“We have a meeting at 3:00 p.m. together with the department heads!” seryoso ang mukha nito na dumungaw sa kanyang opisina. Simula nang nakabalik sila kanina galing sa restaurant hindi siya kinakausap ni Brian. Narinig pa niyang nagtatalo sila ni Pamela habang papasok sa opisina ng lalaki. “Saan ang venue? Pahabol niyang tanong. “Dadaanan kita rito mamaya! Nag-set pa sila ng lugar kung saan!” sagot at malakas ang pagkasara ng pintuan. Naalala niya kung paano hindi maipinta ang mukha ng lalaki nang papabalik sila sa Brina Vista kanina. Sa function hall sila dumiretso ni Brian. Doon gaganapin ang meeting nila. Nakakunot ang noo nito habang inalalayan siyang bumaba sakay ng elevator. Pagpasok pa lang nila sa lugar naagaw pansin kaagad sa kanya si Renante ang head ng maintenance depart

