Huwag mo ng ei cancel ang meeting namin ni Mr. Blossom ngayon. Pupunta ako ngayon doon. Matipid na sagot niya sa secretary niyang si Sofia saka nagpaalam na siya dito.
Gosh sabay napa upo siya sa sofa . Anong gagawin ko hindi pa ako nakapagdesisyon, hindi ko pwedeng iwan si Eunice hindi ko rin pwedeng pabayaan ang mga ari-arian ko lalo na ang hospital na pagmamay-ari ko dahil ito nalang ang naiwang ala-ala sakin ng mga magulang ko, di baling mawala na ang lahat ng negosyo ko huwag lang ang pinamana sakin ni mommy at daddy.
Pero pagsinuway ko naman ang kagustohan ni Mr. Blossom gagawin naman niya lahat ng sinabi niya. Kilala ko siya may isang salita siya.
Bwisit bakit ba kasi ako naiipit sa sitwasyon na parehong ayukong gawin? Hiniling siguro ni Olga kay Mr. Blossom na iyon ang gawin niyang pagpipilian ko para mapakasalan ko siya. Dahil alam niyang hindi ko ipagpapalit ang iniwan saking pamana ng mga magulang ko. bwisit ka talaga Olga hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago tuso ka pa rin gusto mo pa rin ikaw ang laging nananalo. Galit na pagkasabi niya.
Natigil si Glazer sa pag-iisip ng marinig niya ang boses ni Maureen sa labas ng kuwarto niya.
Bakit mo ako tinatawag? Galit na sagot niya kay Maureen.
Sir handa na po kasi ang agahan baka po gusto mo nang kumain. Tanong ni Maureen na nahinahon sa kanya mula sa labas ng kuwarto niya.
Sige bababa na ako saka huwag ka munang gumawa ng ibang gawaing bahay dahil may pag-uusapan tayo. Sagot ni Glazer sa na may galit sa boses ninto.
Patay! Bulalas na salita ni Maureen. Lagot nanaman ako ninto siguradong makakatikim nanaman ako ng sakit ng katawan, siguro galit nanaman ang halimaw na iyon sa akin dahil sa nangyari sa amin kaninang madaling araw kaya siguro gusto niya akong kausapin. Kinakabahang salita ni Maureen sa hangin habang papunta siya sa kusina.
Nagmamadaling naligo si Glazer at nagbihis lang siya ng t-shirt saka ng short pant, wala siyang ganang magsuot ng pormal na kasuotan dahil para sa kanya wala naman kuwenta ang pag-uusapan nila ni Mr. Blossom.
Pagpasok niya sa kusina ay nakita niyang naka-upo si Maureen sa harapan ng mga pagkaing inihanda ninto sa mesa. Lumapit siya at hinatak ang upuan sa harapan ninto. Nang makaupo na siya ay akmang tatayo na si Maureen sa kinauupuan ninto.
Huwag kang umalis utos niya dito.
Sir kakain kana po baka po makaabala pa ako sa pagkain mo. Sagot ni Maureen na halatang kinakabahan sa tono ng boses ninto.
Kumaha ka pa ng isang plato at sabayan mo akong kumain ngayon. Utos niyang maotoridad kay Maureen habang totok na totok lang ang tingin niya sa mga pagkaing nakahain sa mesa.
Nagmamadali naman sa pagkilos si Maureen, kumuha agad siya ng isa pang plato at umupo siya sa upuang hindi kaharap si Glazer.
Bakit ka diyan umupo? Tanong ni Glazer kay Maureen na may pagkainis sa tono ng boses ninto.
Bumalik ka sa dati mong kinauupuan at may pag-uusapan tayo ngayon. Galit na utos niya kay Maureen.
Sa-sandali lang po sir natatarantang sagot ni Maureen at kinakabahang siyang lumipat sa upuan na kinauupuan niya kanina.
Hindi siya makakain ng ayos dahil parang lalamunin siya ni Glazer sa pagkakatitig ninto sa kanya, hindi pa kasi ito nagsisimulang kumain naka tingin lang ito sa kanya ng matalim.
