking nandito kanina! Hindi mo sana kami mauungusan sa pila kung hindi mo siya nilandi!" bulyaw ng babae, habang dinuduro ako.
"Ano naman kung ganoon?" bulong ko sa kaniya, dahil ayaw ko ng iskandalo. "We don't know each other, so let's just mind our own business, shall we?" dagdag ko.
"Hindi, eh! Kanina ka pa sumusobra! Akala mo ba hindi namin napapansin ang pagmamayabang mo?! Hindi ka pa nga empleyado, yet you already talk and act like you own the company!"
I was stunned. Sa sobrang lakas ng sigaw nito sa akin, pati ang mga nakapuwesto sa pinakalikuran ng linya ay nagmamasid na sa alitan namin. Gusto ko na lamang lamunin ng lupa, pero hindi tayo ipinanganak para magpaapak lang.
Nilapitan ko silang nanggagalaiti na sa galit, at matamang tiningnan. "So, you think I can get the job then? Kung ganoon, mas mabuti pa sigurong umuwi na lang kayo. One of the requirements for being the CEO's secretary is class...and both of you don't have it."
"Walang hiya ka!"
As if to prove me right, both of them yanked my hair right then and there. Umaray ako sa pagkahila ng buhok ko, ngunit hindi rin nagtagal ang hapdi na dulot nito dahil mas malakas ako sa kanila.
I jerked them away from me with strong and swift arm motions, bago dumating ang guard at tuluyan kaming binuwag. I tried to convince him that it's not my fault and I earned my position in the long line, but...I lost. Hindi kasi tumigil sa pagngangawa ang dalawang desperada! Pinayuhan ako na mas mabuti pang sundin ko na lamang ang gusto nila para wala nang away.
Those classless women! If I know, they'd also do the same thing had they been presented with the opportunity!
Imbes na pumila sa likuran, tuluyan ko na lang ipinagliban ang pag-a-apply sa trabaho. Ikinuyom ko ang aking mga palad sa gitna ng kumakalam na sikmura, at sa pagkamuhi na nararamdam sa dalawang babaeng 'yon. Hindi pa talaga ako kumain ng almusal para rito, pero nauwi lang ang lahat sa wala!
Tiningnan ko ang mga panindang pagkain sa indoor cafe ng kompanya na naghuhumiyaw din sa karangyaan dulot ng ginintuan at eleganteng motif nito.
Ang daming masasarap!
I can name the most appetizing of them all, too, like brioche, pain au chocolat, at ang paborito kong croissant!
My eyes sparkled. Memories come flooding in an instant, even if I'd rather have them locked at the back of my mind. Endless laughter and fondness bubbled inside my heart, having remembered the days when I still had every good thing in the world at the tip of my fingers....back when I could get all I want without having to work so hard for them.
Ibang iba sa ngayon kung saan kailangan ko pang ubusin ang sarili ko para makuha ang kahit katiting na luho at kaligayahan.
Kapagdaka'y naglaho rin ito at napalitan ng lungkot at ngitngit nang sumagi sa isipan ko kung paano ito ninakaw mula sa akin. Sa isang iglap, sa isang pagkakamali, gumuho ang paraisong pinaghirapan naming itayo.
Kumurap ako at pinilig ang ulo para pigilin ang lumalaking bukol sa lalamunan ko. Well, my reality is different now, but I still owe it to my loved ones to give them the life they deserve even if it consumes me.
I owe it to them for saving me when I was once a lost girl in a perilous jungle, still longing for her paradise even if it's already gone.
"Miss, itong dalawa lang po ang bibilhin ko." Kape at isang piraso ng ordinaryong tinapay lamang ang napagpasyahan kong bilhin.
Anyway, I had to give up the job offer, because if I'd pursue waiting at the furthest position in the line, I'd be late for my part time job. I can't risk another leave, because I need money. Marami na rin akong absent para alagaan si Nanang sa nakaraang mga araw. Hindi na kakasya sa bill ng kuryente at tubig pati pambili ng gamot niya ang sasahurin ko, kung hindi na naman ako sisipot.
I just hope I'll be reconsidered for an interview some other time. Kung hindi papalarin ay....bahala na. Not to mention, I still have to pay for the matriculation fees of my brother that has long been unpaid since his semester started. Hahanap nalang siguro ako ng ibang raket para makaraos.
Hindi pa naman yata ako malulubog sa utang sa sitwasyong ito?
Iba't ibang agam-agam ang tumakbo sa isipan ko habang naglalakad patungo sa labasan ng gusali, nang may mabunggo ako.
"What the f**k?" he uttered, as soon as I spilled coffee on his polo shirt.