Kaya yumuko nalang siya habang sumusubo ng pagkain. Para hindi niya makita ang mata nintong nakatingin sa kanya.
Maureen basag ni Glazer sa katahimikan nilang dalawa.
Bakit po sir? sagot niyang matipid kay Glazer na hindi pa rin niya ito tinitingnan.
Pagtapos mong kumain ay magbihis ka, may pupuntahan tayong dalawa.
Ha! Saan po sir tanong niyang nagugulohan dito.
Sa restaurant. Matipid na sagot niya kay Maureen.
Pero sir kumakain na po tayo ng agahan bakit pupunta pa tayo sa restaurant?
Hindi tayo pupunta sa restaurant para kumain meron tayong kakausaping tao doon at gusto ko magpanggap ka na girlfriend ko at sabihin mo sakanila na nagsasama na tayo sa iisang bubong .
Pero sir bakit ko naman gagawin iyon? Saka sir diba meron ka namang girlfriend bakit hindi nalang siya ang isama mo para wala ng pagpapanggap na maganap. Paliwanag niya kay Glazer na halata pa ring nagugulohan siya sa mga sinabi ninto.
Ano bang nerereklamo mo Maureen baka nakakalimutan mong may kontrata tayo na susundin mo ang lahat ng gusto ko , kaya bakit kailangan mo pang isama sa usapan natin ngayon ang girlfriend ko? saka gusto kung ikaw ang magpanggap na girlfriend ko, kaya pwede ba huwag kanang maraming tanong pa sundin mo nalang ang gusto ko. Sagot niyang galit kay Maureen.
Nag suggest lang naman po ako sir kasi po nagugulohan po ako kung bakit kailangan pang magpanggap akong girlfriend mo sir? samantalang may girlfriend ka naman. Paliwanag niya kay Glazer sa mahinahon na boses.
Hindi ko kailangan ng suggestion mo ang kailangan ko ay sundin mo ang gusto ko. Saka pwede ba tigilan mo na ang katatanong mo, bilisan mo nang kumain at magbihis kana. Naiiritang sagot niya. Bibigyan lang kita ng sampong minuto para magbihis kaya huwag kang makupad, kung ayaw mong makatikim ka sa akin ngayon.
Mabilis ang lakad na tinungo ni Maureen ang maid quarter. Pagpasok niya sa maid quarter ay tinungo agad niya ang kabinet , naghanap siya ng maayos na damit na isusuot, napili niyang suotin ay ang floral dress na kulay light pink na hanggang tuhod lang niya. Isinuot din niya ang sandals niyang kulay beige, matagal na niyang hindi sinusuot iyon dahil gusto lang niyang gamitin ang dress na iyon pag-may party siyang pupuntahan.
Nilagyan niya ng kunting lipstick ang labi niya,saka manipis na face powder, simple lang ang ayos niya ngunit lumulutang ang kagandahan niya. Napangiti si Maureen ng makita ang hitsura niya sa salamin, ngunit ang ngiti niya ay napawi ng bumukas ang pinto ng maid quarter.
Bakit ang tagal mo? Bungad niyang salita pagbukas niya ng pinto ng maid quarter, sinabi kong sampong minuto ka lang dapat. May sasabihin pa sana siya kay Maureen ng matigilan siya sa pagsasalita makita kase niya ang magandang hitsura ninto. Simple lang ang ayos ninto mayroon itong manipis na make-up, saka ang suot nintong dress ay humapit sa katawan ninto na lalong nagpalutang sa magandang hubog ng katawan niya. Simple lang ang porma niya pero ang subrang ganda niya sa ayos niya. Tumatakbo sa isip ni Glazer habang nakatulalang nakatingin kay Maureen.
Sir tara na po. Basag ni Maureen sa pagkatulala ni Glazer
Ha! Ah sige tara na sagot ni Glazer na biglang natauhan sa pag-iisip niya.